What would you like to do?

Mga halimbawa ng pabula?

already exists.

Would you like to merge this question into it?

already exists as an alternate of this question.

Would you like to make it the primary and merge this question into it?

exists and is an alternate of .




Ang Pabula ng Daga at ng Leon



Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.

"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

"Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
kaibigang daga.


Mga aral ng pabula:
Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan
+ 21 others found this useful
Thanks for the feedback!
Follow

Did you interact with trained police dogs like Bogart before writing Irresistible Force?

View Full Interview

Mga halimbawa ng pangungusap?

Mga Halimbawa   ng pangungusap:    1. Si Allie ay naghihintay ng masasakyan.   2. Si Cliyah ay naglilinis ng banyo.   3. Siya ay pumunta ng simbahan.  

Mga halimbawa ng talaarawan?

Mahal kong Talaarawan, Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng
Mga halimbawa ng pagmamalabis?

Mga halimbawa ng pagmamalabis?

ang kaibigan ko ay nagalit na parang tigre

Mga halimbawa ng dalit?

Paglalakbay sa Buhay Hindi tayo nabubuhay ng ukol sa sarili lang, bahagi ka ng lipunan, na ating kinaaniban. Unang una ang pamilya ang higit na mahalaga.

Mga halimbawa ng dula?

ang labo mo kenkoy

Ang buong pabula ng lalapindigowa-i ang pabula ng mga maranao?

Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti   Pabula ng Maranao   Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura madale)   Si Lalapindigowa-i (isang putakti) a

Mga halimbawa ng konkreto?

Iskawt,punla,paaralan,kalabaw,aklat,notebook,lapis,ballpen,keybroad,
Mga halimbawa ng tayutay?

Mga halimbawa ng tayutay?

simili,metapora,personipikasyon,hiperboli,apostropi,kabalintunaan
Mga halimbawa ng pamahiin?

Mga halimbawa ng pamahiin?

kapag gabi na at umalulung ang aso ng lagpas ng 3 alulung ibig sabihin nun ay may aswang o mga engkanto

Halimbawa ng mga slogan?

Pagkain ng Gulay Ugaliin,Araw-araw itong ihain....

Mga halimbawa ng babala?

Wag kang tanga sino ba naman ang sasagot nito mga bb walang utak aian23