The cast of Imik - 2012 includes: Luigi Alvaro Matutina Mercedes Cabral Rose Galvez Zernan Mataya Joaquin Mistral Haravata Monique Obligacion Paolo Rodriguez Danzen Santos
Paolo Rodriguez has: Played DJ in "Close to You" in 2006. Performed in "Panibugho" in 2008. Played Kano in "Dagim" in 2010. Played Abdul in "Anatomiya ng korupsiyon" in 2011. Played Drukpah Minister in "Princess and I" in 2012. Performed in "Imik" in 2012. Played Peter in "Tunga" in 2013.
Mercedes Cabral has: Played Myrna in "Maalaala mo kaya" in 1991. Played Merly in "Serbis" in 2008. Played Cecille in "Kinatay" in 2009. Performed in "1017: Sa paglaya ng aking salita" in 2009. Performed in "Latak" in 2009. Performed in "Karera" in 2009. Played Evelyn in "Padyak" in 2009. Played Gie in "Ang panggagahasa kay Fe" in 2009. Played Anna in "Booking" in 2009. Played Evelyn in "Bakjwi" in 2009. Played Anabel in "Biyaheng lupa" in 2009. Played Amanda in "Butas" in 2009. Played Lea in "Babae ako" in 2009. Played Lena in "Panahon na" in 2009. Played Frida in "Chronicle of Wasted Lives" in 2009. Played Joan in "The Bud Brothers Series" in 2009. Played Calendar Girl in "Baboyngirongbuang" in 2010. Performed in "Magkakapatid" in 2010. Played Pregnant Woman (segment "Punerarya") in "Shake Rattle and Roll 12" in 2010. Played Techie in "Si Techie, si Teknoboy, at si Juana B" in 2010. Played Prostitue (segment "Minsan May Isang Puta") in "Ganap na babae" in 2010. Played Aliway in "Ang babae sa sementeryo" in 2010. Played Alamela in "Sakit" in 2010. Played Herself - Guest in "Wasak" in 2011. Performed in "Gayuma" in 2011. Performed in "Liberacion" in 2011. Played Kell in "The Healing" in 2012. Performed in "Ad ignorantiam" in 2012. Played Kim in "Magdalena: Anghel sa Putikan" in 2012. Played Simone Sales in "Ang nawawala" in 2012. Played Helen in "Magpakailanman" in 2012. Performed in "Mater Dolorosa" in 2012. Performed in "Pamatid-gutom" in 2012. Performed in "Imik" in 2012. Performed in "Aberya" in 2012. Performed in "Ginger and Cumin" in 2012. Played Biana in "Hiyas" in 2012. Performed in "Biktima" in 2012. Played Giana in "Hiyas" in 2012. Played Woman in "Colossal" in 2012. Played Ayesha in "Sinapupunan" in 2012. Performed in "Bingoleras" in 2013. Played Teresa in "Katipunan" in 2013. Played Tina in "Transit" in 2013. Played Melissa in "The Deadline" in 2013. Played Eliza Bauer in "Bayan ko" in 2013.
Wastong Gamit ng SalitaWASTONG GAMIT 1. KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; ipinakikilalang kapag ang isang kalagayang tiyak.Hal. Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.2. KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo;pangungusap ang tinutukoy ng imik.Hal. Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.Hindi lamang sa Tao nagagamit ang kibo.Hal. Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.3. DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil, pangngalan ang dahilan;pang-ukol naman angdahil sa o dahil kay.Hal. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.Mali : Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.4. HABANG at SAMANTALANGHabang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o"mahaba".Samantalang- ang isang kalagayang may taning, o "pansamantala".Hal. Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akongtrabaho.Gulung-gulo ang isip niya habang Hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.Gulung-gulo ang isip niya samantalang Hindi pa dumarating ang sulat ng kanyangkasintahan.May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito angpagtatambis sa dalawang kalagayan.Hal. Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?5. IBAYAD at IPAGBAYADIbayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaranIpagbayad - pagbabayad para sa ibang TaoHal. Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.Ipagbabayad muna kita sa sine.MALI at katawa-tawa):Ibayad mo ako sa sine.Ibinayad ko siya sa bus.6. MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan), pandiwa, pang-uri o pang-abay.Hal. May anay sa dingding na ito.May kumakatok sa pinto.May dalawang araw na siyang Hindi umuuwi.Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao opamatlig o pang-abay na panlunan.Hal. Mayroon kaming binabalak sa sayawan.Mayroon iyang malaking suliranin.Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.Hal. "May asawa ba siya?' "Mayroon."Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.Hal. Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.7. PAHIRAN at PAHIRIN Pahiran - paglalagay Pahirin - pag-aalisHal. Pahiran mo ng sukang iloko ang noo niya.Pahirin mo ang pawis sa likod ng bata.8. PINTO at PINTUANPinto - ang inilalapat sa puwang upang Hindi iito mapagdaananPintuan- ang puwang sa dingding o pader na pinagdaraanan.Hal. Huwag kang humara sa pintuan at nang maipinid na ang pinto.Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdananHagdan - ang inaakyatan at binababaanHagdanan - nag kinalalagyan ng hagdan9. SUBUKAN at SUBUKIN Subukan - pagtingin nang palihim Subukin - pagtikim at pagkilatisHal. Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan atpangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba nag anyo sapanghinaharap: susubukan, sususbukin10. TAGA- at TIGAWalang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.Hal. Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.Ao ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa,tigalawa tigatlo tig-apat, atbp.11. AGAWIN at AGAWANAgawin ang isang bagay sa isang Tao/hayop.Agawan ng isang bagay ang isang Tao/hayop.Hal: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.12. HINAGIS at INIHAGIShinagis ng isang bagayinihagis ang isang bagayHal. Hinagis niya ng bato ang ibon.Inihagis niya ang bola sa kalaro.13. ABUTAN at ABUTINabutin ang ang isang bagayabutan ng isang bagayHal. Abutin mo ang bayabas sa puno.Abutan mo ng pera ang Nanay.14. BILHIN at BILHANbilhin ang isang bagaybilhan ng isang bagayHal. Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.Bilhan antin ng sapatos ang ate.15. WALISAN at WALISINwalisin ang isang bagay na maaring tangayin ng waliswalisan ang ang pook o lugarHal. Nais kong walisan ang aklatan.Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.15. SUKLAYIN at SUKLAYANsuklayin - ang buhok ng sarili o ng ibasukalyan - ng buhok ang ibang TaoHal. Suklayin mo ang buhok ko,Luz.Suklayan mo ako ng buhok, Alana.16. NAMATAY at NAPATAYnapatay -may tiyak na Tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadyanamatay -kung ang isang Tao ay binawian ng buhay sanhi sakit,katandaan o anumang dahilang Hindi sinasadya; ginagamitdin sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay nawalang buhay.Hal. Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.Napatay ang aking alagang aso.17. MAGSAKAY at SUMAKAYmagsakay - magkarga ( to load)sumakay - to rideHal.Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.Sumakay na tayo sa daraang bus.18. OPERAHAN at OPERAHINoperahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisinoperahan - tumutukoy sa TaoHal.Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.Si Luis ay ooperahan sa Martes.19. NANG at NGnang - pangatnig na panghugnayan- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulitng - pantukoy ng pangngalang pambalana- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa- pang-ukol na kasingkahulugan ng "sa"Hal. Umalis siya nang sila'y dumating.Tumawa nang tumawa ang mga mag-aaral.Nagalit ang guro nang kami't nag-ingay.Bumili kami ng mga pasalubong para kay ditse.Pumanhik ng bahay ang mga panauhin.20. KATA at KITAkata - ikaw at akokita - ikawHal.Manood kata ng sine.Iniibig kita.
Si Mariang Makiling ay isang dalaga, hindi tumatanda, nakatira sa magandang bundok Makiling sa pagitan ng provincias ng Laguna at Tayabas, subalit walang nakaka-alam kung saan talaga o kung paano siya namamahay. Sabi ng iba, nakatira siya sa isang magandang palacio na napapaligiran ng mga jardin. Ang sabi naman ng iba, nakatira siya sa isang dukhang dampa na gawa sa karaniwang kawayan at mga dahon ng nipa. Matangkad si Mariang Makiling at mahinhin. Ang kutis niya ay makinis, kayumangging kaligatan, sa bigkas ng mga Tagalog. Malaki at itim ang kanyang mga mata, mahaba at makapal ang buhok, at maliliit ang mga kamay at paa, at mala-candela ang mga daliri. Sa madling salita, siya ay maniwaring isang diwata, parang isinilang sa maputlang sinag ng buwan sa ibabaw ng Pilipinas, pasulpot-sulpot sa pagitan ng mga punong kahoy sa gubat ng Makiling. Ang diwa niya ang namamayani sa bundok subalit siya mismo ay bihirang makita ng mga tao. Paminsan-minsan, natatanaw siya ng mga mangangahoy (cazadores, hunters) sa dilim ng Viernes Santo (Good Friday), kapag namumundok sila upang humuli ng usa (ciervos, deer). Nakatayo raw si Mariang Makiling sa gilid ng mataas na bangin, walang katinag-tinag habang umaalon ang kanyang buhok sa ihip ng hangin. Kung minsan daw, nilalapitan daw sila, binabati nang tahimik bago lumalayo at naglalaho sa dilim ng gubat. Walang naglalakas-luob na kumausap, sumunod o magmanman man lamang sa kanya. Karaniwang lumalabas si Mariang Makiling pagkaraan ng bagyo (borrasca, storm) at lumiligid sa mga bukid, binubuhay muli ang mga nasirang halaman at itinatayo uli ang mga natumbang punong kahoy, at ibinabalik ang dating ayos ng lahat. Pati ang mga ilog ay bumabalik sa kanilang takdang landas at agos. At lahat ng sira mula sa bagyo ay naglalaho sa bawat madaanan niya. Mabuti ang kaluoban ni Mariang Makiling. Dati-rati, pinahihiram niya ang mga mahirap ng damit, at pati alahas, para sa mga kasal, binyagan at fiesta. Tanging kapalit na hinihingi niya ay isang puting-puting dumalaga, batang inahen na hindi pa nangingitlog. Paminsan-minsan, lumilitaw siya sa anyo ng isang karaniwang taga-bukid at tinutulungan ang mga matatandang babae sa pagpulot ng mga panggatong (leñas, firewood ). Pagkabigkis at pasan na ng matandang babae ang mga kahoy, isinisingit nang lihim ni Mariang Makiling sa bigkis ang pira-pirasong ginto, barya (monedas, coins), pati mga alahas ( joyas, jewels). Minsan, ayon sa cuento, isang mangangahoy ang nakakita ng baboy damo. Kumaripas ang hayop sa mga sukal at tinik ng gubat habang walang tigil na humabol ang lalaki, na nagka-galos-galos sa mga tinik. Biglang-bigla, narating nila ang isang maliit na kubo. Takbo at nagtago ang baboy damo sa luob. Natigilan ang lalaki, lalo na nang lumabas ang isang magandang dalaga. "Sa akin iyong baboy damo," sabi ni Mariang Makiling sa lalaki, "at hindi mo dapat hinabol. Subalit nakikita kong ikaw ay pagod na pagod, at sugatan. Pulos dugo ang iyong mga bisig at binti. Halika sa luob, magpahinga ka at kumain. Gagaling ka, tapos maaari ka nang umuwi." Napukaw ang lalaki sa alindog ni Mariang Makiling. Pumasok siya sa kubo at, walang imik, kinain lahat ng lugaw na hinain. Masarap at kaiba sa lahat ng natikman niya. Naramdaman niyang napawi ang kanyang hapo, gumaling ang kanyang mga sugat at bumalik ang kanyang lakas. Binigyan siya ni Mariang Makiling ng ilang piraso ng luya (jingibre, ginger). "Ibigay mo ito sa iyong asawa," sinabi niya sa lalaki na, utal pa rin, ay yumuko lamang bago umalis. Isinuksok ng lalaki ang mga luya sa luob ng kanyang salakot (sombrero de hoya, palm leaf hat). Habang pauwi, pabigat nang pabigat ang mga luya kaya dinukot niya ang ilang piraso at itinapon. Kinabukasan, nagulat silang mag-asawa nang nakitang kumikinang ang 'luya' na naging lantay na ginto (oro puro, pure gold) ang mga ito. Laking hinayang nila sa mga 'luya' na naitinapon pauwi. Hindi laging mabait si Mariang Makiling sa mga mangangahoy. Minsan, pinaparusahan niya ang mga ito. Isang hapon, 2 mangangahoy ang pauwi mula sa bundok, kasama ang kanilang mga aso at pasan-pasan ang nahuling usa at baboy damo. Nasalubong nila ang isang matandang babae na humingi ng limos. Hindi na binigyan, itinaboy pa nila ang matanda na nagbanta, "Isusumbong ko kayo sa may-ari niyang mga hayop!" Humalakhak ang 2 lalaki bago nagpatuloy pauwi. Nakababa na ang araw pagdating nila sa paanan ng bundok at, sa dilim, narinig nila ang sigaw mula sa malayo: "Nanduon sila!" Sinundan ito ng mas malayong sagot, "Duon sila! Duon!" Hindi naunawaan ng 2 mangangahoy subalit tumaas ang tenga ng kanilang mga aso, umungol at tumabi sa kanila. Pagkaraan ng ilang saglit, narinig uli nila ang mga sigaw, mas malapit, mula sa gilid ng bundok. Umingit-ngit sa takot ang mga aso, ibinaba ang mga buntot sa pagitan ng mga paa, at kumaripas ng takbo. Tumakbo na rin ang 2 mangangahoy, lalo na nang umalingawngaw uli ang mga sigaw, malapit na malapit na! Sindak sila sa bilis ng mga humahabol! Umabot ang 2 mangangahoy sa sapang Bakal at, sa takot, binitawan ang dalang usa at baboy damo at umakyat sa isang punong kahoy habang patuloy na tumakas ang mga aso. Sa isang kisap-mata, dumating ang mga humahabol - mga dambuhalang halimaw pala! Sinakmal ng mga ito at kinain ang usa at baboy damo. Ilang minuto lamang, naubos at tumakbo uli ang mga halimaw pabalik sa bundok. Isa sa mga mangangahoy, mas matapang, ay bumaril sa mga halimaw subalit mintis! Wala kahit isang nakatuklas sa mga magulang ni Mariang Makiling, o kung mayruon siyang mga kapatid o ibang kamag-anak. Ang mga nilalang na tulad niya ay maniwaring lumilitaw na lamang, tulad ng mga bato na tinatawag ng mga Tagalog na "mutya." Wala ring naka-alam ng tunay niyang pangalan, basta tinawag na lamang siya ng mga tao na "Maria" dahil karaniwang pangalan ito ng mga Pilipina, at "ng Makiling" dahil duon sa bundok na iyon siya laging nagpapakita. Hindi raw siya pumasok sa kabayanan ( pueblo, town) kahit minsan, o sumali sa anumang pagdiriwang sa simbahan. Hindi siya nagbago ng anyo. Ang 5 o 6 na anak-anakan ( generations) na nakakita sa kanya, laging sabi ay bata, maliksi at dalisay si Mariang Makiling. Subalit ngayon, marami nang taon na hindi siya nakikita, kahit anino ay hindi na aninaw sa Makiling, kahit na sa liwanag ng buwan. Ngayon, ang mga kasal at iba pang pagdiriwang ay hindi na nakikitaan ng mga alahas ni Maria, wala nang tumatanggap ng handog na yaman. Naglaho na si Mariang Makiling. Sabi ng iba, kasalanan daw ng mga tao sa kabayanan na ayaw magbayad ng puting dumalaga. Ni hindi raw ibinalik ang mga hiniram na alahas at mga damit. Subalit sumbong ng iba, nagalit daw si Mariang Makiling dahil tinatangkang agawin ng mga hacenderos ang lupain sa bundukin. Labels: Alamat, Alamat ni Maria, Buod ng Maria Makiling, Kuwento ng Maria Makiling, Maikling Kuwento,Makiling, Maria Makiling
Dapit-hapon na. Sa pagkahiga sa papag ay nakikita ni Mang Karyas ang anino ng malabay na akasyang sumasablay sa dingding na sasag ng silid. Dapithapon na nga. Naririnig na niya ang sunud-sunod na pagkukukiya ng asawa sa kanilang alagang mga manok.Kruuuuk. . . kiya. . . kruuk. . . tikatik. . . tik. . . tik. . .Makasandali pa ay narinig na ni Mang Karyas ang tila naghahabulang mga paa ng nagsisipanakbuhang mga sisiw, inahin, at katyaw. Nakinita -kinita niya ang asawa, si Aling Asyang, na nakaupo sa nakahigang lusong at may kandong na bilao ng mais.Mabubuudbod na si Aling Asyang. Naging ugali na nitong patukain ang mga manok bago iyon magsipag-hapunan sa kanilang masinop na silong.Hiyuu… hiyu. . .hiyuuuu. . .Mandi'y binubugaw ni Aling Asyang ang kapong baboy na gayong kapapakain pa lamang ay nanginginain pa ng mais na ibinubudbod sa mga manok.Maya-Maya'y narinig ni Mang Karya ang sunud-sunod na kahol ni Sagani. Alam ni Mang Karyas kung sino ang kinakahulan ng aso. Iyo'y ang kanyang matandang kalabaw, si Pugante, na umuwi buhat sa pakawalaan. Magkaaway na mahigpit ang kanyang kalabaw at aso.Inut-inot na bumangon si Mang Karyas sa pagkakahiga sa papag. Nais niyang makita si Pugante. Parang may isip ang kalabaw niyang iyon. Itataboy iyon ni Aling Asyang kung umaga, manginginain sa pastulan, at uuwi iyon kung ganoong magdadapithapon.Hindi na kailangang saklawan pa si Pugante. Nalalaman nito kung anong oras dapat umuwi.Kapag nakikita ni Mang Karyas ang kalabaw ay Hindi niya napipigilang kahabagan iyon. Matanda na si Pugante. Payat. Wala na ang dating laman sa dalawang hita. Kung wala lamang siyang sakit ay Hindi magkakaganoon ang kanyang kalabaw.Mabagal nang lumakad si Pugante. Kung nadadala niya marahil ito sa higit na madaramong pastulan ay Hindi mananalim ang dati nitong bilugang likod. Naihambing ni Mang Karyas ang sarili sa kalabaw. Kapwa na sila matanda. Subalit malaki ang kanilang pagkakaiba. Laya si Pugante samantalang siya'y namamalagi sa papag na iyon., nasasabik makabangon, makapanaog. . .Matagal nang Hindi nadadalaw ni Mang Karyas ang bukid. Malapit lamang sa kanila iyon. Kung durungaw siya'y matatanaw niya iyon. Kung gabi'y dinig niya ang ingay ng traktorang gumigiik ng ani ng kanyang mga kahangga. Lihim na naiinggit si Mang Karyas sa kanyang mga kahangga. Kung Hindi niya marahil napabayaan ang bukid ay kabilang siya sa maliligayang magsasakang nagbibilang ng mga kaban ng palay."Tssk. . . tssk. . .tssk. . . Aba't lalo pang binagalan . . . "Napahawak nang mahigpit si Mang Karyas sa palababahan ng bintana nang Makita niyang pabiglang hinatak ni Aling Asyang sa paghapon ang nagmamabagal na kalabaw. Nakaramdam siya ng pagkaawa sa matandang kalabaw. Nagpumiglas at tila naghimagsik ang nakabalatay na mga ugat sa kanyang mga bisig.Nang makaradam ng pangangawit si Mang Karyas ay itinukod niya ang bisig sa papag upang huwag mabigla ang kanyang paghiga. Ilang sandali lamang siyang naupo subalit sumasakit na ang kanyang likod. Nakagat ni Mang Karyas ang labi nang sumayad ang katawan sa papag."Darating na raw ang anak mo, Karyas. Dumaan kanina si Pablo at sinabi sa akin. Mamayang gabi raw," narinig niyang pagbabalita ng asawang nagluluto sa dapugan."Ngayon pang gabi ay humuli ka na ng dumalaga, Asyang," habilin ni Mang Karyas."Ipagpatay mo si Kiyel."Malalim ang bunting-hiningang hinugot ni Mang Karyas sa dibdib. Naisaloob niyang matutupad na rin ang kanyang pangarap na mahango sa bukid ang anak. Sumingit sa kanyang kamalayan ang nangyari nang minsang tangkain ng anak na tulungan siya sa pag-aararo."Kiyel, Anak." Natatandaan pa niyang sinabi sa anak, "mag-aral ka sanang mabuti. Sa kabila n gating kahirapan ay itataguyod ka naming ng iyong ina."Napadiin noon ang ugit ng ararong hawak ni Kiyel."Hindi ka sadyang laan dito sa bukid, Kiyel. Hindi ganyan ang pag-aararo. Patag ang kailangang paghawak sapagkat sa minsang magkamali ka ng diin aay mababali ang sudsod."1Natitigan siya noon ni Kiyel. Alam niyang sa titig na iyon ay kinahahabagan siya ng anak."Matanda na kayo, Tatang. Ipaubaya na ninyo saa akin ang paggawa rito sa bukid. Kailangan na ninyong mamahinga.""Hindi mo ako nauunawaan, Anak. Tingnan mo ako. Ilang taon na akong naging alipin ng araro? Tingnan mo ang aking kamay, kulay sunog. Isa akong magsasaka, Kiyel. Kaya lamang ako nasisiyahan sa paggawa sa bukid ay sapagkat dito ako nakalaan. Kailangang mag-aral ka, nang Hindi mo malasap ang hirap na aking dinaranas, nang maging higit na maganda ang iyong kinabukasan. Magsikap ka, Anak, at sa pamamagitan ng bukid na ito'y igagapang ka naming ng iyong ina.Kaligayahan naming Makita kang Malaya sa ugit ng isang araro."Hindi kumibo si Kiyel nang sabihin ni Mang Karyas iyon sa kanya. Nalalaman ni Mang Karyas na nahihirapan an anak sa pagtatakwil sa buhay-magsasakang kinagisnan. Subalit na kay Kiyel ang lahat ng katangiang mapupuhunan sa pagtatagumpay. Hindi siya nangangambang mabibigo si Kiyel.Nang minsang umuwi si Kiyel ay ganoon na lamang ang galak ni Mang Karyas nang isalaysay nito ang ginagawang pagsisikap sa pag-aaral. Nagmamalaki ang kanyang puso. Ngayo'y may karapatan na siyang magmalaki sa nayon: mayroon na siyang anak na nakapag-aral.Mamayang gabi ay darating si Kiyel.Maligayang-maligaya si Mang Karyas sa pagkakahiga sa papag. Sa wakas ay malalagot na rin niya ang tanikalang nag-uugnay sa kanilang mag-ama sa bukid. Malalagot na niya iyon- sa pamamagitan din ng bukid na sinasaka.Parang nag-iinit ang katawang napaupong muli si Mang Karyas sa papag. Isinaklay niya ang kamay sa palababahan ng bintana at tinanaw ang dakong pagbubuhatan ng anak. Naramdaman ni Mang Karyas ang malamyos na dapyo ng amihan sa kanyang pisngi. Naramdaman niyang parang nasabukay ang maputi na niyang buhok.Gumagala ang kanyang paningin sa bukid. Sa kumakalat na kadilima'y nababanaagan pa niya ang punong manggang naghuhumindig sa kalagitnaan ng kanyang bukid. Napangiti si Mang Karyas. Bukid din niya ang magpapalaya sa kanyang anak. Nagbangon sa kanyang alaala ang paggawa sa saka. Sa silong ng ulan at liwanag ng kidlat ay nahuhukot siya sa pag-aararo at pagsusuyod ng putikang linang. Sa panahon naman ng anihan ay tila natatayantang pati ang kanyang mga labi sa tindi ng sikat ng araw. Isang pagpapakasakit ang buhay ng isang magsasaka, isang walang katapusang pagpapakasakit."Ano ba, Karyas, Kumusta an gating palay?" Kung Hindi ko naalagaa'y baka inaksip." "Ano ba, Karyas, kailan ang paggaas?" "Kung Hindi gagapasin ng kabisilya ay papayukin naming mag-asawa!" "Ano ba, Karyas, kailan ang giik?" "Mamayang alas dose ng gabi, pag nagdaan ang traktorang galing sa ibayo."May panahong uhaw ang lupa. May panahong tigang na tigang. May panahong maraming bitak dahil sa pagsasalat sa bukid. May panahong mabulas ang palay, walang sakit, at nangangako ng mabuting ani.Naranasang lahat iyan ni Mang Karyas.Nangakakintal ang mga karanasang iyon sa lapad ng kanyang tila mga luyang mga paa, sa putik ng kanyang hinahalas na binti, at sa pangangapal ng dalawa niyang palad.Sa pagsisikap na mapaunlad ang ani sa ginagawang pagpapaaral sa anak ay lalong humigpit ang kaugnayan ni Mang Karyas sa sinasakang lupa. Naging bahagi sa buhay ni Mang Karyas ang bukid at sa dakong huli'y tuluyan naman siyang inangkin nito. Nang minsang dinaramuhan ni Mang Karyas ang mga puno ng palay ay inabot siya ng malakas na ulan. Doon nga nagsimula ang kanyang sakit.Nang lumalangitngit ang sahig na kawayan ay napalingon si Mang Karyas. Nakita niyang nagpapasok na ang asawa ng pagkain. Dagli niyang itinukod ang kanang kamay upang maalalayan nito ang kanyang paghiga.Subalit huli na. Nahuli siya ni Aling Asyang sa kanyang pagkakapanungaw."Sinabi ko naman sa iyong huwag ka munang mag-uupo, e," may paninising lumangkap sa tinig ni Aling Asyang."Ikaw nga ang dumadaing na masakit ang iyong likod.""Tinitingnan ko lamang, Asyang, ang ating bukid,: dahilan ni Mang Karyas at tiningnan ang asawang nakakunot-noo."Siya, siya kumain ka na, Karyas. . .," wika ni Aling Asyang at inilapag ang mangkok sa papag. Tinanganan ang kutsara at sinimulang subuan si Mang Karyas.2"Sipag nitong anak ni Ba Kayong, oo!" pagbibiro ni Mang Karyas sa asawang may salit-salit na ring puti ang buhok."Sulong. Kumain ka't darating ang anak mo!" Marahan pang dinunggol ni Aling Asyang ang baywang ni Mang Karyas.Nalarawan ang kasiyahan sa mukha ni Mang Karyas. Kay bait ng kanyang asawa! Hindi pa rin nagbabawa ang kanyang si Asyang. Ito pa rin ang dating masuyo, masipag, at mapagmahal na anak ni Ba Kayong."Ano ang pakiramdam mo?" mayamaya'y nausisa ni Aling Asyang."Parang namimigat ang aking katawan, Asyang.""Kasi'y bangon ka nang bangon. Hala, ubusin mo ito, o . . ."Walang imik na kumain si Mang Karyas. Wala siyang gana. Pinipilit lamang niya ang pagkain ng nilugaw at ng malambot na tapang inihaw."Inggit na inggit sa iyo si Kiko, oy," ani Aling Asyang kay Mang Karyas,"mabuti ka pa raw at nakapagpatapos.""Paggaling na paggaling ko'y lilibutin ko ang buong nayon at ipagsisigawan kong tapos na ang ating anak, Asyang!" nagmamalaking nawika ni Mang Karyas." "Paggaling ko ay lilibot kami ni Kiyel at tingnan mo kung Hindi nila ako hangaan!"Nasa gayon silang pag-uusap nang makarinig sila ng halinghing ng aso. Hindi hahalinghing si Sagani kung kilala nito ang pumapasok. Tatahol ito."Bakit si Kiyel na 'yan, Asyang !" nausal ni Mang Karyas at nagsikap na makaupo upang makadungaw sa bintana.Marahang diniinan siya ni Aling Asyang sa balikat.Pagkaraa'y dumungaw ito at inaninaw kung sino ang sinasalta ni Isagani."Tatang, Inang!" Narinig nilang dalawa ang tinig ni Kiyel, Nagmadaling sinalubong ni Aling Asyang ang anak. Noo'y wala na ang sakit na naramdaman ni Mang Karyas sa likod. Dumating na si Kiyel! May dumadaloy na panibagong lakas sa mga ugat ni Mang Karyas.Waring para siyang biglang sumigla."Naku, ang dami-dami mong dala, Kiyel!" Narinig niya ang tinig ng asawa." Ang Tatang, kumusta?" Noon pa ma'y nais na ni Mang Karyas na iwan ang papag na kinauupuan at salubungin ang anak. Sabik na sabik si Mang Karyas. Sa sinabi ni Kiyel na "Ang Tatang, kumusta?"ay nais niyang isagot na "Narito ako!"Nang makapanhik na si Kiyel ay tila tumaas pa ito sa paningin ni Mang Karyas.Mabulas ang katawan ni Kiyel.Matitipuno ang mga bisig, masiglang-masigla ang pusong-ama ni Mang Karyas."Tatang!" ani Kiyel at hinalikan ang kamay ni Mang Karyas.Makapal ang palad na nadama ni Mang Karyas nang tangnan ng anak ang kanyang kamay. Subalit Hindi niya pinansin iyon. Sa wakas ay narito na si Kiyel!"Magaling na ako!" Naisaloob ni Mang Karyas. :Lilibot tayo sa buong nayo! Ipakikita k okay Kiko ang aking anak na aking napagtapos! Lilibutin ni Kiyel ang buong nayon. Ipagmamalaki ko si Kiyel!""Maghubad ka muna, Anak," anang ina ni Kiyel at ibinigay sa anak ang tsinelas na malapad ang dahon. "Pagod na pagod ka marahil sa biyahe." Pagkawika niyo'y nagtungo sa labas si Aling Asyang upang maghanda ng hapunan."Paparito bukas ang mga kaibigan mo, Kiyel," pagbabalita ni Mang Karyas sa anak."Marahil ay babatiin ka."Piit ang ngiting nakita ni Mang Karyas na sumilay sa mga labi ng anak. Nakita niyang napatungo si Kiyel. At naramdaman na lamang niya ang pagpisil ni Kiyel sa kanyang palad."Ikinalulungkott ko, Tatang, na sinuway ko kayo," marahang sabi ni Kiyel sa ama.Nabaghan si Mang Karyas. Piit nitong sininag sa mukha ng anak kung ano ang ibig ipakahulugan nito sa sinabing iyon."Sinikap kong sundin, Tatang, ang iminungkahi ninyong kurso ngunit Hindi ko iyon naipagpatuloy."Sinalat ni Mang Karyas ang palad ni Kiyel.Parang binubuhawi ang kanyang kalooban."Makapal ang iyong palad, Kiyel.""Agrikultura ang kinuha ko, Tatang, sa Los Banos."3Nakuyom ni Mang Karyas ang dalawag palad. Gumapang sa kanyang katawan ang init. Nang pagdaupin niya ang mga palad ay naglitawan ang mga ugat sa kanyang mga bisig."Sinuway mo ako, Kiyel," mariin niyang sabi sa anak. Sinuway mo kami ng iyong ina. Sa kahirapan natin ay sinikap ka naming mapag-aral upang mailayo ka sa bukid. Ayaw kong maging magsasaka ka. Ang pagsasaka, Kiyel, ay panghabambuhay na pagpapakasakit. Ang bukid na dati kong sinasaka'y minana ko pa sa iyong mga ninunong nangamatay na mga magsasaka, Kami'y binhing natanim saa bukid. Sa pagnanais ko na lamang na Hindi ka rin makaugat sa bukid kaya pinapag-aral ka naming ng iyong ina. . . Binigo mo kami, Kiyel.""Kung kayo'y aking sinunod ay Hindi ko maituturing na ako'y inyong anak," pagpapaliwanag ni Kiyel sa ama.Nanlalim ang mga guhit sa noo ni Mang Karyas sa itinugong iyon ng anak."Ako'y anak ng isang magsasaka, Tatang. Anak ninyo.Nananalaytay sa aking mga ugat ang tubig na dumadaloy sa mga linang. Nakahasik sa aking puso ang mga binhing inyong isinasabog kung panahon ng punlaan. . ."Naramdaman ni Mang Karyas ang pagpisil ng anak sa kanyang kamay. Hindi niya namamalaya'y namalisbis sa kanyang kulubot na mga pisngi ang luha. Napabaling siya sa bintana upang ikubli iyon sa anak. Pinilakan ang liwanag ng sumisikat na buwan sa kanilang bukid.Mayaman ang liwanag subalit ang kanilang lupa'y pagas, tigang, mabitak.Mandi'y naghihintay ng ulan."Kayo'y matanda na, Tatang. Tulad ng ginawa ng aking mga nuno'y hinihiling ko sa inyong ipaubaya ninyo sa akin ang paggawa sa bukid. Ipagmamalaki ninyo ako, Tatang!"At nayakap ni Mang Karyas ang anak. Ang binhi ng kaligayaha'y muling sumibol sa kanyang puso. Mayabong ang kaligayahang iyon."Ang pagsasakang aking natutuha'y di tulad ng pagsasakang ating ginagawa sa kasalukuyan dito sa atin, Tatang. Iyo'y pagsasakang pag-uugatan ng pag-unlad. . ."Naghuhumindig sa bughaw na liwanaga ng buwan ang punong mangga nang tanawin ni Mang Karyas at Kiyel ang kanilang bukid.
Nagmamadali ang Maynila
Napansin kaagad ni Miss Sanchez ang kakatwang kilos at alingasngas ng kaniyang mga kanayon laban kina Kabo Lontoc na ibinunga ng bintang ni Aling Ambrosia na benggansa lamang ang dahilan ng pagdakip kay Lino. Upang maagap na maapula ang anumang maaaring mangyari ay iginala ng dalaga ang kaniyang paningin sa karamihan at mabanayad na nagsalita. "Mga kanayon!" ani ni Miss Sanchez. "Huwag sana nating malimot na sina Kabo Lontoc ay napag-uutusan lamang! Tumutupad lamang sila sa kanilang tungkulin! Batas at bayan ang kanilang panginoon, at tayo'y bahagi ng bayang pinaglilingkuran nila!" Sa ilang katagang iyon ng punung-guro, ang may maiinit na ulo sa kanilang paligid ay para namang nasubhang bigla ng malamig na tubig. Ang mga umirap sa kabo ay tumahimik na at ngumiti pa ang ilan. "Ito pa, Miss Sanchez," himig pasintabing wika ni Kabo Lontoc, "ang isa sa malulungkot na tungkulin namin! Nguni't kung hindi namin tutupdin ito ay bababa ang tingin sa amin ng bayan at baka wikain pang alangan kami sa aming uniporme!" Tumangu-tango si Miss Sanchez, nguni't hindi nagsalita. "Ipinakikiusap ko sana sa kanila, Miss Sanchez," pakli naman ni Villas na tinukoy sina Kabo Lontoc, "na, yayamang hindi pa naman gaanong tiwasay ang panahon, at yayamang marami pa rin naman ang nakikita nating nagkalt doon at dito na nakagawa ng lalong malulubhang paglabag sa batas nguni'y ni di pa man lamang yata kamalak-malak na isakdal at hulihin kung kaya nakapanunungkulan pa ang iba at ang iba nama'y patuloy na nakapamamayagpag sa gitna ng bayan, ay maano sanang ipagwalambahala na muna nila ang pagdakip na ito kay Lino at maging parang balato na nila sa atin ang kanilang pagpapaumanhin, na anupa't palabasin na lamang na hindi nila natagpuan si Lino dito saan man. Nasabi ko pa nga na kung kailangan lamang na palayuin na muna rito ang mag-amang Lino at hindi maluwag na magawa natin iyon, huwag na lamang sanang dakpin ngayon dito ang ama, alang-alang sa kabutu-butong anak na musmos pa't walang sinomang maaaring sulingan kahit na isang malayo nang kamag-anak!" Malungkot na yumuko si Miss Sanchez at nagpatuloy sa di rin pagkibo. "E… ano ang sagot sa inyo, Mr. Villas?" tanong ni Miss Lavadia. "Tama rin naman ang isinagot nila sa 'kin," ang patuloy na salaysay ni Villas na naging tugon na rin sa tanong ni Miss Lavadia. "Kung magkakagayon daw ay kailan pa kaya masisimulan ang pagpapatupad sa mga batas sa kapakanan ng kapayapaan at kaayusan?" "Saka," sudlong ni Kabo Lontoc, " kung hindi man kami ay marami pa rin namang ibang mauutusang dumakip sa dinarakip namin at baka, kung inaalat, maging dalus-dalos pa sa pakikitungo sa inyo at sa dinarakip!" Luminga-linga ang kabo at tumanaw sa mga kasamang kawal, saka hinarap si Villas. "Gagabihin kami, Mr. Villas!" "Sandali lamang, Kabo Lontoc," Hadlang ni Miss Sanchez. "Maaari bang bigyan ninyo kami ng kaunting panahong makausap muna namin si Mang Lino?" "Aba, opo, Miss Sanchez," payag kaagad ng kabo. "Kausapin na ninyo. Hindi kami maiinip." "Salamat," tanging nasabi ni Miss Sanchez na tumalikod na upang lumapit sa mag-amang Lino. Saglit munang tinaya ni Miss Sanchez ang anyo ng pag-uusap ng mag-ama. Ibig sana niyang igalang ang mga huling maseselang sandaling yaon ng kanilang pag-uusap. Nguni't maikli na ang panahon. Kaya nga, napilitan nang lumapit ang dalaga na naging maingat naman at marahan. Sinundan siya ni Miss Lavadia at ni Aling Ambrosia. Buung-buo manding nakapako naman yata ang isip ni Lino sa mga bagay na sinasabi at itinatagubilin sa anak kung kaya nakalapit at sukat sina Miss Sanchez sa may likuran ng takayad nang di niya napansin, gayong manipis at butas-butas na ang dingding ng takayad. Patuloy si Lino sa banayad na pagsasalita at sa tinig na malinaw, marahan, at walang pangamba. "Muli't muling sinasabi ko sa iyo, Ernesto, na tibayan mo sana ang loob mo," anang tinig ni Lino na halos nanuot sa kaluluwa ni Miss Sanchez at ng dalawang kasama. "Mag-aral kang magpakalalaki, kahiman bata ka pa. Itanim mo sa puso mo na wala akong sala, pagka't iyan ang totoo. Umasa kang magbabalik ako, pagka't may katarungan pa naman sa puso ng tao, marahil. At kung wala man, umasa ka ring magbabalik ako Ernesto. Hahanapin kita saanman, anoman ang mangyari, gaya rin ng ginawa kong paghahanap sa iyo noong sanggol ka pa. Hindi pa nasira ang anomang sinabi ko sa iyo, Ernesto, hindi ba? Tumigil sandali si Lino sa pagsasalita. Si Miss Sanchez, gaya rin nina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, ay patuloy sa matahimik na pagkakayuko habang nakikinig. Isa man sa kanila ay walang nangahas na sumilip man lamang sa anyo ng mukha ni Ernesto. "Wala akong mapaghahabilinan sa iyo kundi kay Aling Ambrosia," patuloy ni Lino sa tinig na nabasag nang bahagya. "Magpapabait ka. Mag-aral kang makisama sa kanila, at sa lahat ng tao. Maging magalang ka at matapat na lagi. Huwag kang hihiwalay sa nalalaman mong mabuti, kahit ka mamatay. Naniniwala akong may langit at impiyerno sa kabilang buhay. Nguni't gumawa ka ng mabuti, hindi sapagka't may langit kundi sapagka't mabuti ang mabuti. Huwag kang gagawa ng masama, hindi sapagka't may impiyerno, kundi sapagka'y masama ang masama. Iyan lamang ang nakikilala kong landas para sa mga taong may dangal at may kahihiyan!" Pamuling tumigil si Lino sa pagsasalita. Mabilis na tumatakas ang oras at ibig niyang makimis ang lahat ng dapat ang sabihin. Mapapansing dinampi-dampian ni Miss Sanchez ng panyo ang kaniyang mga mata. Nagpatuloy si Lino sa pagsasalita. "Huwag kang mawawalan ng pananalig sa Diyos, Ernesto! Iyan lamang, sa mga bagay na dati kong pinaniniwalaan, ang tanging di ko ibig na mawala pa sa akin. Sa Kaniya mo hihingin ang lahat ng iyong ibig. Sa Kaniya mo idadaing ang mga sakit ng loob mo. Sa Kaniya ka hihingi ng lunas kung ikaw ay may karamdaman. Sa Kaniya ka tatawag kapag nawawalan ka ng pag-asa. Sa Kaniya ka dudulog kung nakararamdam ng pangungulila ang puso mo sa isang magulang o sa isang kamag-anak o sa isang kaibigan!" Muli pa na namang huminto si Lino sa pagsasalita. Suminghot si Miss Sanchez at tila panabay na humikbi sina Miss Lavadia at Aling Ambrosia, ngunit hindi pa rin sila napansin ng mag-ama. "Gaano kaya katibay ang puso mo, Ernesto?" ang tanong ni Lino at masusing minasdan ang mukha ng anak. "Kung hulihin na ako ilakad, maipangangako mo sa akin, Ernesto na di ka iiyak? Maipangangako mo ba 'yan sa akin, anak ko?" Noon pa lamang napilitan nang silipin at masdan ni Miss Sanchez ang mukha ni Ernesto. Nakita niyang kumurap-kurap ang bata sa pagkatingalang nakatitig sa mukha ng ama; makalawang Iumunok; kumurap-kurap na muling tila nahihilam; kuminig-kinig ang mga labi, at humikbi-hikbi sa pagpipigil manding huwag siyang mapasigaw. Nguni't namalisbis lamang ang luha sa kaniyang mga pisngi at di nakapangako. "Ernesto!" ang malungkot na tawag ni Lino. "Mapait man sa loob ko'y tikis na sinanay kita sa hirap para magkaroon ka ng matibay na puso at matatag na loob. Bakit ka lumuluha? Sa pagkakasala lamang, sa pagkabulid lamang ng masama, nararapat malaglag ang luha ng isang tunay na lalaki. Hindi sa gaano man kalaking kasawian at mga kaapihan!" Mabilis na pinahid ni Ernesto ng kaliwa niyang bisig ang luha sa kaniyang mga mata, at muling panatag na iniharap ang mukha sa nahahambal na ama. Si Aling Ambrosia ay napilitang tumalikod. Tumagilid lamang si Miss Lavadia na tila di na makagalaw. Isinubsob naman ni Miss Sanchez ang kaniyang mukha sa dalawang palad at tikis na hindi kumilos. Kailangang igalang ang maseselang mga sandali yaon sa mag-ama. "May isang tanging alaala na iiwan ko sa iyo, Ernesto," aniyang muli ni Lino sa tinig ng isang tahasan nang pamamaalam. "Ito'y alaalang bigay sa akin ng iyong ina! Sa pakikilaban sa Bataan; sa pagkapiit sa Kapas; sa pamumundok namin bilang mga gerilya; sa malaong pakikipagsapalaran natin sa Maynila hanggang sa mga sandaling ito, ang alaalang ito'y hindi nawalay sa katawan ko saglit man!" Dinukot ni Lino sa kaniyang lukbutan ang isang kalupi at inilabas mula sa isang tanging pitak nito ang isang munti at manipis na krusipihong aluminyo na may nakapakong larawan ng Kristo. "Ingatan mo ito at pakamahalin alang-alang sa nakalarawa, sa iyong ina, at sa akin!" Hinagkan muna ni Lino ang krusipiho bago hinawakan ang kamay ng anak at inilagay iyon sa lahad na palad. "Maraming pagkakataong iniligtas ako nito sa panganib. Gayon ang naging paniniwala ko, Ernesto. Di mamakailang sa gitna ng malulupit na pangangailangan natin sa Maynila ay dinalanginan ko iyan at ako'y dininig. Naging mabisang tulay iyan ng mga dalangin ko sa Diyos!" Binitiwan na ni Lino ang kamay ng anak. "Itay!" tawag ni Ernesto sa kumikinig na tinig at di itinikom ang palad na kinasasalalayan ng krusipiho. "Ayokong kunin ito sa iyo! Ibig kong makaligtas ka, Itay! Ayoko, ayoko, Itay!" "Ernesto!" ang tawag ng ama sa di-natitigati na tinig. "Ikaw ang laong mangangailangan niyan! Higit na mahaba ang panahong tatahakin mo pa sa buhay, anak ko! Alanganin nang lubha ang haba at kulay ng mga araw sa aking harapan!" Pag buhay ka lamang, Itay, hindi ako maaano, hindi ako matatakot! Oo, Itay! Maski hindi na ako kumain, Itay!" "Ernesto!" ang mairog na tawag ng ama. "Hindi mo pa nauunawaan ang hiwaga ng buhay! Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo. Ingatan mo at pakamahalin ang alaalang iyan ng iyong ina!" "Itaaay!" tutol pa rin ni Ernesto. "Ipinakikiusap ko sa iyo, anak ko!" Hindi na nakatutol si ernesto. Dahan-dahang iniunat ang naginginig na mga daliri; inilahad ang palad at pinakatitigan ang krusipiho na sa mga mata'y nunukal ang luha; at, sa simbuyo mandin ng di mapaglabanang hinagpis, isinubsob ng bata ang kaniyang mukha sa krusiho at pasigaw na aniya: "Diyos ko po! Si Itay ko po!" Tahasan nang umiyak si Miss Lavadia. Humagulgol si Aling ambrosia. Si Miss Sanchez ay pasugod na lumapit kay Ernesto at niyakap ito, saka basa ng luha ang mga matang humarap kay Lino. "Miss Sanchez!" ang magalang na bati ni Lino bago nakapagsalita ang dalaga. "Tila kayo anghel na nakikita namin kapag may dalita!" "Mang Lino!" tawag ni Miss Sanchez sa tinig na tigib ng panggigipuspos. "Mang Lino!" ang pamuling tawag. "Hindi ko kailangang malaman kung bakit kayo hinuhuli! Nguni'' ibig kong ipakiusap sa inyo, kung may tiwala kayo sa akin, na sa akin na sana maihahabilin si ernesto!" "A! Nasa gipit na katayuan kami, Miss Sanchez," ang marahang tugon ni Lino. "Isang kapalaluang tanggihan ko ang isang matapat na pagkakawanggawa! Opo, Miss Sanchez! Inihahabilin ko siya sa inyo. Maging sa anomang kalagayan siya maturing ay tatanawain kong utang-na-loob sa buong buhay ko!" "Aariin ko siyang akin, Mang Lino! Pagpapalain ko! Papag-aaralin ko! Magiging kapatid siya ni Erni, na isa ring ulila. Sisikapin kong matanim sa puso at isip niya ang mga aral na aking narinig. Buung-buo na makukuha ninyo siya sa akin sa anomang sandali na maibigan ninyo!" "Salamat, Miss sanchez! Hindi ko kayo malilimot kailanman. Magiging panata ko, mula ngayon, ang pagsisikap na makaganting-loob sa inyo. Nguni't iiwan ko sa inyo ang isang kataga, na isinasamo kong paniwalaan sana ninyo!" "Opo! Sabihin ninyo, Mang Lino!" "Wala nang panahong maisalaysay ko pa ang mga tunay na nangyari," ani ni Lino. "Balang araw ay malalaman din ninyo kaypala ang lahat ay lahat. Ngayo'y wala akong tanging sasabihin sa inyo, Miss Sanchez, kundi 'Wala akong Sala'!" "Naniniwala ako sa inyo, Mang Lino," ang madaling tugon ni Miss Sanchez at bigay na bigay na tumitig sa kausap. "Anoman ang mangyari; anoman ang kahantungan; at, anoman ang sabihin ng mga tao, ay naniniwala ako ngayon pa, at maniniwala ako kailanman, na wala nga kayong sala, Mang Lino, pagka't gayon ang sinabi ninyo sa akin! Hindi iyan lamang. Idadalangin namin ang iyong kaligtasan. Pumanatag kayo, at huwag ninyong alalahanin si Ernesto." "Miss Sanchez! Hindi ko malirip kung paanong naging marapat ang kaliitan namin sa inyong pagtingin. Gayonma'y paniwalaan ninyong buhay ko man ibibigay nang dahil sa inyo!" Bago nakapagsalita ng anoman si Miss Sanchez, si Lino ay mabilis na yumukod at humalik sa dahon ng pamaypay na anahaw na nakabitin sa kamay ng dalaga. Napayuko si Miss Sanchez at nagbuntunghininga. "Ernesto!" ang malungkot na tawag ni Lino sa kaniyang anak. "Maiiwan kita kay Miss Sanchez. Magpapakabait ka at maging masunurin. Babalik ako sa iyo, anak ko!" Pasugod na yumakap si Ernesto sa kaniyang ama na tilla di makapangusap. Niyakap siya nang buong higpit ni Lino at hinagkan nang hinagkan. Sa-lalapit na noon si Kabo Lontoc at si Estanislao Villas. Kasunod nila ang isang maalikabok na jeep na pinalalakad ng isa sa tatlong kawal na lulan. Sa hudyat ng kabo, isa sa mga kawal ang bumaba at naglabas ng esposas. "Utang-na-loob, Kabo Lontoc," ani Miss Sanchez at lumapit sa kabo, "huwag ninyo silang kabitan ng esposas. Sinasagutan ko sa inyo na hindi sila tatakas!" "Kasama akong mananagot, Kabo!" susog naman ni Villas. "Kami man, sagut din!" ang halos sabay-sabay na pakli naman ng marami. "Kung may balak man lamang na magtago 'yan, hindi rito sa Pinyahan titira 'yan nang lantaran!" ang palabi at patalilis na wika ng isang matandang babaing may pandudurang nagluwa sa sapa. "Pwe!" "Marangal na tao 'yan, kahit na ganyan lang sa tingin! Sabad ng isang matandang lalaki na umingus-ingos. "Bakit ba di magtago, kundangan, gayon pala't dapat sagutin?" sumbat ng isa pang matandang lalaki. Di kaya nakikitang 'yun lang hindi nagtatago ang siyang dinadakip?" "E, kung gayon," ani ni Kabo Lontoc, matapos mag-isip sandali. ""Private Gorospe!" baling sa may hawak na galang. "Ibulsa mo na lang 'yang bastus na posas na 'yan! Hindi kailangan 'yan," aniya pa at binalingan si Lino."Paano, kaibigan?" "Sasama ako sa inyo," ani ni Lino na malungkot nguni't payapang humarap sa marami. "Kung minsa'y kailangan din pala ang isang kasawian para maunawa ng tao na may halaga pa siya sa kaniyang kapwa! Salamat sa inyong lahat! Sa mga utang-na-loob namin sa inyo," aniya pa at malungkot na tumingin kay Ernesto, " ay iiwan kong sangla sa inyo ang aking anak!" Pinagkabilaang akbayan ni Miss Sanchez at Miss Lavadia si Ernesto. Walang kaimik-imik na nakatitig ang bata sa mukha ng kaniyang ama. Sa malakas na pag-alon ng dibdib ng bata, sa mahigpit na pagkakatikom ng kaniyang mga labi at sa mga matang itinititig na pilit bagaman labis na nahihilam ay dagling masisinag ang malaking nais na makapag-anyong matibay sa paningin ng kaniyang ama sa kabila ng matinding simbuyo ng hapis. Malayo na ang sasakyang nilulunan ni Lino ay nasa gayong anyo pa rin si Ernsto. Walang kurap na nakatitig sa malayo. Tila walang nakikitang anoman sa natatanaw. Parang walang nararamdaman, ni naririnig, sa kaniyang paligid. Waring nasaid ang luha sa tindi ng dusang kumuyom sa dibdib. "Ernesto!" ang nahahambal na tawag ni Miss Sanchez sa pagkakatitig sa mukha ng bata. "Bayaan mong malaglag ang mga luha mo! Sulong umiyak ka! Makagiginhawa 'yan sa dibdib mo!" "Siyanga, Ernesto!" tigib-lunos na udyok ni Miss Lavadia. Tiningala ni Ernesto si Miss Sanchez at si Miss Lavadia. Nakita ng dalawa na may namuong luha sa mga mata ng bata, na biglang yumuko at humikbi-hikbing halos mapugtuan ng hininga. "Ernesto!" ang masuyong tawag ni Miss Sanchez sa umiiyak na tinig. "Tibayan mo ang loob mo! Talagang ganyan ang buhay! Maraming pagsubok! Maraming pagtitiis! Nguni't umasa kang hindi ka pababayaan! Ituturing kitang tunay na akin, Ernesto!" "Ang Itay ko," ang pahikbing wika ni Ernesto sa tinig na tigib ng masaklap na hinanakit, "panay siyang hirap… panay siyang pagtitiis!" "Umasa kang liligaya rin siya, Ernesto!" ang mahambal na alo ni Miss Ernesto. "Gaya rin ng araw: may dilim at may liwanag ang buhay! … Tena na Ernesto!" yaya na ng dalaga at masuyong inakbayang muli ang bata. "Aling Ambrosia!" baling na tawag sa labandera. "Lalakad na kami. Kung may anoman sina Ernesto na dapat dalhin sa amin ay kayo na sana ang bahala!" "Opo, Miss Sanchez!" anang labandera. Ako na ang bahala! Isama na ninyo siya!" Isang tinging balot ng magkakalangkap na lungkot, habag at paghanga ng naiwang kanayon ang pumatnubay sa paglakad nina Miss Sanchez, Miss Lavadia, at Ernesto. "Kaawa-awang bata!" ang sagut-sagutang wika ng marami. "Magandang lalaki, at mabait!" anang ilan. "Talagang pambihirang babae 'yang si Miss Sanchez," anang isang matandang lalaki naman. "Mabuti na lamang at sa kaniya nahabilin ang bata!" "Ba! Mang Islaw!" tawag ng isang babae na nakapansing naroon pa si Estanislao Villas. "Paano ba? Hindi ba kikilos ang ating kapisanan?" "Iyan din nga ang iniisip ko," ang tugon ni Villas."