answersLogoWhite

0

Ang Awiting-Bayan.Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaít ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa:

Talindaw

Sagwan, tayoy sumagwan

Ang buong kaya'y ibigay.

Malakas ang hangin

Baka tayo'y tanghaliin,

Pagsagwa'y pagbutihin.

Oyayi o Hele

Matulog ka na, bunso,

Ang ina mo ay malayo

At Hindi ka masundo,

May putik, may balaho.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Continue Learning about Linguistics

What is the meaning sakit ng bayan?

"Sakit ng bayan" is a Filipino phrase that translates to "pain of the nation." It is often used to describe societal issues or problems that impact a large number of people within a community or country. This term reflects the collective suffering or challenges faced by the population as a whole.


Ano ang mabuting dulot ng karunungang bayan sa ating buhay?

Ang karunungang bayan ay nagbibigay daan sa pagpapahalaga sa kasaysayan at kultura ng isang bansa, nagtutulak ng pagkakaisa at pagpapahalaga sa mga tradisyon, at nagbibigay ng gabay at kaalaman sa mga isyu at hamon ng lipunan.


What is Tagalog of lyrics?

Tagalog Translation of LYRICS: titik ng awit


Can you give a Tagalog declamation piece?

Ito ang bayan ko: Pitong libong pulong kupkop ng Bathala, ngunit dinuhagi at sinamantala ng mga banyaga; Lipi ng magiting na mapaghimagsik ang puso at diwa, Unang Republikang sa dulong silanga'y nagtamo ng laya; Ito ang bayan ko: sumilang sa dugo't nabuhay sa luha At pinagsawaan ng lahat ng biro't hampas ng tadhana! Ito ang bayan ko: Dagatan, lupaing may sapat na lawak, bundok na mamina, Bukiring matanim at maisdang dagat… Sa lahat ng itong alay ng Bathala ay nagging marapat at maituturing na lupang hinirang at lubhang mapalad… Ditto, ang ligaya sa lahat ng dako'y biyayang laganap, Ngunit kailangang dukali't hukayin ng sikhay at sipag. Ito ang bayan ko: Pinanday sa dusa ng mga dantaon, hinampas ng bagyo, Nilunod ng baha, niyanig ng lindol; Dinalaw ng salot, tinupok ng poot ng digmaang maapoy, Sinakop ng Prayle, inagaw ng Kano, dinahas ng Hapon; Ngunit patuloy ring ito ang bayan ko nakatindig ngayon, Sa bawat banyaga'y magiliw ang bating "Kayo po'y magtuloy." Ito ang bayan ko: Puso ma'y sugatan ay bakal ang dibdib, Bawa't naraana'y isang karanasa't isang pagtitiis… Ito ang bayan ko Taas-noo ngayon sa pakikiharap sa buong daigdig, sapagkat sa kanyang sikap na sarili ay nakatindig… Ito ang bayan ko: bunga ng nagdaang mga pagkaamis, matatag ang hakbang, patungo sa isang bukas na marikit. Ito ang bayn ko; Ang bayan ko'y ito.


Short tagalog declamation piece?

Ito ang bayan ko: Pitong libong pulong kupkop ng Bathala, ngunit dinuhagi at sinamantala ng mga banyaga; Lipi ng magiting na mapaghimagsik ang puso at diwa, Unang Republikang sa dulong silanga'y nagtamo ng laya; Ito ang bayan ko: sumilang sa dugo't nabuhay sa luha At pinagsawaan ng lahat ng biro't hampas ng tadhana! Ito ang bayan ko: Dagatan, lupaing may sapat na lawak, bundok na mamina, Bukiring matanim at maisdang dagat... Sa lahat ng itong alay ng Bathala ay nagging marapat at maituturing na lupang hinirang at lubhang mapalad... Ditto, ang ligaya sa lahat ng dako'y biyayang laganap, Ngunit kailangang dukali't hukayin ng sikhay at sipag. Ito ang bayan ko: Pinanday sa dusa ng mga dantaon, hinampas ng bagyo, Nilunod ng baha, niyanig ng lindol; Dinalaw ng salot, tinupok ng poot ng digmaang maapoy, Sinakop ng Prayle, inagaw ng Kano, dinahas ng Hapon; Ngunit patuloy ring ito ang bayan ko nakatindig ngayon, Sa bawat banyaga'y magiliw ang bating "Kayo po'y magtuloy." Ito ang bayan ko: Puso ma'y sugatan ay bakal ang dibdib, Bawa't naraana'y isang karanasa't isang pagtitiis... Ito ang bayan ko Taas-noo ngayon sa pakikiharap sa buong daigdig, sapagkat sa kanyang sikap na sarili ay nakatindig... Ito ang bayan ko: bunga ng nagdaang mga pagkaamis, matatag ang hakbang, patungo sa isang bukas na marikit. Ito ang bayn ko; Ang bayan ko'y ito.