Ano ang istorya ni Ferdinand marcos?

already exists.

Would you like to merge this question into it?

already exists as an alternate of this question.

Would you like to make it the primary and merge this question into it?

exists and is an alternate of .

tangina nyu
1 person found this useful
Ω

What did Ferdinand marcos do?

Ferdinand Marcos. Ang pang anim at huling presidente ng Third Republic of the Philippines. Siya din ang naging president ng Fourth Republic of the Philippines. Namuno siya sa pamamagitan ng Martial Law at natanggal sa puwesto sa pamamagitan ng People Power Revolution ng 1986.

Ano ang talambuhay ni alexander the great?

ALEXANDER THE GREAT (ALEXANDER THE THIRD) Si Alexander III o mas kilala sa tawag na Alexander the great ay isang hari ng sinaunang griyego ng Macedonia. Ipinanganak siya noong 356 B.C. sa Pella, na siyang punong lungsod ng Macedonia. Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si haring Philip II pagkatapos ng asasinasyon nito noong 336 B.C.. Siya ay namatay sa Babylonia noong 323 B.C. sa edad na 32 anyos. Noong nanunungkulan si haring Philip II sa Macedonia ay napagpasyahan niya na pagkasunduin ang mga taga Macedonia at ang mga griyego, na siyang lalong nagpalaki ng nasasakupan ng Macedonia, at si Alexander ang nagsilbing kapitan-heneral nito na ang unang layunin ay sakupin ang Asya minor, dahil sa matagal na giyerahan ng griyego at persiano. ( Busephalus ang pangalan ng kanyang paboring kabayo at Haring Phillip II naman ang kanyang yumaong ama) Ang kanyang batang isipan at kawalan ng karanasan ang siyang naghimok sa ibang pangkat ng Asya na pumanig sa kanya, pero hindi sumang ayon dito ang mga griyego kaya nagpakita siya ng agarang aksyon at disiplinang militar upang humanga ang mga griyego upang sumang ayon ang mga ito. Nagplano siya na magsagawa ng maikli ngunit matagumpay na kampanya sa mga kalapit-bayan ng Macedonia upang mapalawak lalo ang nasasakupan nito hanggang sa hilaga ng Danube. Habang wala siya doon, naisipang magpatiwakal ng dalawang heneral niya na sina Athens at Thebes. Pero dahil sa agarang pagkilos ni Alexander, napigilan niya ang pag aaklas nila na siyang nagpanatili ng kapayapaan sa imperyong griyego. Nang maayos na ang mga problema sa imperyong griyego ay natungo ang atensyon ni Alexander sa Silangang Asya at sa mga Persiano. Dahil sa sunud sunod na kampanya ni Alexander sa ibang bahagi ng asya sa loob ng sampung taon, nakalikom na siya ng sapat na bilang ng mandirigma upang lumaban sa mga Persiano. Marami nang ulit na natalo ng Macedonia ang mga Persiano sa giyera nila, hanggang sa mapabagsak nila si haring Darius III na naghirap, ginawang bihag at pinanatay ni Bessus ang hari ng Bactria noon. Natagpuan na lamang ang bangkay ni haring Darius III ng isa sa mga mandirigma ng Macedonia sa isang karwahe, at tinakpan ni Alexander ang bangkay nito ng kanyang kapa. Pagkatapos nilang masakop ang buong Asya at Persia, tumungo naman sila ng timog upang sakupin ang India at ang mga baybayin nito. Mahirap ang pinagdaanan nila dito dahil malawak ang nasasakupan ng India at malalakas pa ang mga sandata nito tulad ng elepante imbis na kabayo ang gamitin. Sa labanang ito natamaan si Alexander sa kaliwang dibdib na muntik na niyang ikamatay, ang kanyang alagang kabayo naman na si Bucephalus ay sinawing palad na mamatay dahil sa tumagos na sibat at dahil na rin sa katandaan nito (30 anyos na ang kabayo noong mamatay). Dahil dito, nagpagawa ng rebulto si Alexander at pinangalanan ang isang siyudad ng Bucephala, alang lang sa dangal nito. Nasakop niya ang India at ang mga baybayin nito ngunit ang mga Indiano ay nagisip ng masama sa kanya at dahil na rin sa kayabangan ng hukbo ni Alexander ay umaklas sa kanyang hukbo ang mga ito. Sinasabing namatay si Alexander sa dahilan ng pagkakasakit ng malaria, typhoid fever at encephalitis. Ang iba naman ay nagsasabing nilason sa Alak si Alexander ng mga kumakalaban sa kanya. Nakapag asawa siya ng dalawang prinsesa sa magkaibang bayan; Si prinsesa Roxana ng Bactria, at si prinsesa Stateira ng Persia(anak ni haring Darius III). Bagaman wala siyang anak na tagapagmana noong siya ay mamatay, kinuha ng mga heneral ni Alexander ang isang marangal na lalaki na kapangalan ni Alexander, Alexander IV ang pangngalan niya. Walang relasyon si Alexander III kay Alexander IV, kinuha lang ng mga heneral si Alexander IV bilang pag alala sa dakilang si Alexander III. Ang pangngalan ni Alexander ay tumatak sa Kasaysayan ng Pandirigma, una dahil sa malawakang pagsakop nito sa iba't ibang mga lugar sa daigdig, at pangalawa na hindi siya natalo sa kahit anong digmaang kinaharap niya. Siya ay ginawang isang makasaysayang bayani ng buong Macedonia noong mamatay siya sa pamamaraan na tradisyon ni Achilles. at ng dahil sa kanila naging imperyo ang India... by : cuty gellie 19 !

Ano ang talambuhay ni Ramon Magsaysay?

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramon "Monching" Magsaysay (Agosto 31, 1907 - Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan. Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College. Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

Ano ang suliranin ni Emilio aguinaldo?

- kumain ng chuppachups habang nagbabasa - nagpalaba ng kanyang brief sa maid - Sumuko sa pagtingin ng SAW 5 - kumain ng pagkain - Nag.post ng question sa answers.com para sa project nila

Ano ang mga obra ni Fernando Amorsolo?

Fernando Amorsolo List of his masterpieces are 1920 - My Wife, Salud 1921 - Maiden in a Stream, GSIS Collection 1922 - Rice Planting 1928 - El Ciego, Central Bank of the Philippines Collection 1931 - The Conversion of the Filipinos 1936 - Dalagang Bukid, Club Filipino Collection 1939 - Afternoon Meal of the Workers (also known as Noonday Meal of the Rice Workers) 1942 - The Rape of Manila 1942 - The Bombing of the Intendencia 1943 - The Mestiza, National Museum of the Philippines Collection 1944 - The Explosion 1945 - Defense of a Filipina Woman's Honor, oil on canvas (60.5 in x 36 in) 1945 - The Burning of Manila 1946 - Planting Rice, United Coconut Planters Bank Collection 1950 - Our Lady of Light 1958 - Sunday Morning Going To Town, Ayala Museum Collection The First Baptism in the Philippines - Cebu High School Princess Urduja Sale of Panay Early Sulu Wedding Early Filipino State Wedding Traders Sikatuna The First Mass in the Philippines The Building of Intramuros Burning of the Idol Assassination of Governor Bustamante Making of the Philippine Flag La destruccion de Manila por los salvajes japoneses (The Destruction of Manila by the Savage Japanese) Bataan Corner of Hell One Casualty El Violinista (The Violinist)

Ano ang talambuhay ni Cayetano Arellano?

Si Cayetano Arellano, ang kauna-unahang Chief Justice ng Korte Suprema ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang sibil ng Estados Unidos, ay ipinanganak nuong Ika-2 ng Marso 1847 sa Orion, Bataan. Nag-aral siya sa University of Sto. Tomas kung saan natapos niya ang kursong Philosophy. Sa panahon ng Espanyol, siya'y hinirang na Magistrado Suplente ng Audiencia Tribunal ng Maynila. Siya'y namatay nuong Ika-23 ng Disyembre 1920.

Anu ang istorya ng kwentong gilingang bato ni edgardo m Reyes?

Ang Gilingang Bato Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito'y nagisnan na naming magkakapatid.Ayon kay ina, ito'y minana niya kay Impo, na minana rin naman daw ni Impo sa sariling ina nito.Sa likod niyan ay walanang makapaglahad sa kasaysayan ng gilingang bato, maliban sa sabi-sabi na ang kalahian daw ni Ina ay kalahian ng magpuputo. Ang ina raw ni Impo ay isang mahusay na magsusuman,kinilala sa buong San Fermin at dinarayo maging sa mga karatig-bayan na nagnanais magregalo o maghanda ng espesyal na suman sa kapistahan, kasalan at iba pang okasyon na may handaan. Si Impo ay naging kabalitaan daw naman sa kanyang bibingkang sapin-sapin.At kung ang pagpuputo ay likas na talinong namamana,ay si Ina ang tanging nakamana niyon pagka't sa kanilang magkakapatid,tatlong lalaki at apat na babae,ay siya lamang ang lumabas na magpuputo. Sa mangasul-ngasul na hilatsa sa galingang bato, ang pinag-ukitang batong-buhay ay maaaring sintanda na ng panahon. Ngunit ang mismong gilingan ay Hindi kapapansinan ng kalumaan, maliban sa tatangnang mulawin, na kuminis na at nagkabaywang sa kaiikot sa sarisaring kamay. Hindi ko alam kung gaano kahusay na magpuputo si Ina. Sa lasa ko, ang kanyang lutong mga kakanin, na bihira kong tikman, ay wala nang katangi-tanging sarap. Ngunit maaaring dahil ako'y sawa na. nawawalan ng lasa ang pinakamasarap mang pagkain kapag araw-araw ay nakahain iyon sa iyo. Ngunit maaaring masarap ngang magkakanin si Ina pagkat siya, tulad ni Impo, ay nagging kabalitaan din sa pagpuputo. Ang pagkakanin ni Ina, kung bagaman, ay Hindi siyang sandigan ng aming kabuhayan noong nabubuhay pa si Ama na isang panday. Kung baga'y nakatutulong lang si Ina. Ngunit bigla-bigla ang pagkamatay ni Ama. Nakaramdam ng naniningid na pananakit sa puson at pamamanhid sa paligid ng pigi, inakala na iyon ay kung ano lamang na titigil din nang kusa, at nang pumayag na pahatid sa ospital (nang panahong iyon ay mayayaman lang ang karaniwang nagpapaospital) sa kabisera ay huli na; mula sa San Fermin hanggang sa kabisera ay dalawang oras na paglalakbay sa karitela, at sa daan pa lamang ay sabog na ang apendisitis. Maliit pa ako noon, pito o walong taon, upang akin nang maunawaan ang kahulugan ng gayao ni Ama sa mga naiwan. Ngunit nang malaki na ako, ang pangyayari'y napag-uusapan pa rin paminsan-minsan ng aking mga kapatid, at ang kalamnan ng kuwentu-kuwento ay nag-aalay ng tagni-tangning kabuuan. Dalawang beses lang daw umiyak si Ina: sa aktuwal na sandal na pagkamatay ni Ama at nang ang bangkay ay ibinababa sa hukay ang pait ay kinimkim sa kalooban, ayaw iluha. At sa libing pa lamang ay usap-usapan na ng mga Tao kung paano kami mabubuhya ngayong wala na si Ama. Kawawa raw naman kami. Tatlong araw pagkaraan ng libing ay pinulong daw kami ni Ina (Hindi ko ito natatandaan). "Wala na'ng ama nyo. Ano'ng iniisip nyo ngayon sa buhay natin?" Isa man daw sa amin ay walang umimik---si kuya(panganay sa amin at mga 17 taon noon), si Ate, si Diko, Si Ditse saka ako (bunso). "Mabubuhay Tao," sabi raw ni Ina. "Pero kikilos tayong lahat." Dati, si Ina ay ngpuputo lamang kapag may pagawa sa kanya. Ngunit ngayong wala na kaming ibag pinagkukunan ay Hindi na maari iyong umasa na lamang kami sa dating ng order; kailangang magputo kami at magtinda araw-araw. Naging abala ang gilingang bato mula noon. Gumigiling kaming lahat, palit-palitan. Sa umaga, ang malagkit ay nakababad na. Sa hapon ay simula ng paggiling, na inaabot ng katamtamang lalim ng gabi. Hindi medaling gilingin ang tatlo-apat na palangganang galapong. Bukod sa mga tanging pagawa, si Ate at si Kuya ay nagtulong sa isang puwesto ng bibingka at puto-bumbong sa kanto. Si Ditse ay nakapuwesto sa palengke tuwing umaga, sa hapon ay lumilibot, sunong ang bilao ng sumang malagkit at suman lihiya. Si Diko, na ang karaniwang tinda'y butse at palitaw, ay nakababad naman sa palaruan ng pool sa bayan, ngunit tuwing Sabado at Linggo ay nakapuwesto sa harap ng sabungan. At maging ako, sa edad kong iyon, ay nagtitinga rin, maglalako ng gurgorya, bagamat Hindi ako lumaayo nang malayo. Natatandaan ko na minsan ay napaaway ako sa aking paglalako ng gurgorya. Dalawang bata ang nakisabay sa lakad ko, at tuwing itatawag ko ang aking tinda ginagagad ako. Nakipagbabag ako dahil doon. Umuwi ako nang ngumangalngal, dumurugo ang bibig, may kalmot sa leeg at sa pisngi. Nagsumbong ako kay ina, ngunit ako ang kanyang sinisi. Hindi ko raw dapat pinansin ang panunukso, at lalong Hindi raw nararapat na makipagbasag ulo ako nang dahil ang doon. Pinadapa niya ako, tatlong sunod na pinalo ng patpat. "Di mo dapat ikahiya ang paghahanapbuhay," sabi niya. Inulit nya ang pangaral na ito sa aking mga kapatid kinagabihan. "Ayoko nang ikahihiya ng sinuman senyo ang hanapbuhay natin. Hindi tayo nagnanakaw. Pinaghihirapan natin 'to!" ngunit ang higit dawn a pinag-uukulan niyon ay si kuya, na diumano, sapagkat binata na, ay malimit magparamdam kay ate ng pagkahiya sa pagtao sa bibingkahan at puto-bumbungan. Hindi naman sa paglapastangan sa alaala ni ama, magaan-gaan ang nagging pamumuhay naming kaysa noong siya'y buhay. Ang aming bahay na pawid at kawayan ay nagging table at yero. Sa gabi, ang kabuuan ng mga intrega ng pinagbilhan ay tinutuos ni Ina, ang tubo ay inihiwalay sa puhunan, itinatabi. Magtrabaho ang pagkakanin. Mula sa pangunguha ng mga dahon ng saging hanggang sa pagtitinda ng luto nang mga kakanin sa samut-samot na paghahanda at Gawain. Ngunit sa kabila ng kaabalahan ay naisisingit naming ang pag-aaral, maliban lamang kay Ditse, na sapagkat may kapurulan ang ulo sa eskwea ay tumigi pagkaraang makapasa, nang pasang-awa sa ikalimang grado. Nauna si Kuya na nagkolehiyo (sa Maynila pagkat noo'y wala pang kolehiyo sa lalawigan), sumunod si Ate, sumunod si Diko. Nababawasan ang katulong ni Ina sa hanapbuhay ay nadaragdagan naman ang paggugugulan. Tatlo na lang kaming naghahalihalili sa gilingang bato. Sa isang banda'y maipagpapasalamat ko na nagging mapurol ang ulo ni Ditse, sapagkat kung Hindi ay sasapit sana na ako lamang ang maiiwang katulong ni Ina. Patuloy ang pagtanggap ni Ina ng mga pagawang puto at suman. Si Ditse ang pumalit sa bibingkahan ng puto-bumbungan. Sa akin napasalin ang pagtitinda ng kakanin sa palaruan ng pool sa bayan, at sa sabungan tuwing Sabado at Linggo. Gayunman, ang kita naming ay Hindi na katulad noong lima kaming ka-balikat ni Ina sa hanapbuhay. Nagtataka ang aming kababaryo. "Pa'nong ginagawa ni Trining (pangalan n gaming ina) at nakapagpapa'ral ng tatlong anak sa kole'yo?" Kung ang kinikita nga lamang naming ay Hindi sasapat. Ngunit ang Hindi alam n gaming mga kabaryo ay ang katotohanan na noong wala pang nagkokolehiyo sa amin, si Ina ay ipon ng ng ipon ng itutustos sa pagkarera ng kanyang mga anak. Nang ako'y magkolehiyo ay may asawa na si Kuya at si Ate. Pareho naman silang nakatapos, kung sabagay: si Kuya ay komersiyo at si ate ay edukasyon. Noo'y inagaw na ng puti ang itim na buhok ni Ina, at si Ditse na lamang ang katulong niya sa dating hanapbuhay. Tulad n gaming nakakatandang mga kapatid, nang matapos naming ni Diko ang mga Kursong pinili naming at magkaroon ng sariling trabaho, ang sumunod na hinarap naming ay pag-aasawa. Si Ditse ang pinakahuling nag-asawa sa amin, at ang nagging kapalaran naman ay isang magsasaka. Nalayo kay Ina ang kanyang mga anak, liban kay Ditse, at sa napangasawa nito, na nakapisan sa kanya, sa dating bahay naming. Kaming talong lalaki ay layu-layo rin ng tirahan sa kamaynilaan. . Si Ate, na ang napangasawa ay isa ring titser na tuad niya, iniuwi ng aking bayaw sa sariling bayan nito, sa Santa Cruz,Laguna, at doon sila parehong nagtuturo. Ngunit Hindi kami nakakalimot sa pagdalaw kay Ina. Lao na tuwing Pasko, nasa kanya kaming lahat, pati na ang mga manugang at ang mga apo. Talagang matanda na noon si Ina. Pilak na ang kanyang nandadalang buhok. Iuyloy na ang kalamnan ng mga braso, lumaladlad na ang mga pisngi. Ngunit sa larawang iyon ng katandaan ay mababakas pa rin ang katatagan, at sa may kalabuan nang mga mata ay masasalamin ang kawalang-pagsisisi sa kanyang buhay at sa kanyang pagiging isang ina. At bakit nga Hindi? Sa abot ng kanyang kaya ay nagawa niya ang pinakamabuti para sa kanyang mga anak. Bukod sa pagdakila ng kanyang mga anak, siya'y pinupuri ng mga nakakikilala. Sa San fermin, ang anak ng isang magsasaka ay maaasahang magiging isang magsasaka rin, ang anak ng isang kutsero ay maaasahang magiging isang kutsero rin. Ngunit kami, apat kaming nakapag-aral at ang ikalima'y dapat sanang nakapagkolehiyo rin kung di lamang sa isang kakulangan. Bihirang ina ang makagagawa ng nagawa ni Ina. Si Ditse ay abala na sa sariling mga anak upang maasikaso pa ang pagtitinda ng mga kakanin. Ngunit si Ina at tumatanggap pa rin ng mga pagawang puto at suman. Iisa ang payo ng kanyang mga anak,dpat na siyang tumigil sa mabigat na gawaing iyon, dapat na niyang iukol ang nalalabing mga araw ng kanyang buhay sa pamamahinga. Ngunit ayaw niya kaming pakinggan. " Madadali' ng buhay ko 'pag sinunod ko kayo," katwiran niya. Sa lungsod ay walang katatagan ang pamumuhay. Maaaring may trabaho ka ngayon, maaaring bukas naman ay wala. Darating sa iyo ang sarisaring di mo inaasahang mga kagipitan. Umaabot it okay Kuya, sa akin, at lalo na kay Diko, na ang tinapos lamang kurosong vocational, radio-TV technician. At sa kagipitan, takbuhan ni kuya at ni Diko ay si Ina. Sa pananalita ni Kuya at ni Diko, ang kiukuhang pera ay hiram, ngunit sa pagbabayaran ay Hindi naman tinatanggap ni Ina. "Hamo na, mahirap 'yong kayo pa'ng kapusin. Nasa menila kayo, walang malalapitan." Ngunit ako, sa kagipitan, ay sa mga kaibigan lumalapit. Anhin ko mang wariin ay Hindi ko kayang dibdibin na hingan ng pera, sa porma ng hiram, si Ina, na tuwing maalala ko ay sa kalagayang matanda at mahina na ay pumipihit pa rin ng gilingan bato. Ang totoo, ni minsan mula nang ako'y magkapamilya ay Hindi ko ipinahalata sa kanya na ako'y kinakapos sa pera. Sa pagdalaw ko sa kanya ay mangya pa na ako'y may pasalubong---na ang ibinili ay maaaring inutang ko lamang. At gayundin, sa aking pagpapaalam ay may iaabot ako sa kanya na sampung dalawampung piso---na maaari ring inutang ko lamang. Kahit na anong pilit naman ang gawin ko ay Hindi niya iyon tatanggapin. Nangungutang ako ng perang ibibigay ko sa kanya, na alam kong Hindi naman niya kukunin, upang mapalabas ko na ako'y nakakaluwag. Sapagkat ngayong kami'y may kanya-kanya nang pamilya, si Ina, kapag tungkol sap era, ay may ibang trato sa amin. Kung gaano siya kapilit sa pagbibigay ng pera sa mga anak ay gayundin naman siya kapilit sa pagsasauli ng perang bigay ng mga anak. Kapag umuwi ang isang anak niya, at sa pagpapaalam ay walang iniaabot nap era, ang hinala agad nya ay gipit ang anak niyang ito, at kaya umuwi ay may kailangan, nahihiya lamang na magsalita. Dudukot siya ng pera sa kanyang bulsikot at ipipilit iyon sa anak. At kung ibig ng anak na magdamdam at magtampo ang ina, ang kailangan lang na gawin niya ay tanggihan ang perang ibinibigay. Kayat ako, sa pagdaaw ko, upang Hindi hinalaan ni Ina na ako'y hikahos, at upang Hindi ako alukin ng perang ayaw ko at ibig ay kailangan kunin ko, ay nangungutang ako sa kaibigan, kung ako'y walang pera, upang may maiabot sa kanya sa aking pagpapaalam. Hindi niya tatanggapin iyon,alam ko, ngunit Hindi niya lamang niya ako sapilitang bibigyan ng pera pagkat sa akala niya ay maluwag ako, na siyang kahulugan ng aking pagbibigay. At isa pa ay ayokong isa pa ak sa kanyang anank na iniintindi niya. Ibig ko nakapag naalala niya ako at aking pamilya ang nasa isip niya ay patag an gaming lagay. Minsan, sa pag-uwi ko ay dinatnan ko si Ina na akto ng paggiling. Bago ko inagaw sa kanya ang trabaho ay ilang sandai munang minasdan ko siya sa pagkakaupo ko sa kanyang tabi. Makupad na at hirap ang kanyang mga kilos. May kinig na ang kanyang kamay sa bato. Pagsaglit-saglit ay tumutigil siya, naghahabol ng hininga. Wala na ang kanyang dating lakas, sigla, at liksi. Ngunit ang pinagtatakhan ko ay kung paanong ang tuyot nang bising na iyon ay nakakaya pang makapihit ng gayong bigat. Sa bawat tulak at sa bawat kabig ay lalong nanlalalim ang kanyang malalalim nang balagat. Ang nag-usling mga ugat sa kanyang braso ay waring nagsisipagbantang mag-ikasan. Natuon ang tingin ko sa kanyang kamay: kaluntoy, butuhan,si ina ay animo na lamang ng kanyang dating sarili, ngunit ang gilingang bato ay iyon pa rin. Sa gilingang bato ay nabanaag ko ang panahon; sa lantang kamay ni Ina ay nakita ko ang mga huling sandal ng pakikihamok ng Tao sa panahon. Ang Tao ay dumarating at yumayao; ang panahon ay nananatili. Si Ina ay Tao; ang gilingang bato ay panahon. Inagaw ko ang gilingan. Ayaw niyang ibigay iyon. Sa pagpipiitan naming ay napahawak siya sa kamay ko. Naramdaman ng aking kamao ang ligasgas ng kanyang makapa, nakakalyong palad. Nakdama ako ng di ko maunawaang panliliit at pagkahiya. Bumitiw siya sa tatangnan. "Mahihirapan ka," sabi niya. Ako, na bata at malakas, ang kanyang inalala, Hindi ang kanyang sarili! "Dati kong trabaho 'to." Sabi ko. Dati ko ngang Gawain iyon, ngunit nang mga sandaling iyon, na muling paghawak ko sa giingan pagkaraan ng maraming taon, ay nakaramdam ako ng paninibago. Kay bigay niyon! Nangalay agad ang kanang braso ko at kinailangang ihalili ko ang kaliwa. Napansin iyon ni Ina at siya'y nangiti. " Hindi ka na 'ta marunong," sabi niya. Noong araw, kahit na kamuraan ko, ay parang nilalaro ko lamang ang paggiling. Ang planggana'y napapangalahati ko sa galapong nang Hindi ako nagpapalit sa kamay. Bakit ngayo'y kay hirap? Naisip ko na ang gaan at bigat ng isang Gawain ay naaayon lang sa kasanayan. "Sino ba naman ang nagpapagawa pa sa inyo?" tanong ko. "Isang taga-Kamyas. Naimporta. Panregalo raw sa binyagan "Hindi na kayo dapat pang tumatanggap ng trabaho. At sila... Hindi ba nila nakikita na sa edad n'yong 'yan e, kawawa naman kayo kung pagtatrabaho pa?" "kuuuu, kaya ko 'yan." Hindi alam ni Ina ang taon, maging ang buwan at petsa ng kanyang kapanganakan. Ngunit nang siya'y mamaalam, at tuos naming ay humigit-kumulang siya sa 80 taon. Sa mga huling araw ni Ina, siya'y nag-aaninaw na, at mahinang-mahina na upang makayanan pang pumihit ng gilingang bato. At ang kanyang sinabi noon, na ang pagtigil sa gawaing mahal sa kanya ay maaaring magpadali ng kanyang buhay, ay waring nagkatotoo. Ayon kay Ditse, mula nang mamahinga si Ina ay nagging masasakitin ito, bumilis ang panghihina. Gayunman, kahit paipud-iPod ay lumalabas ito sa kusina, dinadalaw ang kanyang gilingang bato, na nakatabi sa ilaim ng kakalanan. Hinuhugasan nito iyon, o dili kaya'y pinupunasan ng basahang basa. Bigla rin ang kanyang pagkamatay, tulad ng pagyao ni Ama. Ang kalooban naming ay handa na sa mangyayari ngunit inakala naming na mabubuhay pa siya nang dalawa o tatlong taon pa. Ngunit isang umaga ay dumating sa amin ang aking bayaw (asawa ni Ditse) at ibinalita na patay na si Ina. Kung ano ang ikinamatay, mahirap matiyak. Ngunit hinulaan naming, batay sa nakita sa kanya na mga palatandaan bagi siya namatay, na iyo'y pulmonya. Tatlong gabing paglalamay. Sa usap-usapan ay maraming papuri kay Ina. Di na iilang patay ang napagmasdan ko sa pagkakaburol, at ang karaniwang larawan ng patay sa pagkakaburol ay hapis. Ngunit an gaming ina, sa pagkakaburol, ay waring nakangiti pa! Nairaos nang maayos ang libing. At kahit sa kanyang kamatayan, kaming mga anak ay Hindi nakaroon ng pagkakataong gastusan siya. May pera siya sa kanyang bulsikot, mahigit na dalawang daang piso, husto na sa isang payak, payapang libing. Pagkaraan, bago kami magkanya-kanya ng uwi, pinag-usapan naming ang tungkol sa mga naiwang pamana sa amin ni Ina. Bahagi ito ng isang matandang kagugalian Hindi lamang sa San Fermin bagkus ay sa buong lalawigan, na sa pagyao ng isang magulang, ang bawat isa sa mga anak ay kailangan kumuha ng kahit isa man lang na bagay na naiwan, may material mang kahalagahan o wala. Ang dapat piliin ng isang anak ay kung ang inakala niya na higit na makapagpapagunita sa kanya sa yumaong magulang. Ang bakurana at ang bahay ay Hindi na dapat pag-usapan. Buhay pa si Ina ay napagpuungan na naming (si Kuya,si Ate,si Diko saka ako) sa anu't ano man, ang bahay at bakuran ay kay Ditse. Itunuturing naming na siya ang pinakakawawa sa aming magkakapatid. Kinikilala rin naming na siya ang may pinakamalaking naitulong kay Ina sa hanapbuhay, na kaming apat, Hindi si Ditse, ang higit na nakinabang. Siya rin sa aming lima ang tanging nakapagsilbi sa aming Ina sa huling panahon ng buhay nito. Inisip naming ang iba pang mahalagang bagay na naiwan ni Ina. Isang singsing na may limang maliliit na butyl ng brilyante. "Ibinigay na rin natin kay Chedeng." Mungkahi ni Ate, na ang tinutukoy ay si Ditse. " 'Yon ba'ng gusto mo?" tanong ni Kuya kay Ditse. Tumango si Ditse, tangong alanganin, nahihiya. Isang karaniwang hikaw na tumbaga. "kung walang may gusto n'on sa inyo," sabi ni Kuya," 'yon na lamang ang sa'kin. Para kay Ester," na ang tinutukoy naman ay ang kanyang asawa. Sang-ayon kami. Naalala ni Ate ang bulaklakin, lilang bestido ni Ina, regalo rin naman niya, ni Ate, sa aming Ina noong nagdaang Pasko. Iyon na lamang daw ang kukunin niya, sabi ni Ate. "Sa 'kin 'yong bulsikot!" sabi ni Diko. "Baka-sakaling kung ibitin ko sa loob n gaming aparador, e magbigay sa'min ng konting s'werte sa pera." Hindi naming napigil, napangiti kami. Marahil, ang pinagbabatayan ni Diko sa kanyang "pamahiin" ay ang kaalaman niya na kailanman ay Hindi nawaan ng lamang pera ang bulsikot ni Ina. Iyo'y yari sa sinauna, antigong seda, tahing-kamay, at kung Hindi ako nagkakamali ay matanda pa sa akin. Binalingan ako ni Kuya,"Ikaw?" Sinabi ko ang nakakuwadro, ipinnintang larawan n gaming mga magulang sa bihis-pangkasal. Lahat sila'y nanganga, natigilan. Nahiwatigan ko ang panghihinayang nila na walang nakaalala sa kanila sa larawang iyon. "O, maayos na?" pagkuway'y tanong ni Kuya. Tanguan kami. Pagkaraa'y kanya-kanya nang pagpapaalam sa mga maiiwan, dala ang kanya-kanyang inuring pinakamahalagang alaala ng yumaong magulang..

Programa ni ferdinand marcos?

Programa sa Reporma sa Lupa • Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon. Proyektong Imprastruktura • Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang "The Architect of the New Society" Green Revolution • Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain . Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa. Paglinang sa Kulturang Pilipino • Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater . Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino.

Ang istorya ng ekspedisyon ng France ni Ferdinand Magellan?

Magellan, Ferdinand (Portuguese, Fernão de Magalhães; Spanish, Fernando de Magallanes ) (c. 1480-1521), Portuguese navigator and explorer, the first European to cross the Pacific Ocean and the first person to circumnavigate the globe. Magellan was born in Sabrosa, northern Portugal, of a noble Portuguese family. At the age of 12 he went to court as page to Queen Leonora, consort of the Portuguese King John II. In 1505 Magellan went on the first of several naval voyages to India, helping two successive viceroys, Francisco de Almeida and Diego Lopez de Sequira, to wrest control of key Indian trading ports from the Arabs. In 1509 he and his friend Francisco Serrão were involved in an unsuccessful attempt to take the Malayan port of Malacca (now Melaka). Serrão, and possibly Magellan, went on to Tenate in the Moluccas (then called the Spice Islands) in 1511-1512, marking the beginnings of a lucrative trade in cinnamon and nutmeg. Magellan returned to Portugal in 1512, was promoted to captain, and fought against the Moors in Morocco, where he received wounds that left him lame for life. After his request for an increase in his royal allowance was rejected by Emanuel, King of Portugal, who was indifferent also to Magellan's proposal for a voyage to the Moluccas, Magellan renounced his Portuguese nationality and in 1517 offered his services to the King of Spain, Charles I (later Holy Roman Emperor Charles V). Magellan had learnt from a variety of sources that the South American continent was probably not joined to the conjectured Great Southern Continent, and that it was likely that the riches of the Far East might be attained by sailing westward around the tip of South America. The route eastward was controlled by Portugal under the terms of the Treaty of Tordesillas. This had laid down a Line of Demarcation, to the east of which the Portuguese were given title, and to the west the Spanish. Since Portugal was strengthening its grip in the East Indies, it was clearly in Spain's interest to establish the position of the corresponding demarcation line on the opposite side of the Earth, in case any of the lucrative territories there fell within their zone. Nobody was certain which side of this line the Moluccas lay. The Spanish Crown was quick to endorse Magellan's plans and finance came from the German banking firm, the House of Fuggers. After a ceremonial departure from Seville on August 10, 1519, Magellan sailed from the coastal port of Sanlúcar de Barrameda on September 20 with five ships and some 250 men. Following the coast of Africa to Sierre Leone, they crossed the Atlantic and reached South America, exploring the Brazilian coast and in February 1520 reaching the River Plate estuary (which because of its size he mistook for the southern end of the continent). Here he sighted a mountain and shouted "Monte video" ("I see a mountain") so giving the name to the city, founded two centuries later, which became the capital of Uruguay. On March 31, as the southern winter was beginning, his fleet put into what is now Port San Julián, on the southern coast of Patagonia, where it remained for nearly six months. During that period the crew came to resent their Portuguese captain and a mutiny occurred, forcing Magellan to execute the ringleader. One of his ships was wrecked surveying the coast of Patagonia. On October 21, 1520, Magellan sailed into the passage to the Pacific Ocean that is now named after him, the Strait of Magellan. It took 38 days to navigate the treacherous strait, and the crew of the San Antonio deserted and returned to Spain. Fires were seen along the shores to the south, causing Magellan to name this land Tierra del Fuego (land of fire). After a journey of 530 km (330 mi), on November 28, 1520, his three ships sailed into the ocean, which Magellan named "Pacific" (meaning "peaceful") because of its calmness. They sailed northward along the west coast of South America, and then set out westward across the Pacific. Magellan's exact route is not known but he sailed north of the many islands of the South Pacific, only sighting the barren outcrops of the Tuamotu Archipelago (the Islands of Disappointment). By now they were running desperately short of food and fresh water, and many died of scurvy. The survivors resorted to chewing boiled leather, rats, and sawdust before reaching Guam in the Mariana Islands on March 6, 1521. They had been out of sight of land for 100 days. The natives were friendly and enabled them to resupply, but there was a tendency to pilfering , a cultural misunderstanding which led Magellan to call the islands the Ladrones (the Islands of Thieves). Sailing westward in search of the Moluccas, perhaps not realizing he was far to the north of them, after 10 days Magellan became the first European to see the Philippines, landing on the island of Cebu on April 7. There he made an alliance with the ruler of the island and agreed to aid him in an attack on the inhabitants of the neighbouring island of Mactan. Magellan was killed on April 27 during the Mactan expedition by a group of islanders led by their chief, Lapu-Lapu. Following Magellan's death, one of the vessels in his fleet was burned by its crew to prevent it being taken, but the other two escaped and reached the Moluccas on November 6, 1521. One of the vessels, the Victoria, commanded by Juan Sebastián del Cano, completed the circumnavigation of the globe, by way of the Cape of Good Hope, finally going ashore at Seville on September 9, 1522. Although Magellan did not live to complete the voyage, he did circumnavigate the globe (if he made the 1511 journey to the Moluccas) by passing the easternmost point he had reached on an earlier voyage. The cargo of spices carried back to Spain by the Victoria alone paid for the expenses of the expedition. The passage through the Strait of Magellan was too long and difficult to be a practical route from Europe to the Moluccas, however, and Spain sold her interests there to Portugal. Nevertheless, the voyage laid the foundation for trade across the Pacific between the New World and the East, and although Spain did not immediately recognize the importance of the Philippines, before the end of the century Manila had become the greatest Spanish trading centre in the East. Magellan's circumnavigation, together with the earlier voyages of Vasco da Gama and Christopher Columbus, finally re-established in the popular imagination of Europeans that the world was a sphere, and demonstrated that the world's oceans were linked (since ancient Greek times Europeans had thought the Indian Ocean was landlocked). In addition, Magellan enabled cartographers for the first time to make an estimate of the true size and shape of South America, and the full vastness of the Pacific Ocean. Reviewed By: Shane Winser . multimedia. 2 items. web centre. Ä. Find the best online information about Magellan, Ferdinand.. Encarta Editors' Choices. Ferdinand Magellan. The first to sail around the world. more.... further reading. These sources provide additional information on Magellan, Ferdinand..

Ano ang alyas ni Dr.Jose Rizal?

Sa pamamagitan ng kanyang nobelang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo ay malinaw na nalinawagan ang pagdurusa ng mga Filipino sa mga pang-aabuso ng mga prayle sa kolonya.....

Ano ang suliranin ni Pangulong Ramon magsaysay?

pagangat ng lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang naapektuhan ng digmaan pagpapanatili ng pambansang seguridad na nanganib sanhi ng pagkilos ng mga huk pagbubuklod ng mga pilipino na nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon paganat ng kabuhayan ng bansa

Ano ang suliranin ni Ramon Magsaysay?

pagangat ng lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang naapektuhan ngdigmaan pagpapanatili ng pambansang seguridad na nanganib sanhi ng pagkilosng mga huk pagbubuklod ng mga pilipino na nahati dahil sa isyu ng kolaborasyon paganat ng kabuhayan ng bansa

Ano ang buhay ni Jericho rosales?

marami syang pinasukan na trabaho gaya ng mga sumusunod naging pizza boy,naging driver ng jeepny at nagtinda din sya ng mga isda sa palengke.

Ano ang talambuhay ni elpidio r quirino?

Pamamahala ni Panglong Elpidio Quirino Namatay si pangulong Manuel Roxas noong Abril 15 1948 dahil sa atake ng puso. Naupong pangulo ng Pilipinas ang pangalawang Pangulo Elpido Quirino. PROGRAMA SA PAMAMAHALA Bilang pagpatuloysa nalalabing panunungkulan ni pangulong roxas, kaagad na binalangkas ni Pangulong Quirino ang magiging programa ng kanyang pamamahala. Ayon dito,tutuunan ng pangunahing pansin ang mga sumusunod: 1.) Reorganisayon ng pamahalaan para sa higit na epektibong paglilingkod ng mga sangay at tanggapan nito. 2.) Pagpapataas sa produksyon upang mabigyan ng hanapbuhay ang libong bilang ng mga walang hanapbuhay. 3.) Mahigpit at tapat na pagpapatupad batas sa pagbubuwis. 4.) Pagpapanatili at pangangalaga sa dangal ng bansa . 5.) Patuloy na pakikipaglaban ng Pilipinas sa ibang bansa. 6.) Pagtatayo ng presidential Action Committee on Social Amelioration (PACSA). Mga Pagsisikap na Pangkapayapaan Inutos niPangulong quirino ang muling pagkakaloob ng amnestiya sa mga kasapi ng kilusang HUKBALAHAP. Binuksan ding muli ang mga usapang pangkapayapaan. Mula rito ay isang kasunduan ang nabuo.Napasangayo ang mga HUK na isuko ang kanilang mga sandata sa pamahalaan kapalit ng pagtanggap ng amnestiya mula sa pamahalaan. Nagpatupad din ng patakaran ng pag akit sa mga HUK magbalik -loob sa pamahalaan. Pinondahan ng pamahalaan ang isang programang laan para sa pagpapanibagong-buhay ng mga sumuko at magsisisuko pang mga kaspi ng nasabing samahan. Itinalaga para mangasiwa sa programang ito si Kalihim Ramon Magsaysay ng Tanggulang Pambansa. Mga Pagsisikap na Pangkabuhayan Sa Pamamahala ni Pangulong Quirino ay bahagyang umunlad ang produksyon. Noong Nobyembre 14, 1950, isang kasunduang nagsasaad ng Pangulong Estados Unidos sa paglutas ng ilang mga suliranin ng bansangPilipinas ang nilagdaan Nina Pangulong quirino at G. Foster.Ito ang Kasunduang Foster-Quirino. Sa kasunduaan, tutulungan ng Estados Unidos ang paglutas ng mga dati nang suliraning tulad ng pagbabahagi ng lupa at maliit na ani sa kaanyuan. Sa panahon ng panunugkulan ni pangulong Quirino, isinasali, ang bansa sa isang pag-aaral at pagsisiyasat na naglalayong antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa. Ang misyong ito ay pinamunuaan ni Daniel Bell,padalang kinatawan ng Estados unidos sa Pilipinas. Sa panahon ni Pangulong Quirino, naitatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas.Noong Enero 3, 1949 ginanap amg pagpapanasiya sa nasabing ahensya ng pamahalaan. Ang Banko Sentral ang inaasahang gaganp sa gawaing pagpapanatili sa katatagan ng piso bilang pananalaping gamit ng bansa be sure na kopyahin nyo ito lahat kc pinaghirapan kom ito....... ~Lhady Lippy~

Mga nagawang proyekto ni Ferdinand Marcos?

Ang mga programang nagawa ni marcos ay ang tenants emancipation decree kung saan binibigyan ang mga magsaswaka ng limang ektarya ng lupa at tatlong ektarya naman sa may patubig,ministry of human settlement na pinamunuan ni imelda marcos. inilipat ang mga iskwaters sa kamaynilaan sa ilang resettlemaent site na malapit sa metro manila, nagpadala rin siya ng mga OCWs o overseas contract workers upang tumaas ag ekonomiya at bumaba ang populasyon ng mga pilipinong walang trabaho. karamihan ay ipinadala sa saudi arabia, ipinagawa niya rin ang cultural center of the philippine ( CCP ), manila film center, folk arts theatre, national arts center at school for the arts mero ding pinatayo ni marcos ang mga ospital tulad ng lung center, philippine heart center, kidney center at children's medical center. sa panahong ito naitatag din ang nutrition center of the Philippines. Programa sa Reporma sa Lupa • Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon. Proyektong Imprastruktura • Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang "The Architect of the New Society" Green Revolution • Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain . Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa. Paglinang sa Kulturang Pilipino • Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater . Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino. by: Eunice V. Patricio from: III- Emerald 1 (Pampanga High School) S.Y. 2011-2012

Ano ang full name ni Jose Rizal?

Dr.Jose Protacio Alonzo Mercado Rizal Y. Realonda. Ay ang pangalan ni Dr.Jose Rizal,Pwede rin ito tawaging Gat Jose Rizal.. At Hindi Ko pwede kalimutan na,Happy Birthday Dr. Jose Rizal! Answer by:Kyle M.Almagro Username:shimmer2001

Ano ang hanapbuhay ni dr Jose rizal?

siya ay isang doktor ,libre ang panggagamot niya para sa mga mahihirap ngunit sinisingilan niya ng malaki ang mga mayayaman o mga may kaya ngunit ng siya'y nag-aaral pa siya ay sinusustentuhan ng kanyang kapatid

Ano ang talambuhay ni eduardo castillo?

wala ..tubong san juan batangas,sa kasalukuyan siya ay nasa abu dabi at wala na kaming comunicasyon, ito lang, at kasaamahan ko siya dati sa saudi arabia.

Talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos?

Muling Maging Dakila Ferdinand Marcos Sa araw na ito, animnapu't siyam na taon na ang nakalipas, namatay ang isang batang bayani at propeta ng ating lipi sa kanyang minamahal na lupain. Isang bala ng diktador ang pumaslang sa kanya, at mula sa pagdaloy ng dugo ng martir ay tumubo ang isang bagong bansa. Ang bansang iyon ang naging unang makabagong republika sa Asya at Africa. Ito ang ating bansa. Ipinagmamalaki nating matatag ang ating bayan sa isang rehiyong matatag; kung saan balota, at hindi bala, ang humuhusga sa kapalaran at mga partido. Kung kaya pinararangalan natin sa ating kasaysayan ang Kawit at Malolos bilang mga halimbawa ng pambansang kadakilaan. Bakit pambansang kadakilaan? Sapagkat itinayo ng ating mga ninuno ang matibay na haligi ng unang republika sa Asya na taglay lamang ang tapang, talino at kabayanihan. Ngayon, ang hamon ay hindi na gaanong mapapansin, ngunit ito'y mahalaga pa rin. Kailangang ulitin natin ang mga ginawa ng ating mga ninuno sa isang mas karaniwang panahon, malayo sa madugo at dakilang pakikipagsapalaran - sa pamamagitan ng pagpapabilis ng pagbabago ng ating lipunan at kalakalan. Sapagkat ngayon, tila nalimutan na ng Pilipino ang kanyang diwa, dangal at tapang. Maari pang muling maging dakila ang bayang ito. Paulit-ulit kong binabanggit ito. Ito ang aking pinaniniwalaan, at ninanais ng Poong Maykapal na tayo'y magtulungan upang isakatuparan ang ating panalangin. Maraming beses ko nang sinabi ito: sinusulat ng bawat salinlahi ang sariling kasaysayan. Naisulat na ng ating mga ninuno ang kanila. Tangan ang lakas ng loob at kahusayan, kailangang isulat natin ang atin. Pangarap natin ito. Sa pagpili sa akin, inaako niyo ito. Samahan niyo ako sa pagkamit ng pangarap ng kadakilaan..

Ano ang buhay ni fely sa banyaga?

sya ay naninibago dahil minsan lamang sya umuwe sa lugar na iyon dalawang beses sa isang taon pasko at kung may patay -SHIELA ROLUNA MERCADO

Ano ang kwentong Dayuhan ni Buenaventura S. Medina?

DAYUHAN Ni Buenaventura S. Medina, Jr. JANILO B. SARMIENTO BOHOL ISLAND STATE UNIVERSITY-BILAR CAMPUS BUOD: Isang gabi, napakislot sa pagkakahiga ang persona ng maikling kwentong ito (may-akda) nang marinig na naman niya ang daing ng kanyang masakiting ama mula sa silid nito. Nagbalikwas siya para tunguhin ang silid ng kanyang ama, subalit nagbaga na naman ang kanyang damdaming hindi maipaliwanag. Nang buksan niya ang kanyang pinto, nakita niya ang kanyang ina at sa pamamagitan ng tingin nito'y alam na niya ang dapat gawin. Pumunta siya sa lansangang-bayan para tawagin si Dr. Santos. Sumama naman ang doktor para tingnan ang kalagayan ng kanyang ama. Matagal ng may sakit ang kanyang ama ngunit hindi rin lubusang gumaling dahil sa lagi nitong sinusuway ang bilin ng doktor. Kung paalalahanan naman ng kanyang ina, nagagalit ang kanyang ama dahil alam daw nito ang kanyang ginagawa. Dahil tanging lalaking sa pamilya, ay inako na niya ang tungkuling tumawag ng manggagamot sa anumang oras naroroon siya tuwing maririnig niya ang daing ng kanyang ama. Iyon ay isang gawain na matapat na niyang nagagampanan matapos ibinilin sa kanya ng mga kapatid ang kalagayan ng kanilang ina nang nagsisama ang mga ito sa kanilang napangasawa sa Kabisayaan. At ito nga ang kanyang ginagawa, ang tulungan ang ina sa pag-aalaga sa kanyang ama. Lubos na lamang ang kanyang pagtataka kung bakit nasabi ng kanyang mga nakakatandang kapatid na siya na ang bahala sa kanilang ina. May mga bagay siyang hindi nalalaman na tanging mga kapatid lamang niyang nakakatanda ang nakakaalam mula sa kanilang pinag-uusapan. Ngunit nabuo na sa isip nito ang pinag-uusapan nila, sapagkat sa ibang umpukan sa maliit na pamayanang iyon, ay narinig niya: Ang kanyang ama, si Ading at isang sanggol. At sa isip niya, marahil ay marami pang Ading at marami pang sanggol sa buhay ng kanyang ama. Ang mga luhang nakikita niya sa kanyang ina, ang hinanakit ng kanyang mga kapatid sa ama, ang natuklasang katotohanan tungkol sa ama at kay Ading at sa sanggol ay ang mga rason marahil kung bakit nakakaramdam siya ng isang damdaming dayuhan. At iyon nga ang kanyang nararamdaman sa tuwing makikita niya ang ama sa silid nito at tila ba isa siyang dayuhan sa pook na iyon. Nang marating na niya at ni Dr. Santos ang kanilang bahay, nakita niya ang ina at dalawang nakakabatang kapatid sa pinto ng silid ng kanyang ama. Pumunta siya sa sariling silid ngunit muling nagbalikwas ng marinig ang mga hirap na paghingal at pigil na pag-iyak. Nasalubong niya si Dr. Santos at sinabihan na maiwan nalang at huwag na siyang ihatid dahil kakailanganin daw siya. Mula sa mga sinasabi ng kanyang ina, iyakan ng mga kapatid hanggang sa nakaratay na ama, napagtanto niyang nalalapit na talaga ang oras ng kamatayan ng kanyang ama. May kumurot sa kanyang laman, at bigla ay nadama niyang kilala na niya ang silid na iyon at lumapit siya siya sa ama.

Ano ang kwento ni Biag ni Lam-ang Tagalog version?

Ang Biag ni Lam-ang ay kwento ng isang hindi pangkaraniwang bata na nagsalita agad nuong siya ay ipinanganak at sinabi pa niya na dapat ay Lam-ang ang ipangalan sa kanya. Ang kanyang ama ay umalis upang kalabanin ang mga Ifugao. Hindi na nakabalik si Don Juan kaya ipinagpasya ni Lam-ang hanapin siya. Hindi naging madali ang paghahanap niya sa kanyang ama na pinatay na pala ng mga kaaway nila. Lumaban si Lam-ang sa mga ito.. Sa kanyang paglalakbay nakilala niya si Ines at naging kabiyak niya ito. Ayaw ng mga magulang ni Ines kay Lam-ang subalit pinakitaan nya ito ng kababalaghan kaya't pumayag na rin silang makasal ang dalawa. Sa kanilang kasal, dapat lumangoy si Lam-ang sa ilog subalit, eksakto sa bunganga ng monster sya napunta. Tumilaok ang kanyang manok at kumahol ang kanyang aso kaya't ang mga buto niya ay nabuo at nabuhay siyang muli. Diyan siya ng kanyang asawa pati ng manok at aso niya ay nabuhay ng maligaya..

Ano ang 5 barko na ginamit ni Ferdinand Magellan?

santiago,san antonio,concepcion,Trinidad at Victoria (ang nakapuntasa pilipinas ay ang Victoria ngunit ang victoria din ang nakabaliksa spain at iba na ang naging henete nito nung naka balik sa spainwag kayong maniwala na ang bumalik sa spain ay ang trinidad)Angbarkong trinidad ay ninakaw..Ang barkong san antonio aysinunog...Ang barkong conception ay nasira dahil sa bagyo..Angbarkong victoria lamang ang nakauwi at ang barkong santiago ayumuwi..

Ano ang Teoryang Asiatiko ni Dr.Leofoldo Castino?

Ayon sa Teoryang Asiatiko ni Dr. Leopoldo Faustino, nabuo sa paraang dyastropismo ang kapuluan ng Pilipinas. Ipinapaliwanag nito ang paggalaw ng lupa kaya may bahagi itong tumataas at may bahaging lumulubog. Nagaganap ito sa pamamagitan ng pagtiklop (folding), pagkakaroon ng lamat (faulting), at paglikwal (warping) ng lupa.

Ano ang nai am-bag Ni Xenophon?

Xenophon's Writings: Xenophon also wrote about Greek topics, including The Hellenica , a history of Greece from 411-362. It is thought to have been a continuation of Thucydides' work to the Battle of Mantinea. Xenophon's Apology, about the trial and death of Socrates, is very different from Plato's account, perhaps because Xenophon wasn't present at the death. On a related topic, Xenophon wrote a Memorabilia justifying Socrates. Xenophon wrote the following: . The Polity of the Athenians and Lacedaemonians . Anabasis (on the retreat of the Greeks who had fought for Cyrus) . Hellenica . Cyropedia . Apology . Agesilaus . Constitution of The Lacedaimonians . Economics . Hiero . Memorabilia . On Hunting . On The Art of Horsemanship . On The Cavalry Commander . Symposium . Ways and Means .

Ano ang pitong hapis ni maria?

Ang Pitong Hapapis ni Maria 1. Ang Hula ni Simeon sa sanggol na si Hesus (Lucas 2:34) Binasbasan sila ni Simeon at sinabi kay Maria, "Tandaan mo, ang batang ito'y nakatalaga sa ikapapahamak o ikaliligtas ng marami sa Israel, isang tanda mula sa Diyos ngunit hahamakin ng marami". Ang lahat ng ito'y naunawaan ni Maria ngunit nagsimula siyang makaramdam ng kalungkutan. Batid niya ang misteryong nakapaloob sa hula ni Simeon. Bagama't labis ang pagdurusa ng kanyang puso at isipan ang lahat ng ito ay tahimik na dinala ni Maria. 3. Ang pagkawalâ ng batang si Hesus ng tatlong araw (Lucas 2:43) Pagkatapos ng pista, sila'y umuwi na. Nagpaiwan si Hesus sa Jerusalem ngunit Hindi ito napansin ng kanyang mga magulang. Walang kapantay ang pag-áalalá at kalungkutan ni Maria nang mawala si Hesus. Sa loob ng tatlong araw, Hindi siya kumain at natulog sa paghahanap ng nawawalang si Hesus. Ngunit si Maria ay naging matatag sa gitna ng kalungkutan kaya't lubos ang kanyang tuwâ nang matagpuan nila ang batang si Hesus. 2. Ang pagtakas patungo sa Ehipto (Mateo 2:13 ) Pagkaalis nila, nagpakita kay Jose sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi sa kanya, "Magbangon ka, at dalhin mo agad sa Ehipto ang mag-ina. At huwag kayong aalis doon hangga't Hindi ko sinasabi sa iyo, sapagkat hahanapin ni Herodes ang sanggol upang patayin." Walang pagtutol na sinunod ni Maria si Jose na pumunta sa Ehipto upang iligtas ang sanggol na si Jesus. Pagod, gutom, pagkauhaw, mga mapanganib na hayop at iba pang mga paghihirap at panganib ang pinagdaanan ng pamilya sa mahabang paglalakbay nila sa disyerto. Higit sa lahat ay ang kalungkutan ni Maria sa pag-áalalá niya sa sanggol na si Hesus. 4. Ang pagtatagpo ni Hesus at Maria sa Daan ng Krus (Lucas 23:26) Nang dala na nila si Hesus upang ipako, nasalubong nila ang isang lalaking galing sa bukid. Ito'y si Simon na taga-Cirene. Pinigil nila ito at ipinapasan sa kanya ang krus, kasunod ni Jesus. Sa kabila ng labis na paghihirap ng kalooban dahil sa pagdurusa ng anak na si Hesus, si Maria ay nanatiling tahimik at mapagkumbaba sa kanyang mga kilos. Marami ang kumukutya sa kanyang anak, ngunit ang kanyang tingin ay puno pa rin ng kabutihan para sa mga taong iyon. Walang tigil din ang pagdarasal niya para sa mga taong nagpapahirap kay Jesus. 5.Ang pagpako kay Hesus kung saan nakatayo si Maria sa paanan ng Krus (Juan 19:25) Nakatayo sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae nitong si Maria, na asawa ni Cleofas. Naroon din si Maria Magdalena. Sa pagtayo niya sa paanan ng krus ni Hesus, higit ang sakit na naramdaman niya. Ang kanyang luha ay dumaloy na tulad ng dugo sa kanyang mga ugat nang makita ang paghihirap ng kanyang anak. Subalit naunawaan ni Maria na ang lahat ay nangyari ayon sa kalooban ng Diyos. 6. Ang pagkuha ng katawan ni Hesus mula sa krus kung saan tinanggap ni Maria sa kanyang mga kamay (Mateo 27:57 ) Bago magtakipsilim, dumating ang isang mayamang taga- Arimatea, na nagngangalang si Jose. Siya'y alagad din ni Hesus. Hindi mailalarawan ng sinuman ang kalungkutan ni Maria ng mga oras na iyon. Labis ang kanyang hapis habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Hesus. Nang sandaling iyon ay nakaramdam din si Maria ng kapayapaan dahil nahawakan niya ang mga sugat at napunasan ang mga dugo sa katawan ni Hesus. 7. Ang paglilibing kay Jesus (Juan 19:40) Kinuha nila ang bangkay ni Hesus, at nilagyan ng pabango habang binabalot sa kayong lino, ayon sa kaugalian ng mga Judio. Bagama't ang sakit na nararamdaman ni Maria ay Hindi maihahalintulad sa kahit anuman, nakadama pa rin siya ng tuwa dahil alam niyang si Hesus ay di na muling magdurusa at ma m amatay kundi mabubuhay nang walang hanggan.

Talambuhay ni Ferdinand Marcos?

Si Ferdinand E. Marcos ang itinuturing na isa sa pinakamatalinong naging pangulo ng bansa, Hindi lamang sa temang akademiko kundi pati sa kanyang ginawa upang mapanitili niya ang sarili sa posisyon sa loob ng mahigit dalawampung taon. Siya ang Ikaanim na Pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Si Marcos ay isinilang noong Setyembre 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Ang kanyang magulang ay sina Don Mariano R. Marcos at Donya Josefa Edralin. Apat silang magkakapatid, sila, si Dr. Pacifico, Elizabeth at Fortuna. Ang kanyang ama ay naging kongresista ng Ilocos at gobernador ng Davao. Si Donya Josefa naman ay isang dating guro sa kanilang bayan. Sa kanyang kabataan pa lamang ay kinakitaan na siya ng katalinuhan. Palagi siyang mayroong karangalang nakukuha magmula sa elementarya hanggang sa magtapos siya ng mataas na paaralan. Limang taong gulang lamang siya nang pumasok sa elementarya sa Sarrat Central School. Sa pamantasan ng Pilipinas Siya nagtapos ng Mataas ng Paaralan noong 1933. Sa pamantasan ding iyon siya kumuha ng Abogasya at nagtapos bilang Cum Laude noong Marso, 1939. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang Graduation Thesis. Siya ay iskolar sa buong panahon ng kanyang pag- aaral sa Pamantasan ng Pilipinas at naging kilala siya sa campus dahil sa kanyang kahusayan sa debate at pagtatalumpati. Maging sa larangan ng palakasan tulad ng swimming, boxing, at wrestling ay kinilala siya. Isa rin siyang sharpshooter sa paghawak ng baril. Siya ang nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong Pamantasan. Nagsulat din siya sa Philippines Collegian, ang opisyal na pahayagan ng Pamantasan ng Pilipinas. Nagri- review noon si Ferdinand para sa bar exams nang matalo ang kanyang ama sa muli nitong pagtakbo bilang kongresista. Ang tumalo dito, si Julio Nalundasan ay nabaril at namatay pagkatapos ng halalan. Si Ferdinand ang napagbintangan, at kahit pa nga isang mahusay na abogado ang nagtanggol sa kanya, nahatulan pa rin siya ng labimpitong taong pagkabilanggo. Nasa loob siya ng kulungan ng maging topnotcher sa bar exams at nang maging ganap na abugado ay hiniling niya sa Kataas- taasang Hukuman na payagansiyang ipagtanggol ang sarili sa kasong ibinintang sa kanya. Dahil sa kanyang talino at kahusayan ay pinayagan siya ng Korte Suprema. Nanalo siya at napawalang- sala. Tinanghal siyang lawyer of the year at hinangaan ng mga kapwa abogado. Nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naglingkod siya sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Nakasama siya sa Martsa ng Kamatayan at nakaranas ng hirap at sakit bilang bilanggo ng digmaan sa Kuta Santiago at Capas, Tarlac. Naging meydor siya bago bumalik sa sibilyang buhay. Nagsimula ang kanyang pagpasok sa pulitika nang matapos ang digmaan. Kumandidato siya sa pagka- kongresista ng Ilocos Norte at siya ay nanalo. Ang unang pinagtuunan niya ng pansin ay ang kalagayan ng mga magsasaka sa kanilang lalawigan at sa buong bansa na rin. Nang sumunod na halalan, 1953, ay muli siyang nanalong kongresista at naging assistant minority floor leader sa kongreso. Dito niya nakalapit si Daniel Romualdez na pinsan ni Imelda. Sa pamamagitan ni Daniel ay nagkakilala sila ni Imelda na naging Miss Manila (Ginang Maynila). Sinasabi na naging makulay ang pag- iibigan Nina Ferdinand at Imelda. Ikinasal sila sa Huwes noong Mayo 1, 1954. Sina dating pangulong Ramon Magsaysay ang nagging ninong nila sa kasal. Tatlo ang kanilang naging anak, sina Imee, Ferdinand Jr. at Irene. Hindi na napigil ang pag- imbulog ni Marcos sa larangan ng pulitika. Sa ikatlong pagkakataon ay nahalal siyang kongresista noong 1957 at senador naman noong1959. Noong Nobyembre 9, 1965, nanalong pangulo si Marcos at pangalawang pangulo naman si Eugenio Lopez. Natalo nila sina Diosdado Macapagal at Gerry Roxas. Umalingawngaw sa buong bansa ang kanyang slogan, "Magiging Dakilang muli ang bansang ito!" Totoo sa kanyang slogan, pinangatawanan ni Marcos ang pagbangon sa bansa mula sa mahirap na kalagayan nito. Nahaharap noon ang bansa sa malalaking suliranin tulad ng kakapusan ng salapi para sa edukasyon , tanggulang bansa, mga pagawain at para sa kalusugan. Gayunman, nakapagpagawa siya ng maraming patubig at naipalaganap sa buong bansa ang tinatawag na miracle rice. Ang mga magsasaka ay nabigyan ng mga kaalamang teknikal ukol sa modernong pagsasaka. Marami rin siyang naipagawang mga kalsada, tulay at School building. Nilabanan niya ang smuggling at sinimulan ang pakikipaglaban sa mga NPA. Nang sumapit ang sumunod na halalan noong 1969, muling nanalo si Marcos bilang pangulo at si Lopez bilang pangalawang pangulo. Ngunit sa pagkakataong ito ay unti- unti nang nawawala ang tiwala ng tao sa pamahalaan dala ng malalaking problemang kinakaharap ng bansa. Tumaas ang presyo ng langis at kasunod nito ang pagtaas ng mga bilihin. Marami ang naghirap at nagutom. Tumaas ang kriminalidad at nasangkot ang pamahalaan sa malalaking anomalya at eskandalo. Nagkaroon ng madadalas at malakihang demonstrasyon na nilahukan pati ng mga estudyante at taong simbahan. Ang pinakamadugong demonstrasyon ay naganap noong Enero 30, 1970 sa Tulay ng Mendiola. Agosto 21, 1971 ay sinuspinde ni Marcos ang Writ of Habeas Corpus upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan. Binomba kasi ang rallyista ang Partidong Liberal o Liberal Party sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa. Noong Setyembre 21, 1972 ay ibinaba ang Batas Militar (Martial Law). Marami na raw krisis ang nararanasan ng bansa tulad ng pagbomba sa Plaza Miranda, pagsabotahe at pagwasak sa mga pribado at pambansang ari- arian. Walang puknat na rally ng mga manggagawa at mga estudyante at ang pinakahuli ay ang pagtambang sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Juan Ponce Enrile. Nobyembre 19, 1972 ay natapos ang bagong Saligang Batas. Pinagtibay ito sa isang referendum noong Enero 19, 1973. Totoong nabawasan ang kriminalidad dahil sa takot ng mga mamamayan sa Batas Militar. Maraming ipinahuli at ipinabilanggo si Marcos, lalo na ang mga lumalaban sa gobyerno. Ngunit Hindi napayapa ang damdamin ng bayan. Anuman ang ipalabas ng pamahalaan tungkol sa kalagayan ng mga mamamayan sa malalaking anomalya sa gobyerno. Hindi rin nakaligtas sa mata ng mga tao ang maluhong pamumuhay ni Ginang Imaelda Marcos at ng mga anak nito. Marami ang nagsasabi na sa nararamdamang kahirapan ng bayan ay Hindi na dapat namumuhay ang Unang Ginang na tila ba ito ay nasa isang mayamang bansa. Sa panahong ito ng Batas Militar ay sumikat ang programang Bagong Lipunan.Ito ang sagot ni Marcos sa nagaganap na pagrirebelde ng mga tao. Maraming naisagawa nang mga panahong ito tulad ng pag- akit sa mga dayuhang mamumuhunan, pagsigla ng turismo sa bansa, pagtatayo ng mga impratruktura tulad ng Cultural Center of the Philippines, Folk Arts Theater, San Juanico Bridge, Philcite at iba pa. Nagkaroon na rin ng LRT na hanggang sa ngayon ay pinakikinabangan ng sambayanan at ipinagpatuloy pa ang pagpapagawa sa ibang lugar ng Kamaynilaan. Gayunman ay Hindi nawala ang takot sa mga mamamayan. Maraming mga opisyal ng pamahalaan at mga military ang kinatakutan ng mga tao adahil umabuso sa kapangyarihan. Lalong nagging mahigpit ang militar sa karapatang pantao. Ipinasara ang mga palimbagan ng diyaryo at magasin pati na ang mga istasyon ng radio at telebisyon. Wala nang maririnig sa radyo at telebisyon ay pawing mga papuri sa gobyerno. Nagkaroon ng pakunwaring wakas ang Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pamamagitan ng Proklamasyon 2045 na nilagdaan ni Marcos. Sa kabila ng pagtatapos ng Martial Law ay Hindi nahinto ang paglaganap ng kapangyarihan ng komunista sa bansa. Nabahala ang mga Amerikano kaya kinumbinse nila si Marcos na magdaos ng Presidential Snap Election upang Makita kung sinusuportahan pa rin ng tao ang kanyang pamahalaan. Idinaos ang halalan noong Pebrero 7, 1986 at nakalaban niya si Cory, ang asawa ng dating Senador Ninoy Aquino na Mahigpit niyang tagatuligsa. Ayon sa Comelec ay nanalo si Marcos ngunit sabilang ng Namfrel ay si Cory naman ang nanalo. Nagprotesta si Cory at tumawag ng civil disobedience. Nagsagawa naman ng kudeta sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile. Nanawagan naman sa tao si Jaime Cardinal Sin kaya dumagsa ang mga tao sa EDSA na nagnanais na mapalayas si Marcos sa puwesto. At naganap ang makasaysayang People's Power na nagpatalsik kay Marcos. Si Marcos, ang kanyang pamilya at ilang miyembro ng gabinete ay dinala ng mga Amerikano sa Estados Unidos upang maiwasan ang madugong pangyayari na maaaring maganap sa pagitan ng mga tagasunod nito at ni Cory Aquino. Namatay si Marcos noong Setyembre 28, 1989 sa Makiki, Hawaii. Iniuwi sa bansa ang kanyang bangkay t inilagsak sa isang glass case crypt sa kanyang sinilangang bayan. Namatay siya sa gulang na 72.

Ano ang talambuhay ni Fernando Amorsolo?

Fernando Amorsolo ay ipinanganak sa Mayo 30, 1892 sa Paco kapitbahayan, kapag Manila ay pa rin sa ilalim ng Espanyol soberanya, sa Pedro Amorsolo, isang tagabantay ng libro, at Bonifacia ng Amorsolo née Cueto. Amorsolo ginugol ang kanyang pagkabata sa Daet, Camarines Norte, kung saan siya-aral sa isang pampublikong paaralan at tutored sa bahay sa wikang Espanyol pagbabasa at pagsusulat. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang ama, Amorsolo at ang kanyang pamilya ay inilipat sa Manila upang manirahan sa Don Fabian de la Rosa, pinsan ng kanyang ina at Philippine pintor. Sa edad na 13, Amorsolo ay naging isang baguhan sa De la Rosa, na kalaunan maging tagapagtaguyod at gabay sa pagpipinta karera Amorsolo. Sa panahong ito, Amorsolo ng ina burdado upang kumita ng pera, habang Amorsolo nakatulong sa pamamagitan ng pagbebenta ng tubig postkard kulay sa isang lokal na tindahan ng libro para sa sampung centavos bawat. Amorsolo ng kapatid na lalaki, Pablo Amorsolo, ay din ng isang pintor. Unang tagumpay ng Amorsolo bilang isang batang pintor ay dumating noong 1908, kapag ang kanyang pagpipinta Leyendo el periódico kinuha pangalawang lugar sa Bazar Escolta, isang paligsahan na inorganisa ng Asociacion Internacional de Artistas. Sa pagitan ng 1909 at 1914, Amorsolo nakatala sa Art School ng Liceo de Manila, kung saan siya Nagkamit ng mga parangal para sa kanyang mga kuwadro na gawa at guhit. Pagkatapos ng pagtatapos mula sa Liceo, siya pumasok sa University of sa Pilipinas School of Fine Arts, kung saan De la Rosa nagtrabaho sa oras. Sa panahon ng kolehiyo, ang mga pangunahing impluwensya ng Fernando Amorsolo ang mga Espanyol na tao hukuman painterDiego Velazquez, John Singer Sargent, Anders Zorn, Claude Monet, Pierre-Auguste Renoir, ngunit karamihan sa kanyang mga kontemporaryong Espanyol Masters Joaquín Sorolla Bastida at Ignacio Zuloaga. Pinaka-memorable work Amorsolo bilang isang mag-aaral sa Liceo kanyang painting ng isang batang lalaki at isang batang babae sa isang hardin, na won sa kanya ang unang premyo sa exhibition art paaralan sa panahon ng kanyang pagtatapos year.To gumawa ng pera sa panahon ng paaralan, Amorsolo sumali kumpetisyon at ginawa guhit para sa iba't ibang mga Philippine publication, kabilang ang unang nobelang Severino Reyes 'sa Tagalog wika, Parusa Ng Diyos ("parusa ng Diyos"), Iñigo Ed. Regalado ng Madaling Araw ("Dawn"), pati na rin ng mga guhit para sa mga edisyon ng thePasion. Amorsolo ay nagtapos na may Medalya mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1914. Pagkatapos ng pagtatapos mula sa Unibersidad ng Pilipinas, nagtrabaho Amorsolo bilang ng delinyante para sa Bureau ng Public Works, bilang isang punong artist sa Pacific Commercial Company, at bilang isang part-time na magtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas (kung saan siya para sa 38 taon). Matapos ang tatlong taon bilang isang tagapagturo at commercial artist, Amorsolo ay ibinigay ng grant upang mag-aral sa akademya de San Fernando sa Madrid, Espanya sa pamamagitan ng negosyante ng Pilipino Enrique Zobel de Ayala. Sa kanyang pitong buwan sa Espanya, Amorsolo sketched sa mga museo at sa kahabaan ng kalye ng Madrid, ang eksperimento sa paggamit ng liwanag at color.Through De Ayala bigyan, Amorsolo ay ring bisitahin ang New York City, kung saan siya nakatagpo ng pagkatapos ng digmaan impresyonismo at kubismo, na magiging pangunahing impluwensya sa kanyang trabaho. Amorsolo set up ang kanyang sariling studio sa kanyang bumalik sa Manila at pininturahan prodigiously sa panahon ng 1920s at ang mga 1930s. Kanyang "Planting sa Rice" (1922), na lumitaw sa mga poster at mga polyeto ng turista, naging isa ng ang pinaka-popular na mga imahe ng Commonwealth ng Pilipinas. Simula sa 1930s, gawa ni Amorsolo ay exhibited malawak parehong sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kanyang maliwanag na, maasahin sa mabuti, pastoral larawan itakda ang tono para sa Philippine painting bago ang World War II. Maliban para sa kanyang mas madidilim World War II-panahon na mga kuwadro na gawa, Amorsolo ipininta tahimik at payapang mga eksena sa buong kanyang karera. Amorsolo ay hinahangad pagkatapos ng maimpluwensyang Pilipino kabilang ang Luis Araneta, Antonio Araneta at Jorge B. Vargas. Amorsolo din naging paboritong artist Philippine ng mga opisyal ng Estados Unidos at mga bisita sa bansa. Dahil sa kanyang katanyagan, Amorsolo ay resort sa photographing ang kanyang mga gawa at ilagay at mount ito sa isang album. Prospective mga parokyano ay maaaring pagkatapos pumili mula sa catalog ng kanyang mga gawa. Amorsolo ay hindi lumikha ng eksaktong replika ng kanyang mga tema ng trademark; recreated siya sa mga kuwadro na gawa sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng ilang mga elemento. Ang kanyang mga gawa sa ibang pagkakataon lumitaw sa takip at mga pahina ng mga bata mga aklat-aralin, sa mga nobelang, sa commercial disenyo, sa mga cartoons at mga guhit para sa Philippine publication tulad Ang Independent, Philippine Magazine, Telembang, El Renacimiento Filipino, at Excelsior. Siya ay ang director ng University of Philippine College of Fine Arts 1938-1952. Sa panahon ng 1950s hanggang sa kanyang kamatayan sa 1972, Amorsolo average sa pagtatapos ng 10 kuwadro na gawa sa isang buwan. Gayunpaman, sa panahon ng kanyang mga taon sa ibang pagkakataon, diyabetis, cataracts, rayuma, ulo, pagkahilo at ang pagkamatay ng dalawang anak apektado sa pagpapatupad ng kanyang mga gawa. Amorsolo underwent isang katarata operasyon kapag siya ay 70 taon gulang, isang pagtitistis na ay hindi makahadlang sa kanya mula sa pagguhit at pagpinta. Dalawang buwan matapos na nakakulong sa ang St. Luke Hospital sa Maynila, Amorsolo namatay ng pagpalya ng puso sa edad na 79 noong Abril 24, 1972. Apat na araw pagkatapos ng kanyang kamatayan, Amorsolo ay pinarangalan bilang ang unang National Artist sa Painting sa Cultural Center ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagkatapos President Ferdinand Marcos. Amorsolo ay isang malapit na kaibigan ng Philippine iskultor Guillermo Tolentino, ang lumikha ng Caloocan City monumento sa bayani Andres Bonifacio.

Ano ang mga nagawa ni Manuel Roxas?

Binigyang pansin ng pangulong Roxas ang pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga imprastraktura at mga gusali dito sa Pilipinas dahil kakatapos lang nitong mapinsala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ano ang iginuhit ni Albretch Durer?

Albrecht Durer was a German engraver, painter, and mathematician.His works include Melencolia I, Saint Jerome in his Study, andKnight, Death, and the Devil.

Ano ang talambuhay ni Manuel L Quezon?

Ang talambuhay ni Manuel L.Quezon Si Manuel Quezon ay ipinanganak sa Baler,Quezon(ngayo'y Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Molina. Si Manuel ay unang nag-aral sa Baler at pagkatapos ay sa san Juan de Letran kung saan niya tinanggap ang ayan ng pagiging dalubhasa sa Siyensya ng Matematika. Siya ay umanib sa Katipunan nang siya ay labing-walong taong gulang pa lamang. Sa gulang na dalawampu't isa ay umanib siya sa hukbo ni Heneral Emilio Aguinaldo. Naging piskal sa edad na 25 at naging gobernador sa edad na 28. Siya rin ay naging Komisyunado Residente nang siya ay 31, pangulo ng Senado nang siya ay 38 at sa edad na 56 ay naging Pangulo ng pilipinas Pinatupad niyang maging piesta opisyal ang kapanganakan ni Bonifacio at siya rin ang nagpagawa ng bantayog nito sa green park. Gumawa siya ng hakbang upang magkaroon ng W ikang Pambansa na hango sa isang diyalekto sa kapuluan. Kung kaya't ang naging pambansang wika ng bansa ay Filipino. At ito ang naging dahilan kung kayat tayo ay nagdiriwang ng Linggo ng Wika sa buwan ng kanyang Kapanganakan. Si Manuel Quezon ay naging kagawad ng Pacific War Council at noong Hunyo 14, 1942, siya ang unang Pilipinong lumagda sa Nagkakaisang Bansa o United Nations. Si Manuel Quezon ay namatay noong Abril 15, 1948 dahil sa sakit na tuberculosis at nilibing sa Arlington National Cemetery sa Washington at inilipat ang kanyang labi sa Lungsod ng Quezon sa loob ng monumento sa Quezon Memorial Circle.

Anu-ano ang mga nagawa o programa ni Ferdinand Marcos?

Programa sa Reporma sa Lupa • Lahat ng may-ari ng lupa na natatamnan ng bigas at mais ay inutusang hatiin ang labis nilang lupain. Ito ay ibibigay sa mga magsasakang walang lupa na kanilang babayaran sa pamahalaan sa loob ng labinlimang (15) taon. Proyektong Imprastruktura • Maraming mga patubig, daan at tulay ang naipatayo noong administrasyong Marcos. Kabilang dito ang Maharlika Highway, Marcos Highway at San Juanico Bridge. Dahil dito, tinawag siya bilang "The Architect of the New Society" Green Revolution • Itinaguyod ni Pang. Marcos ang pagsasaliksik sa mga bagong paraan para sa pagpaparami ng pagkain . Ipinag-utos niya ang paggamit ng miracle rice na kayang magbunga ng mahigit 100 kaban ng palay sa bawat ektarya ng lupa. Paglinang sa Kulturang Pilipino • Sa pangunguna ni Gng. Imelda Marcos, naitayo ang Cultural Center of the Philippines at Folk Arts Theater . Layunin ng mga proyektong ito na makilala sa buong mundo ang sining ng mga Pilipino. BY: Alaissa Angelynne Cruz-St.Mary's Academy Of Caloocan City