answersLogoWhite

0

What is umuunlad?

Updated: 12/19/2022
User Avatar

Wiki User

10y ago

Want this question answered?

Be notified when an answer is posted

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: What is umuunlad?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano-ano ang hakbang na maari mong Gawin upang umuunlad pa ang iyong pagsulat?

say what


Paano binibigkas ang mga letra sa bagong alpabeto?

malumanay


Sapat ba ang mga hakbang ng mga pamahalaan upang masabi na tayo ay isang umuunlad na bansa?

sapat ito sapagkat ginagawa nila lahat upang umunlad ang ating bansa at hindi kainlan na hindi nila pinauunlad ang bansa


Para kanino ang mga produkto?

ang mga produkto at serbisyo ay para sa mga mamamayan. dapat na mas pagtuunan ng pansin ang mga mamamayan dahil sila ang dahilan kung bakit umuunlad ang ating produkto.At sila din ang dahilan kung bakit umaangat ang ating produkto.


Isalaysay ang pagsibol ng kaisipan ukol sa ekonomiya?

Ito ay sumibol nang tayo ay sakupin ng mga espanyol , ang mga espanyol ay maluho sa katawan kaya dito namana ng mga pilipino ang ekonomiks na mula sa espanya...na ang ibig sabihin ay isang agham-panlipunan na tumatalakay sa limitadong yaman, mga pangangailangan at walang katapusang luho ng tao, at sa lubusang paggamit ng mga yaman ng mundo.


Tula na gawa ni myrna prado?

Panambitan (Tula/Bikol)Bakit kaya dito sa mundong ibabawMarami sa tao'y sa salapi silaw?Kaya kung isa kang kapus-kapalaran,Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.Mga mahihirap lalong nasasadlak,Mga mayayaman lalong umuunlad,Maykapangyarihan, hindi sumusulyap,Mga utang-na-loob mula sa mahihirap.Kung may mga taong sadyang nadarapa,Sa halip na tulungan, tinutulak pa nga;Buong lakas silang dinudusta-dustaUpang itong hapdi'y lalong managana.Nasaan, Diyos Ko, ang sinasabi MoTao'y pantay-pantay sa balat ng mundo?Kaming mga api ngayo'y nariritoDinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.


Sino ang Mga taong nagbigay kahulugan sa retorika?

Ang wika'y kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng Tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't - ibang aspekto ng pamumuhay ng Tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito. Ang Wika ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay paraan ng pagpapahayag ng kuru-kuro at damdamin sa pamamagitan ng mga salita upang makipag-unawaan sa kapwa-Tao. Ito ay binubuo ng mga salita, parirala, at pangungusap na may kahulugan. Ayon naman sa isang dalubwikang si Gleason, ang wika ay sistematikong balangkas ng isinatinig na mga tunog na pinili at isinagawa sa pamamaraang arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Arbitraryo, na ang ibig sabihin ay Hindi na pinagtatalunan at samakatuwid pinagkasunduan na gamitin na lamang.


Anu ano ang kahalagahan ng pag aaral ng panitikang pilipino?

ISANG MAHALAGANG salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng ating mga mithi at nararamdaman. Sa bawat aspekto ng ating pag-iral ay gumagamit tayo ng wika--kapag nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng ating malalapit na kaibigan, kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng mga ideya sa ibang tao.Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina, kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito nang maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito, lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin. May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang ating kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating kakayahan sa pagsusulat.Answer" Sadya talagang napakahalaga ng ating wika dahil dito ay mas lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa."


Ano ang likas at artipisyal na wika?

likas at artipisyal na wikaPinagaralan naman namin ngayon ang tungkol sa likas at artipisyal na wika. Ang likas na wika ay natutuhan nang hindi namamalayan ng tao at umuunlad nang hindi nangangailangan ng pag-aaral ,samantala, ang artipisyal na wika ay bunga ng pag-aaralKabilang sa artipisyal na wika ang Volapuk, Esperanto at Interlingua. Naitatag ang mga wikang ito upang magkaroon ng panibagong wika na magagamit sa komunikasyon. Naging layunin din ng pagkakabuo ng mga wikang ito ang pagkakaroon ng matatawag na artipisyal na wika.Sa kalaunan, naging diskusyon naman namin kung maituturing bang artipisyal o likas na wika ang wikang Filipino.Sinabi ng ilan sa aking mga kamag-aral na likas ang wikang Filipino. Sa opinyon ko naman ay hindi dahil ang wikang Filipino ay hindi "puro" samakatwid, hindi na ito maituturing na likas. Kahit sabihin natin na ang Tagalog ang pinagbatayan ng Wikang Pambansa (wikang Filipino), ang wikang Filipino'y nahaluan na ng mga ibang lenggwahe (tulad ng mga hiram na salita o mga salitang walang katumbas sa Filipino.Upang mas maipaunawa ko sainyo, ang salitang "teacher" ay "guro" sa Filipino at "titser" sa Filipino. Ang "fake" ay "huwad" sa Tagalog at "peke" naman sa Filipino. Mapapansin na "puro" ang Tagalog. Ilan sa mga salita sa Filipino ay galing sa ortograpiya ng mga salitang Ingles (Halimbawa: economics sa English, ang ortograpiya nito ay /e ko no miks/. Kaya't ang panibagong salita ay "ekonomiks.")Sa kabuuan, itinuturing kong artipisyal na wika ang wikang Filipino.- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -Kailan nga ba maituturing na likas o artipisyal ang isang wika? Ang wika ay likas kapag natututunan ito nang hindi namamalayan ng tao at umuunlad nang hindi nangangailangan ng pag-aaral, samantalang artipisyal naman ang wika kapag ito ay lumilikha ng simbolismo at nangangailangan ng pag-aaral.Ang ating wikang pambansa na Filipino ay maituturing na likas sapagkat ito ay ginagamit natin araw-araw at natututunan natin habang tumatagal. Artipisyal naman ang mga banyagang wika tulad ng Nippongo, Pranses, Espanyol at iba pa dahil kinakailangan ang masusing pag-aaral bago natin ito matutunang gamitin sa epektibong paraan. Kinakailangan muna nating malaman ang tamang stress, tamang pagbigkas at lahat ng tungkol sa kanilang gramatika. Ilang halimbawa ng salitang Espanyol ay Muchas Gracias na katumbas ng maraming salamat sa Filipino, Como Esta Usted Amigo? o kumusta ka kaibigan? at Buenas Tardes na nangangahulugang magandang hapon. Ilan lamang sa napabantog na artipisyal na wika ang Volapuk na pinasimulan ni John Martin Schleyer sa Baden, Germany noong 1879-1880; ang Esperanto ni Ludwig Lazar Zamenhoff na isang optalmologo sa Bialystok, Poland; at ang Interlingua na ipinakilala ni Giuseppe Peano noong 1951.Sa ating panahon ngayon kung saan pahirap nang pahirap ang buhay at tumitindi ang krisis at kompetisyon sa trabaho, magiging malaking tulong sa atin kung mayroon tayong alam na ibang lengguwahe maliban sa Filipino. Ngunit gayunpaman, huwag nating kalimutan na Filipino ang ating pambansang wika at ito ang una nating dapat tangkilikin bago ang iba._Llozen Bugna


Ano ang sektor ng pananalapi?

Naghahanap nga ako ng sagot tas ako pasasagutin niyo?


Buod ng nobelang mabuhay ka anak ko?

Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga'y namalayan ko ang ibang pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingi ng karetang hila ng baka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo, alas singko ng umaga. Bumangon ako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka, Ang kalye ay bumabaha sa tao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang-liwayway, waring lumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto ko na patapos na ang digmaang-pandaigdig. "Thay, dear?"Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim, siguro'y pinanonood niya ako, naghihintay ng reaksyon ko. "Dali ka, Any".Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tension na pinatitindi ng kaalamang oras na para kumilos. Kailangan kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. "Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge. Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo't nagbihis; maliksi ngunit malamyos ang kanyang kilos at sa isang wigwag ng kanyang ulo'y naiayos ang buhok niyang hanggang balikat. "Ano'ng mangyayari?" tanong niya. "Huwag kang mag-alala," sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mga gamit namin. "Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat." Nagising sa boses naming ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakakatanda - ang siyan-na-taong si Sudath at si Nawath na limang taon - sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo ng lugar naming sa bahay ng aking biyenan. "Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta na tayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo. "Nawath!" tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno it kay Sudath sa kama. "Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka!" muling tawag ni Any na lalong nilakasan ang boses. Kung minsa'y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pro talagang malilikot ang dalawa kaya kailangang higpitan ng kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindi iniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok na nagpalinga-linga. "Sige na, Sudath," sabi ko sa panganay na lalaki. "Magbihis ka na. Hindi mo ba nakikitang nagmamadali tayo?" Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam, mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang naming kung saan magmumula at kailan darating ang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera para maghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaaan ang bahay. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong Magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oan na nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na naming ng gasoline ang lahat ng kotse. Wala kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipong naming at ang aking mga dolyar - tatlong libo lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mga balita - at isang cassette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa prosesyon - mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang ng lupa, isang diksyunaryong French-English, at mga bolpen at papel. Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandaling ring iyon, pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alis ang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalot naman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Sinisiyasat ko ang aking dadalhin - mga libro, relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo - at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisip kong mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat, ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge. Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo'y sakay na ng kanilang Austin. Ikinaraga ko ang mga bagahe naming sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ng kaguluhan sa siyudad - ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malao, at patuloy na andar ng mga sasakyan. Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mga tao, kotse, kareta, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan sa maputlang liwanag ng madaling araw. Ang ilang pamilya'y naglalakad; inaakay ng mga ama ang mga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi natural ang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindi man lang bumubusina, isang bagay na hindi mangyayarin noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh, ilang araw pa lang ang nakakaraan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak na Republika na naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga ripple, walang takot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera. May isandaaang yarda na ang nalalakad naming, mga taong parang duming lumulutang sa ilog, nang makarinig ako ng isang pagsabog sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa'y dumating ang mga ambulansya at bumbero, nagtutunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan at wala kaming magawa kundi tumigil muna. Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabilang kalapitan ng labanan, nadama kong malayo na kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taong digmaang-bayan at sa kabila ng mga babala ng aking ama ujik sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang-bayan. Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu't limang milya ang layo sa hilaga ng Phnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siya mayaman - tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming may bubuong na pulang tisa at sahig na matigas na lupa - ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, ang panganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako'y edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa matematika sa buong bansa. Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ng aking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia, popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa, at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia. Bilang isang matalinong estudyante, nagiging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibang bansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Cambodian, ngunit nagging sentro ng oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doon ako nag-aral ng inhenyeriya. Bumalik ako sa Cambodia noon 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad ng karaniwang nangyayari sa mga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahil isang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak ang panganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandang kinabukasan. Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal at umugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan sa Vietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyang makapangyarihan kapitbahay, lihim siyang ankipagkasundo na magagamit ng mga North Vietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa South Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay sa alanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia. Bilang reaksyon sa pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodian ang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge na ang karamiha'y pinangungunahan ng mga intelektuwal na nag-aaral sa France. Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo'y maraming problemang pansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay naming ang pagsilang ng aming pangalawang anak, nagkasakit ng Hepatitis si Thary na noo'y beinte kuatro anyos lang. hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang nakababatang kapatid ni Thary:si Anyung, beinte uno, at lalo na kay Any, disinuebe sa pag-aalaga kay Sudath habang ako'y nasa trabaho. Nany lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any. Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan angkatawan. Sa edad na beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minahal niya si Sudath na parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, si Nawath. At noong 1973, si Staud naman. Noong mga unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at naging director ng Department of New Works and Equipment sa ministry. Ang posisyong ito ang nagbigaysa akin at sa aking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampullitika at pangkabuhayan na bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang nangyayari sa bahay ng kanyang mga magulang, hindi rin niya inuusisa ang aking mga paniniwalang pampulitika. Sa aking palagay, masyadokaming kampante tulad ng iba pang kakilala ko. Nagiging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahil sa naging patakaran ni Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumami ang mga North Vietnamese sa bansa - humgit-kumulang sa apatnapung libo - kaya ipinag-utos ni Presindente Nixon na bombahin ang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng digmaan sa huli'y makakasira sa kanya at sa aminl. Taliwas sa inaasahan ang anging apekto ng mga pagslakay lalo nitong inakit ang pagpasok ng mga komunista sa Cambodia. Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi, si Sihanouk. Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Siahnouk patungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rouge na dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha'y binubuo ng mga magsasaka, at hindi na niya binigyang-halaga ang ideolohiyang komunista ng mga ito. Sa simula'y malaki ang pag-asa naming kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, naging malinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya at naparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalambahala ang administrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga North Vietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong sa Estados Unids. Walang nakinabang kundi Khmer Rouge na tinatangkilik ng mga intsik. Bumagsak ang bansa sa isang pangkalahatang digmaan-bayan. Sinabayan ito ng nakakasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang bansa na magtago ng salaping dayuhan, lalo na ang dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalit ng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975. Kakatwang kaming mga propesyonal at intelektuwal sa Phnom Penh ay naniwala rin sa palagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindi maikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinataguyod din ng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ng komunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng "Ang mga mamamayang Cambodia," "Pambansang Kalayaan," "kapayapaan," "Niyutralidad," "Kalayaan," at "Demokrasya." Ako ma'y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club, isang proesyonal na may magkakaparehong kaisipan - mga opisyal ng mga gobyerno, propesor sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming - laban sila sa komunista pero sinusuportahan nila ang bulok at walang-silbing si Lon Nol. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan kasama na ang Khmer Rouge. Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalang nagtatguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahil nakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama ang buong pamilya, noong 1972. Madalas ko siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginiit ko pang nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sariling tauhan sa mga gerilya si Shanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mga kababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat, Cambodian silang gaya namin. Noong unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na mababago ang pamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundan ito ng maayos na pagtatatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa si Sihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-ias ng Abril, nahikayat umalis si lon NOl, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwan ang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala na akong dapat ikatakot nang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang ako sa karaniwang inhinyero. Hindi naming kailangan umalis ng bansa. Hinintay ko ang pagkatapos ng digmaan at umaasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia. Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago naming nalakbay ang dalawang milyang distansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ng siyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh - malalapad ang mga kalyeng natatamnan ng mga puno at magkakahiwalay na mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, may sapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapag ang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandang tagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa ang asawa't anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan. Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok ko naman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kong kamag-anak - si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, ang aking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamlya nila, at ang aming mga magulang - tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang Makita kami. May isang oras na sila roon at nag-aalala na sa amin. Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mga babae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vouch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki. Si Vouch, dalawampu't isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon sa siay sa unibersidad, nag-aaral ng inhinyeriya na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simpleng pananamit at mabigat na pagsasalita, wari'y determinadong takasan ang tradisyunal na papel ng babae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid na babaeng si Keng kun nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapako ang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika. May bukas na isang radyo sa mesa, pero walang balita, puro tugtog military. Tinanong ako ng kapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon lang ang kabataan sa akin si Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na babae. Medyo bilib siya sa akin sa mga usapang pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sa kanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministry. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulang naming, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya mas napakikinabangan siya kung mabigat ang trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre 'yan ng mga opisyal ng magkabilang panig� "E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?" sabat ni Vouch. "Nakapagtataka nga," sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas. "Pero wala namang dapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumuno si Prinsipe Sihanouk. Makikita mo." 'At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya." Bahagyang katakimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi: "Ano sa palagay mo, Sarun?" Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siay noon bago maaksidente sa isang motorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na nakararaan. Hindi na siay tulad ng dati. Dati'y masayahin siya at mapaglaro, ngayo'y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan ay mahiyain siya sa parang bata, pero minsa'y galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walang kaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa'y naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kung bakit, ang hindki nagbago sa kanya'y ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taong anak na babaing si Srey Rath. "Ano sa palagay ko?" ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. "ewan ko. Pero kung mababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli 'yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?" Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapan pa ang tungko doon. Ngumiti ako't nagkibit-balikat. "Ano ang ingini-ngiti mo riyan, Thay?" tila nanunumbat ang boses ni Keng muyla sa kusina. "Siguradong mabablik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bang tawagin mo na si Srey? Maghahain na kami. Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga. Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na paa bang kababalik mula sa pamamasyal sa buon bayan. "Sim!" Tawag ni Oan na gulat na gulat. "Ba't nag-iisa ka? Nasa'n ang mga magulang mo?


Mga tradisyon sa pilipinas?

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tula Sinaunang Panahon Ayon sa pananaliksik nina Tumangan, Alcomtiser ang matandang panulaan ng Pilipinas ay masasabing karugtong ng mga unang kultura ng Timog Silangang Asya. Karaniwan sa mga kantahin at berso ay tungkol sa mga gawaing makaDiyos, tahanan, bukid, dagat, kaligayahan, kasaganaan at iba pa. Masasabing likas na mga makata ang ating mga ninuno. May mga tula at awit sila sa lahat ng okasyon ng kanilang buhay. Patula nila kung bigkasin ang mga bugtong, ang mga salawikain at maging mga kasabihan. Ang mga bugtong, ayon kay Lope K. Santos ay siyang kauna-unahang katutubong tula. Ito'y ang paghahanay ng mga piling salita na nagsasaad ng talinghaga at masasagot sa pamamagitan ng panghuhula. Ang salawikain at mga kawikaan ay mga patula rin. Naglalaman ito ng mga paniniwalang panlipunan, pilosopiya at mga minanang kapaniwalaan. Panahon ng Kastila Nang matuto ang mga misyonerong Kastila ng wikang Tagalog, una nilang pinagtuunan ng pansin ang pagsusuri ng mga panitikang nakasulat ng ating mga ninuno. Pinili nila ang mga panitikang sa kanilang palagay ay makatutulong sa kanila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Nakita nilang ang mga katutubo ay mahilig tumula at bumigkas ng mga tugma. Nahilig din silang umawit kaya ang lahat halos ng mga pang-araw-araw nilang mga gawain ay naisasagawa nila nang may angkop na awitin. Dahil dito, ang mga tula ang unang kinakitaan ng pagbabagong-bihis. Ang mga sinulat na tula ng mga paring Kastilang misyonero ay maiikli sa simula ngunit habang tumatagal ang mga ito ay nadagdagan ng mga taludtod. Nagsimula sa dalawang taludtod hanggang sa umabot nang lilimahing taludtod. Nanatili ang sukat at tugma sa kanilang mga tula kaya hindi nawala ang indayog sa panulaan nang panahong ito. Ang dating mga tulang katutubo na nakasulat sa matandang baybaying Alibata ay sinulat ng mga misyonero sa alpabetong Romano. Kasabay ng pagsulat sa alpabetong Romano ng mga tulang katutubo ay pumasok na rin sa panulaang Tagalog ang ilang mga salitang Kastila. Nawala ang talinghaga sa panulaan dahil sa layuning huwag maipagkamali ng mga mambabasa ang mensaheng panrelihiyon at pangkagandahang-asal. ANG MGA MAKATA NG PANAHON 1. Padre Francisco Blancas de San Jose. Kinilalang ama ng tipograpiya sa Pilipinas sapagkat aklat niya ang unang nalimbag sa paraang tipograpiko (isang uri ng paglilimbag). 2. Alonzo de Santa Ana. Siya ang may-akda ng aklat ng Explicacion de la Doctrina Cristiana en la Lengua Tagala na nagtataglay ng mga tugmang nagpapaliwanag sa mga aral ng Diyos na nakapaloob sa aklat na Doctrina Cristiana. Ang kanyang mga tula aya ganap na umiwas sa talinghaga upang maihatid nang tiyak ang diwang nais iparating ng tula. Kinilala niya ang pagiging maanyo at masining ng tula kaya siya ay kumilala sa sukat at tugma ng panulaang Tagalog. 3. Pedro de Herrrera. Isa siyang makatang nakilala dahil sa kanyang mga dalit. 4. Fernando Bagongbanta. Ang mga tula ni Bagongbanta ay napalimbag at natipon sa Memorial de la Vida Cristiana kasama ng mga tula ni Blancas de San Jose. Isa si Bagongbanta sa mga tinawag na ladino noong panahong iyon. 5. Tomas Pinpin. Ama ng limbagan sa Pilipinas. Siya ay binabanggit pa rin bilang isa sa mga ladinong kasama nina Blancas de San Jose at Bagongbanta. Ang Como con Dios ay isa sa mga tulang nasulat ni Pinpin. 6. Pedro Suarez Osorio. Siya ang ipinalalagay na unang makatang Tagalog na napatala sa kasaysayan ng panitikang Tagalog. Nakilala rin siya sa pagsulat ng mga dalit. 7. Felipe de Jesus. Isang makatang Tagalog mula sa San Miguel, Bulacan. Pinahahalagahan sa kasaysayan ng panitikan dahil sa kanyang "Dalit na Pamucao sa Tauong Babasa Nitong Libro" na ang tinutukoy ay ang Barlaan at Josaphat. Si Felipe de Jesus ang nagpakita ng muling pagbabalik g talinghaga sa panulaang Tagalog. Tula niya ang Ibong Camunti sa Pugad. 8. Francisco Bencuchillo. Ang may-akda ng Arte Poetico Tagalo na lumitaw noong ika-18 dantaon. Sa aklat na ito ay tinalakay ni Bencuchillo ang iba't ibang sukat at taludturan ng tulang Tagalog. MGA AKDANG PATULA 1. Bugtong 2. Sabi o Kasabihan 3. Salawikain 4. Awiting Bayan o Kantahing Bayan 5. Pasyon 6. Awit at Korido MGA TULANG PANDULAAN O PANTANGHALAN 1. Karagatan 2. Duplo 3. Dalit 4. Juego de Prenda 5. Panubong o Pamutong Panahon ng Propaganda Bunga ng pag-unlad ng produksyon sa pagsasaka at pagsulong ng pakikipagkalakalan sa ibang mga dayuhan, ang pagkaunlad ng kabuhayan ay nakabuo ng pangkat na mga Pilipinong nakilala sa tawag na "Ilustrado" at sa tawag na "Middle Class". Sa pamamagitan nito, lumitaw ang henerasyon ng mga kabataang namulat ang mga kaisipan sa di pagkakapantay-pantay ng mga mananakop at sinasakupan. Sila ang mga Pilipinong nagising ang kamalayan sa pagiging api. Nang mga panahong iyon, tayo'y sunud-sunuran sa mga dayuhang panginoon, kahit na nakatataas ang kabuhayan ng ilan sa atin. Dahil sa mga pangyayaring ito, tinangka ng mga "ilustrado" na magpasok ng mga pagbabago. Ito'y hindi sa pamamagitan ng armas kundi sa pakikipagtagisan ng katuwiran sa katuwiran sa pasulat na pamamaraan. Isa ang tula sa naging kasangkapan sa pagpapahayag ng mga propagandista. Dito nailalahad nila ang kani-kanilang mga kuru-kuro o pala-palagay, damdamin at maging ang kanilang mga karanasan. Ang karaniwang tinutuligsa nila ay ang mga ginagawa ng mga prayle na sana'y yaong talagang masasabing kaugnay ng simbahan. Hindi lubhang nanuligsa sa mga taong pamahalaan dahil sa mga layunin lamang ng Propagandista ay pagbabago sa pamamalakad ng simbahan kaya't ang damdaming laban sa mga prayle ang nangibabaw dahil sila ang higit na may kapangyarihan kaysa mga taong pamahalaan. Mga Manunulat at Kanilang akda 1. Dr. Jose Rizal - Ala Juventud Filipina ( Sa Kabataang Pilipino) - Mi Ultimo Adios ( Ang Huli Kong Paalam) 2. Marcelo H. del Pilar - Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas Panahon ng Himagsikan Ang panahong ito'y nahahati sa dalawa - Pnahon laban sa Kastila at Panahon laban sa Amerikano. Bagama't maikli ang panahong nasasakop, maraming mga pangyayari ang naganap at naging makasaysayan sa bayan. Kabilang sa mga ito'y ang pagkakaroon ng pagpapalit ng pamamahala sa pamahalaan. Bigo ang mga hangarin ng mga propagandista. Bingi ang pamahalaang Kastila sa mga kahilingan sapagkat noong mga panahong iyon ay abala sa pansariling suliranin ang Espanya. Dahil dito'y patuloy pa rin ang pang-aapi at pandudusta, pagsasamantala at paghihigpit ng pamahalaan at simbahan sa mga Pilipino. Lumala ang ugnayang Kastila-Amerikano dahil sa mga tunay na pangyayaring naganap, ipinahayag ng mga Amerikano ang pormal na pakikidigma sa Espanya noong Abril 25, 1898. Inanyayahan ni Almirante Dewey ang mga Pilipino upang makipagtulungan sa mga Amerikano. Mga manunulat at kanilang Akda 1. Andres Bonifacio - Katapusang Hibik ng Pilipinas - Pag-ibig sa Tinubuang Lupa 2. Emilio Jacinto - Sa Anak ng Bayan 3. Apolinario Mabini - El Verdadero Decalogo ( Ang Tunay na Sampung Utos ) 4. Jose Velasquez Palma - Himno Nacional Filipino (Pambansang Awit ng Pilipinas) Panahon ng Amerikano Ang mga akdang pampanitikan na naisulat at nailimbag nang panahong ito ay binigyan ng layang magpahayag ng tunay na pangyayari hinggil sa iba't ibang paksa at nagkaroon sila ng pagkakataong makabasa ng iba't ibang uri ng aklat na gumising pang lalo sa nag-aalab na nilang Damdaming Makabayan. Ano mang uri ng akda ang nailabas ng panahong iyon , ang damdaming makabayan ay di nawawala bagkus ay mahigpit na binigyan ng tuon. Kung minsan ito'y hinaing tungkol sa kaapihang dinanas ng Inang Bayan, o kaya'y pagpupuri sa mga katangian ng Inang Pilipinas o kaya nama'y pagpapahayag ng mga mithiin tungkol sa pagiging bansang Malaya ng Pilipinas. Masasabi kung ganoon na ang naging kalakaran sa panitikan sa panahong ito ay nasyonalismo, karanasan, at kalayaan sa pagpapahayag. Sa panahon ng bagong mananakop, ang mga Pilipinong may likas na hilig sa pagtula ay lalo pang nahilig sa pagsusulat. At masasabing ito'y bunga rin ng pagkakaroon ng lingguhang babasahin na naging daan upang malathala ang kanilang mga akda. Humabi ng tula sa lahat halos ng larangan tulad ng liriko, pandulaan, pasalaysay at pangkalikasan. MGA URI NG TULA 1. Tulang pangkalikasan 2. Tulang pandamdamin/Liriko a. Soneto b. Elehiya 3. Tulang Pasalaysay 4. Tulang Pandulaan a. Balagtasan b. Batutian c. Pagpuputong Panahon ng Hapones Ang Pilipinas ay sinakop ng nga Hapones noong 1941 hanggang 1945. Nabalam ang umuunlad nang pantikang Pilipino sa dahilang ipinapinid ng mga Hapones ang mga pahayagan at dahil dito'y pansamantalng nahinto sa pagsulat ang mga manunulat lalo pa't ang lingguhang Liwayway ay nalagay sa mahigpit na pagmamatyag. Dahil sa ipinagbawal ang mga pahayagan at magasing gaya ng Tribune at Free Press, ang mga manunulat sa Ingles ay nagsisulat sa Filipino. Marami ang nagsalin ng mga akda sa Ingles sa Filipino. Kapansin-pansin sa mga akda ang paksaing tulad ng pag-ibig sa bayan, kagandahan ng buhay sa lalawigan, relasyon ng mga magulang sa anak at ang pagmamahal sa kapwa. Sinasabing ang paksa ng iba't ibang sangay ng panitikan ay Pilipinong-pilipino sa diwa at sa buhay. Binigyang-diin ang katutubong kulay. May pumapaksa rin sa pamumuhay na dinaranas ng mga tao sa lungsod: ng kasalatan ng pagkain, damit, hanapbuhay, paglalakbay at pakikisama sa kapwa. Tumpak na tawaging panahon ng Pamumulaklak ng Panitikang Tagalog ang panahon ng Hapon. Isang sangay ng panitikang Pilipino na naapektuhan ng kahirapan ng papel noong panahon ng Hapon ay ang tula. Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong ito ang napakaiksing tulang ito na tinatawag na "haikku" isang tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang unang taludtod ay may limang pantig; ang ikalawang taludtod ay may pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig tulad ng unang taludtod. Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay ang "tanaga" na binubuo ng apat na taludtod na may pitong pantig ang bawat isang taludtod. KATANGIAN NG TULA 1. Maikli 2. Namayani ang mga tulang may malayang taludturan; walang sukat at kadalasa'y walang tugma. 3. Marami ang gumagad sa haiku. 4. Nagtataglay ng talinghaga. URI NG TULA 1. Karaniwang anyo 2. Malayang taludturan na ang pinakamarami ay haikku 3. Tanaga Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Liberasyon o Panahon ng Pagpapalaya Kasabay ng pagtatamo natin ng pansamantalang kalayaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagkadama ng mga makatang makapagpahayag nang Malaya sa pamamagitan ng tula. Pinaksa ng panulaan sa panahong ito ang pag-ibig at pagpuri sa bayang tinubuan, sa kalayaan at mga bayani ng lahi. Ang isa sa mga makatang nakilala sa panahong ito ay si Jose Villa Panganiban. Ang kanyang tulang may pamagat na "Ang Bayan Ko'y Ito" ay binigkas niya sa radyo noong ipagdiwang ang unang taon ng ating pagsasarili. Ang mga makata na nakilala bago pa man magkadigma ay nagpatuloy pa rin sa kanilang pagsusulat ng mga tula na may iba't ibang uri at paksa. Hindi nawala ang mga tulang pasalaysay, tulang pandamdamin o liriko, tulang pangkalikasan, at mga tulang pandulaan. Nagkaroon ng dalawang pangkat ng mga makata - pangkat ng mga makaluma o konserbatibo, at pangkat ng mga makabago o kabataang makata. Ang pangkat ng mga makalumang makata ay pinangungunahan nina Lope K. Santos, Ildefonso Santos, Rufino Alejandro, Teodoro Agoncillo, Teodoro Gener, Iñigo Ed Regalado, Pedro Gatmaitan, Jose Villa Panganiban at iba pa. Sa pangkat naman ng mga kabataan o makabagong manunulat ay napabilang sina Jose Corazon de Jesus, Cirio H. Panganiban, Florentino Collantes, Emilio Mar Antonio, Fernando Monleon, Aniceto F. Silvestre, Amado V. Hernandez, Alejandro G. Abadilla, Clodualdo del Mundo, at iba pa. Si Aniceto F. Silvestre ay kinilalang pambansang makata nang maipanalo niya ang dalawa niyang tula na "Ako'y Lahing Kayumanggi" at "Mutya ng Silangan" sa patimpalak na idinaos ng Surian ng Wikang Pambansa noong 1946. Kinilala namang makata ng makabagong panahon si Alejandro G. Abadilla. Sinasabing tinalikuran niya ang sukat at tugma ng matandang panulaan at pinalaganap niya ang malayang taludturan at ang diwang mapanghimagsik. Pinakamagandang tula niya ang "Ako Ang Daigdig" na naging dahilan upang tanghalin siyang Pangunahing Makata ng taong 1957. Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Aktibismo Si Amado V. Hernandez ang maituturing na pangunahin sa mga makatang may kamalayang panlipunan. Ito raw ay sa dahilang si Ka Amado ay naging kalahok sa mga nagaganap sa kanyang kapaligiran. Dinakip siya at ibinilanggo sa isang seldang ang luwang ay ga-isang dipa lamang na sapat upang matanaw niya ang kapirasong langit. Sinulat niya ng kanyang tulang "Isang Dipang Langit" samantalang siya ay nasa loob ng bilangguan. Mapapansin rin ang pagkapartikular ng mga tulang romantiko-rebolusyonaryo. Ang katangiang ito'y dulot ng pagpapairal sa isip sa pagbubuo ng tula, isang pamamaraang humahalungkat sa karanasang pinapaksa upang mabigyang-katibayan ang mensahe ng makata. Tatlo ang katangian ng tula sa panahon ng aktibismo: nagsusuri sa kalagayan ng bayan, nagsisiwalat ng mga katiwalian sa tula, tahasang lumalabag sa kagandahang asal (panunungayaw at may karahasan sa pananalita). Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan Nanatili pa ring isang mabisang tagapagpahayag ng damdamin ang tula sa panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan bagama't ang mga tula sa panahong ito ay hindi naging kasing-apoy at kasintalim ng mga tula sa panahon ng aktibismo. Ang mga makata sa panahong ito ay pumaksa sa mga paksang gaya ng pag-ibig, buhay, kalikasan - mga paksang ligtas talakayin sapagkat noon ay naghigpit ang sensura. Hindi lahat ng sinusulat ay pinapayagang mailathala. Naging maingat ang mga makata. Nagsulat sila sa paraang may kalaliman ang paglalahad ng mga mensahe kung kaya't sila ay gumamit ng simbolismo. Iniwan nila sa mababasa ang pagpapakahulugan at pag-unawa. Sa Liwayway at mga magasing pandalubhasaan nabasa ang mga tula sa panahong ito. Kung bagamat may sariling pamamaraan ang paghabi ng tula ang mga makata sa panahong ito, hindi rin nawala ang mga tulang nagtataglay ng sukat at tugma. Sa panahon ng Bagong Lipunan nagsimula ang mga patimpalak sa pagbigkas nang sabayan hanggang sa ito ay lumaganap at humantong sa kaantasang pambansa. Dahil sa sabayang bigkasan na nakaakit sa kawilihan ng mga nakikinig at manonood, ang lumang paraan ng pagbigkas ng tula ay unti-unting bumaba. Sa mga piyesang ginamit sa sabayang bigkasan ay nanguna ang "Pilipino: Isang Depinisyon" ni Ponciano B.P. Pineda. Sa panahon ding ito nauso ang mga tugmang tulad ng mga sumusunod na siyang mga islogan na ginamit upang maktulong sa paghubog ng kaasalang Pilipino: "Sa ikauunlad ng bayan Disiplina ang kailangan" "Ang pagsunod sa magulang Tanda ng anak na magalang" Ang mga kabataang manunulat na nagpakita ng kapusukan sa panunuligsa sa kabulukang nagaganap sa pamahalaan sa panahon ng aktibismo ay tumigil sa pagsusulat ng mga tulang mapanuligsa at nakiramdam na lamang sa mga nagaganap sa kanilang paligid, naghihintay sa mga pagbabagong maidudulot ng mga bagong proyektong inilulunsad ng pamahalaan. Ang mga nagsisulat ng tula sa panahong ito ay nagkaroon ng isang layunin - ang maging bahagi ng isang katipunan ang kanilang mga sinulat o kaya ay maisali sa mga timpalak tulad ng Gantimpalang Palanca, Republic Cultural heritage Award, Patnubay ng Kalinangan Award at iba pa. Ang Panitikang Patula sa Panahon ng Lakas ng Bayan Hanggang sa Kasalukuyan Ang mga tulang nasulat pagkatapos ng naganap na Lakas ng Bayan o "People's Power sa Edsa ay nagpakita ng kalayaan sa pagpapahayag at maging sa paksa. Pinaksa ng mga tula sa panahong ito ang mga nagaganap sa kapaligiran at sariling mga damdamin ng mga makatang nagsisisulat ng tula. May mga tula ng pagpupuri at panunuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan at mga katiwaliang nagaganap sa lipunan. Sa madaling salita, patuloy ang kamalayang panlipunan ng mga makata sa panahong kasalukuyan. Nilayon ng mga tula sa kasalukuyang panahon ang maging kasangkapan sa minimithing pagbabago ng lipunang Pilipino. Sa istilo ng pagsulat ng tula ay nanatili pa rin ang dalawang paraan - may nagsisulat ng mga tulang may sukat at tugma at may nagsisulat sa malayang taludturan. Pangunahing layunin ng tula sa panahong ito ay makapaghatid ng mahalagang mensahe sa mga mambabasa. Bibihira ang mga tula ng pag-ibig ngunit unti-unting nabubuhay na paksa sa panulaan ang tungkol sa kalikasan lalo pa't may mga kampanyang inilulunsad ang pamahalaan sa pangangalaga ng kalikasan. Ang pagtula sa ibabaw ng tanghalan ay bihira nang mangyari maliban na lamang kung ito ay hinihingi ng isang pangyayari sa isang palatuntunang idinaraos. Ang indayog ng tula sa panahon nina Balagtas, Jose Corazon de Jesus, at Florentino Collantes ay wala na sa tanghalan. Ang Balagtasan ay bibihira na ring marinig kung kaya't nakalulungkot na kapag tinanong ng guro ang mga mag-aaral kung nakarinig na sila o nakapanood na ng Balagtasan, ang marami sa kanila ay hindi pa ang sagot. Ang pagbigkas ng tula sa tanghalan ay pinalitan ng pag-awit. Ang awitin/awit ay isa ring akdang nasa anyong patula na nilapatan ng himig. Ito ay nagpapahayag ng damdamin at karanasan ng may-akda. Sa kasalukuyan, ang mga awitin ay pumapaksa hindi lamang sa pag-ibig, kundi sa lahat ng mga nangyayari, nakikita at nararanasan ng tao sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Katulad din ng mga karaniwang tula, ito ay maaaring pumupuri at nanunuligsa sa mga gawain at kaugalian ng tao. May mga awiting gumigising sa damdamin at nangangaral sa mga kabataan. Ang isang uri ng awitin na palasak sa kasalukuyan ay ipinalalagay na epektibo sa paghahatid ng mensahe sa mga mamamayan ay ang "rap" nina Francis Magalona at Andrew E. May mga awitin din na naririnig at nakikita sa telebisyon na habang inaawit ay ipinakikita naman ang mga tagpong may kaugnayan sa isinasaad ng awit. Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay inaawit sa telebisyon sa ganitong paraan. Ang "Magkaisa", isang awiting inawit sa Edsa noong naganap ang "People's Power."