answersLogoWhite

0


Best Answer

sanaysay tungkol sa kadakilaan at kapangyarihan ng diyos

User Avatar

Wiki User

12y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sanaysay tungkol sa kadakilaan at kapangyarihan nd diyos?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Continue Learning about Philosophy

Magbigay ng teorya tungkol sa pinagmulan ng tao?

Mga teoryang pinagmulan ng TAO: may tatlong teorya ito: a.mala-ispiritwal - na ang ibig sabihin nito na nag mula sa Diyos ang Tao.Isa pa rito ang tungkol kay Adan at Eba na sinasabi na sila ang mga unang tao rito sa mundo na nilikha ng Diyos. b.mala-alamat -ibig sabihin naman nito na nag mula ang Tao sa tatlong pangkat.Ito ang Negrito,Indones,at Malay. c.mala-syentipiko - sinasabi rito na ang Tao ay nag mula sa unggoy o homo sapiens. -jimx13.07-


What is the meaning of Responsible Dominion Over Material Things?

pangangalaga sa mga bagay na biyaya o likha ng diyos


What is rizal mabuhay?

Mabuhay RizalLalawigan kong tanging-tangiMahal namin magpakailan manRizal, Rizal mabuhayPangunahin kang lalawiganSa Kultura't kabuhayan, pinagpala ng mayKapalBuhay Nami'y Nakalaan, Maglingkod sa Inang BayanLalawigan Kang Tanging-tangi,Mahal namin magpakailanmanAng lahat ng Rizaleno'y masisikap, puso't Diwa sa Diyos, Bayan at sa KapwaMapalad kami na taga-Rizal sa pamumuno ng mga taong may dangal.


Ang preamble of the Philippines?

Tagalog :PANIMULAKami, ang nakapangyayaring sambayanang Pilipino, na humihingi ng tulong sa Makapangyarihang Diyos, upang bumuo ng isang makatarungan at makataong lipunan at magtatag ng isang Pamahalaan nakakatawan sa aming mga mithiin at mga lunggatiin, magtataguyod ng kabutihan sa bawat isa, mangangalaga at magpapaunlad ng aming kamanahan, at titiyak para saming sarili at angkanang susunod ng mga biyaya ng kalayaan at demokrasya sa ilalim ng pananaig ng batas at ng pamamahalang puspos ng katotohanan, katarungan, kalayaan, pag-ibig, pagkakapantay-pantay at kapayapaan, ay naglalagda at naghahayag ng Konstitusyong ito.English :PREAMBLEWe, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society, and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity, the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.


Can i have a Reaction paper of bayaning third world?

PAGBUBUOD NG PELIKULANG "BAYANING THIRD WORLD"Ang pelikulang ito ay pelikulang nagsasadula ng buhay ni Rizal ngunit pinagdududahan dito ang pagkabayani ni Rizal. May dalawang tao na nag-isip at nagtalo sa paggawa ng pelikulang ito. Pinamagatan itong "Bayaning Third World" dahil sa pagiging marupok ni Rizal o third class, paano siya naging pambansang bayani kung tinalikuran niya ang himagsikan? Ito ang tanong na gustong ipabatid ng pelikula. Ito ay may 8 paksa: (1) Sino o Ano si Rizal? (2) Ang buhay ni Rizal, pampelikula ba ang buhay ni Rizal? (3) Doña Lolay, ang alaala at pag-alaala. (4) Josephine Bracken, inspirasyon o pampagulo? (5) Narcissa, ang biktima ay si Pepe. (6) Trining, lumabong alaala. (7) Padre Balaguer, nagbalik-loob si Pepe. (8) Kanya-kanyang Rizal. Ang pelikulang ito ay parang paglilitis kung saan isa-isang dadalawin ng dalawang gumagawa ng pelikula ang mga tao sa buhay ni Rizal at sa huli, hindi na nila maiiwasang kausapin mismo si Rizal. Sa simula ay ipinakita ang iba't ibang sagisag ng Pilipinas: pambansang ibon, hayop, bulaklak, ibon, puno, dahon, prutas, kasuotan, bahay, sayaw, laro, isda, kanta, bandila at bayani.Sino o Ano si Rizal? Sa umpisa, tinatanong kung sino at ano ba talaga si Rizal. Siya ay ang pambansang bayani, ang natatanging "Indio Bravo" at siya ay ang piso na maliit lamang ang halaga ngunit nangunguna.Ang buhay ni Rizal, pampelikula ba ang buhay ni Rizal? Nabanggit dito na ang buhay ni Rizal ay hindi pampelikula dahil wala na daw siyang ginawa kundi ang bumiyahe, sumulat ng mga nobela at tula, sumulat para sa kanyang mga kaibigan at tapos pinatay. Sa pelikulang ito pinagtalunan ang magiging pamagat at kung ano ang magiging paksa, isa sa mga nabanggit ay Rizal versus Bonifacio, Rizal versus Contemplacion, at Komersyal para sa Sentenyal. Sa pelikulang ito inimbestigahan ang pagkabayani ni Rizal, tutol nga ba siya sa rebolusyon o nabanas lang daw siya dahil hindi siya ang nagsimula nito. Dito nabanggit ang umano'y sulat ni Rizal tungkol sa relihiyong Katoliko bago siya mamatay. Sinabi na ang dahilan ng kanyang paglaban sa relihiyong Katoliko ay dahil ito ang dahilan ng lahat ng kanilang kahirapan at hinagpis. Ayon kay Rizal ang relihiyong Katoliko ay ginagamit noon para sa ilang piso, upang mapalawak ang kanilang mga asyenda, mang-akit ng mga inosente at batang-batang babae, at para patayin ang mga kaaway. Ipinakita din sa pelikula kung paano pinagdudahan ang buhay pag-ibig ni Rizal. Talaga bang nagpakasal sila ni Josephine Bracken?Doña Lolay, ang alaala at pag-alaala. Ayon kay Doña Lolay ang paghahangad ng karunungan ay halos isang krimen. Naging labis ang karunungan niya, aanhin niya ang karunungan kung ituturing siyang Filibustero, matutulad lamang siya kay Padre Burgos na nauwi sa kamatayan, napabayaan niya ang kanyang tungkulin bilang isang Kristiyano na dati niyang ginagawa sa kanyang pagkabata, pahayag ni Doña Lolay. Ngunit ayon kay Rizal, ang magsasaka doon ay higit na mas marunong kaysa sa mga Obispo sa Pilipinas, higit na mas may nalalaman kaysa sa mga santong lumikha ng mga milagro. Ang sinabi ni Rizal sa kanyang ina ay kung ano man ang kanyang pinaniniwalaan ngayon ay kanyang paniniwalaan dahil hindi matatanggap ng kanyang budhi ang mga bagay na hindi naaayon sa matuwid na pag-iisip. Ang saloobin ni Doña Lolay ay baka tuluyan nang nawalan ng tiwala si Rizal sa Diyos at maging Protestante siya, dito din niya nabanggit na binalaan na niya si Rizal noong bata pa lamang ito na huwag masilaw sa mga nakakaakit at naksisilaw na liwanag. Ngunit pinaninindigan ni Rizal ang kanyang mga isinulat, desidido na siyang magpakamartyr at maluwag na sa loob niya ang mamatay. Binagabag ang kanyang konsensya sa nangyari sa Calamba kung saan ligtas siyang nasa ibang bansa sa mga panahong iyon samantalang ang kanyang pamilya ay nakararanas ng kalupitan sa kamay ng mga Kastila.Josephine Bracken, inspirasyon o pampagulo? Ipinatapon si Rizal sa Dapitan nang hindi man lang siya nabibigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kayang sarili. Marami siyang pinagkaabalahan doon, maraming operasyon, maraming pasyente, may mga pagkakataon din na nanalo siya sa lotto at higit sa lahat nakilala niya si Josephine Bracken. Dito pinakita ang pagdududa tungkol kay Bracken, kung saan nga ba talaga siya nakilala ni Rizal, kung sa Dapitan ba o sa isang bar sa Hongkong. Dito pinag-usapan kung nagpakasal talaga sila ni Rizal. Sinasabi na nagpakasal sila bago mamatay si Rizal ngunit walang maipakitang katibayan si Bracken dahil sa kawalan umano ng oras noong mga sandaling iyon at sinasabi din niya na gusto niyang makuha ang lahat ng mga gamit ni Rizal ngunit tutol ang pamilya ni Rizal sa knilang pagpapakasal dahil ayaw nila kay Bracken. Sinasabi din na siya ang naging dahilan ng pagbabago ng isip ni Rizal upang mabalik-loob sa simbahang Katoliko. Dito din pinakita ang isyu tungkol sa dokumento na nagsasabing nagbabalik-loob na nga talaga si Rizal sa simbahang Katoliko. Ang dokumentong sinasabi ay hindi malaman kung tunay bang isinulat ni Rizal o peke lamang na pakana ng mga paring Kastila.Narcissa, ang biktima ay si Pepe. Binatikos dito ang pagkakakilala at pagsasama ni Rizal at Bracken dahil ito umano ay isang eskandalo. Ayon kay Narcissa ginamit lamang ang pangalan ni Rizal kaya siya napagbintangang nagsimula ng himagsikan dahil alam niya na tutol siya sa himagsikan, naipit, nabitag at napagbintangan lamang siya. Ayon kay Rizal, ang pagbabago ay dapat magsimula sa gobyerno at hindi sa mga taong bayan dahil kung ang mga taong bayan ang magsisimula ng pagbabago, kamatayan lamang ang mangyayari.Trining, lumabong alaala. Sino ang maniniwala kay Padre Balaguer? Hindi naniniwala ang kanyang pamilya na magagawa nga ni Rizal ang sinasabi ni Padre Balaguer dahil ayon sa unang pahayag ni Trining, ganoon ang sinasabi ng mga Heswita ngunit wala silang maipakitang dokumento na makakapagpatunay nito, alam niya ang sulat kamay ng kanyang kapatid na si Rizal. Ang ginagawa umano nila ay panlilinlang at paninira sa isang taong patay na. Hindi daw nawala ang dokumento kundi ay hindi lang malaman kung saan ito nailagay, at sinasabi umano na ang nakahanap ng dokumento ay isang paring Kastila kaya sinasabi na ang dokumento ay peke at pakana lamang ng simbahang Katoliko. Ngunit sa pangalawang pahayag ni Trining sinasabi niya na naniniwala siya sa dokumentong nagsasabi ng pagbabalik-loob ni Rizal sa simbahang Katoliko, na namatay siya bilang Katoliko at nagpakasal siya kay Josephine Bracken. Kumonsulta umano si Trining sa isang espiritista upang kausapin ang kanyang kapatid. Hindi malaman kung anong pahayag ni Trining ang totoo dahil sa kanyang katandaan ba kaya nagbago ang kanyang pahayag? Ito ang tanong na hindi nabigyan ang kasagutan.Padre Balaguer, nagbalik-loob si Pepe. Dito sinasabi na nagbalik-loob si Rizal sa pagiging Katoliko at si Padre Balaguer ang umano'y naging testigo. Pagkatapos ng pagdeklara ng sentensya kay Rizal ng kamatayan, si Rizal umano'y inilipat sa isang kuwartoong ginawang kapilya upang matamo niya ang tunay niyang kapayapaan sa huling mga oras ng kanyang buhay sa mundo. Ayon kay Rizal, naniniwala siya na sa malayang kaisipan, hindi niya matatanggap ang anumang batayan ng kaalaman maliban sa sinasabi ng kanyang pag-iisip. Sinasabi ng mga pari sa kanyang dating eskwelahan na nagging deboto daw si Rizal ng Birheng Maria ngunit ito ay madiing pinabulaanan ni Rizal. Sinasabi din na noong nagkita sila ng kanyang ina bago siya mamatay, si Rizal umano ay nagmakaawang humingi ng kapatawaran sa kanyang ina ngunit may ibang nagsasabi na humingi ito ng kapatawaran ng hindi nagmamakaawa bagkos ay nagbilin na bigyan ang kanyang bangkay ng mapayapang libingan. Hindi malaman kung sino ba talaga ang dapat paniwalaan, kung ang mga sinabi ba ng kanyang pamilya o ang sinabi ni Padre Balaguer. Sinabi din ni Padre Balaguer na nangumpisal si Rizal sa kanya bago ito matulog at pagkagising nito bago siya mamatay upang humingi ng kapatawaran sa mga nagawang pagkakasala niya. Dito din nabanggit ang nasabing sulat niya ng pagbabalik-loob sa simbahang Iglesia. Ayon sa sulat, si Rizal ay isang Katoliko at mamamatay siyang Katoliko, binabawi niya ang lahat ng kanyang sinabi, sinulat, inilimbag, inilathala at inasal laban dito. Naniniwala siya sa Iglesia at sinusunod niya ang mga utos nito. At bago siya mamatay, sinasabing siya ay nagumpisal ulit ng kanyang mga pagkakasala at humiling na magkaroon ng misa para sa kanya upang makapagkomunyon. At noong umaga umano'y walang tigil siyang nagrorosaryo. Sinabi din dito ni Rizal na handa na siyang mamatay. Sa huling mga oras ni Rizal, nakita at nakausap niya si Trining kung saan ay may ibinulong siya sa salitang Ingles na pagkamatay niya ay tingnan niya ang kanyang sapatos dahil may inilagay siyang sulat sa loob nito ngunit dalawang taon ang lumipas bago nila nahukay ang kanyang bangkay kaya hindi na nila nabasa ang sulat ni Rizal. Ang huling sulat na binigay lamang ni Rizal sa kanila bago ito mamatay ay naglalaman ng tula na nagsilbing habilin niya sa lahat: "Adios Patria Adorada Relihiyon del sol Querida".Kanya-kanyang Rizal. Maraming katanungan na hindi mabigyan ng kasagutan, maraming dapat sagutin si Rizal, ito ang huling nais ipabatid ng pelikula. Kahit basahin mo man daw ang lahat ng mga isinulat ni Rizal, hindi mo pa din lubusang makikilala si Rizal. Hangga't may pera habang buhay siyang mananatili sa piso. Hindi pampelikula ang buhay ni Rizal kundi pang-aklat lamang dahil sa maraming katanungang hindi pa rin masagot. Mahirap basagin ang pagiging pambansang bayani ni Rizal, ito ang iginiit sa katapusan ng pelikula dahil bawat tao ay may kanya-kanyang paniniwala tungkol kay Rizal. Kung totoong galling sa loob niya ang pagtalikod sa kanyang mga isinulat, masasabi na isa siyang duwag ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mga nobela, mga tula, mga liham, mga sulat at deklerasyon tungkol sa kanyang paninindigan at pag-iisip at makikita mong hindi ka dapat magduda sa kanya. Nais din ipabatid ng pelikula na kung gusto mong makilala ng lubusan si Rizal ikaw mismo ang gumawa ng paraan upang kilalanin siya.

Related questions

Kadakilaan ng diYos ni marcelo h del pilar?

what is pen name used by Del Pilar


Paano nilikha ng diyos ang daigdig?

Answe: nilikha ng diyos ang mundo sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan kung hindi tau ginawa ng diyos wala dapat tau kinabubuhay ,katutuluyan,at syempre wala din tau kac walang saysay ang mga ito kung walang makikinabang.


Ano ang ginawa ng diyos sa mundo?

Ibig sabihin into ay kapag ikaw ay may ginawa na mali puwede ka manghingi ng tawad sa Diyos


Ano ano ang mga halimbawa salawikain tungkol sa malinis na kapaligiran?

NASA diyos ang awa sa Tao ang gawa.


Ano ang mga halimbawa na salawikain tungkol sa malinis na kapaligiran?

nasa diyos ang awa sa Tao ang gawa.


Ano ano ang teoryang makaagham tungkol sa pinagmulan ng daigdig?

naniniwala sila sa mga diyos ng kapaligiran


Slogan tungkol sa pagpapahalaga sa kakababaihan?

nasa tao ang gawa ,nasa diyos ang awa....


What does Patnubayan ka ng Diyos mean?

"Patnubayan ka ng Diyos" is a Tagalog phrase that translates to "God guide you" in English. It is a common expression of wishing someone guidance and protection from God in their endeavors or life journey.


When was Diyos at Bayan created?

Diyos at Bayan was created in 1998.


What is the duration of Diyos at Bayan?

The duration of Diyos at Bayan is 3600.0 seconds.


Saan nang galing ang tao?

Ayon sa mga Kristiyano, nanggaling tayo sa Panginoong Diyos Ayon sa mga Siyensya, nanggaling daw tayo sa unggoy Ayon sa mga alamat, nanggaling daw tayo kina Malakas at Maganda


What is mabait ang Diyos sa akin for Kapangpangan?

ing Diyos maganakaya