answersLogoWhite

0

Bago nagsimula ang panahon, ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan.

Naging malungkutin ang Diyos sapagkat wala Siyang makita at marinig.

Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay napapalamutian ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.

Iniangat ng Diyos ang Kanyang kamay at ito’y itinurong pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga lunting kakahuyan ay sumibol, pati mga damo. Namukadkad at humahalimuyak ang mga bulaklak.

Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang mga ibon sa himpapawid at nag-awitan.

Nayari ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang paraiso.

Isang araw ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang papawirin. Pagkatapos ikinampay ang matipunong mga pakpak at paimbulog na pababa sa kakahuyan.

Mula sa malayo kanyang natanaw ang mataas na kawayang yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin.

Kanyang binilisan ang paglipad pababa. Siya’y dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.

Tok! Tok! Tok!

Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan. May tinig siyang narinig!

“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako makahinga. Para itong karsel!”

“Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Kinamaya-maya’y may butiking gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibon palibhasa’y gutom, ito’y tinuka ngunit hindi nahuli.

Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.

Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.

“Salamat sa iyo,dakilang hari ng mga ibon! Ako’y si Malakas. Tuktukin mong muli ang kawayan. Iyong palabasin ang aking kasama!”

Tinuktok ng hari ng mga ibon ang isa pang kawayan.

Isang mahinhin at magandang babae ang lumabas. “Ito’y si Maganda, ang aking asawa. Pinalaya mo kami, dakilang ibon. Ikaw ay magiging kasama namin habang buhay!”

“Hindi maaari. Maraming salamat,” sagot ng ibon. “Akoay ibon at ang tahanan ko ay malawak na papawirin. Ako’y naglalayag sa hangin. Ang aking bagwis ay sinadya sa paglipad. Subalit umasa kayong lagi ko kayong aawitan. Pag ako’y wala na, ang maliliit kong supling ang aawit sa inyo. Aawitin din nila ang mga awit na inawit ko!”

“Hali kayo! Sumakay kayo sa aking bagwis. Kayo’y dadalhin ko at ipakikita sa inyo ang Lupang Hinirang. Doon kayo maninirahan!”

Sina Malakas at Maganda ay dinala sa mga pulong luntian at kumikinang sa sikat ng araw. Ang mga ito’y tulad ng tinuhog na kuwintas na isang mahalagang hiyas!

Dito sa mga pulong ito, Perlas ng Dagat Silangan, nagsimulang namuhay ang mag-asawang Malakas at Maganda-ama’t inang pinagmulan ng lahing kayumanggi.

User Avatar

Anonymous

4y ago

What else can I help you with?

Related Questions

What is the characters of the story malakas and maganda?

the characters in the story of malakas and maganda are bathala(god),malakas,maganda and the bird..................


What is the climax of the story malakas at maganda?

In the story "Malakas at Maganda," the climax occurs when Malakas and Maganda hatch from the split bamboo after being created by Bathala. This moment marks the beginning of humanity and sets the stage for their role as the ancestors of all people.


What is the falling action of the story Si Malakas at si maganda?

In the story "Si Malakas at si Maganda," the falling action occurs when Malakas and Maganda have successfully planted the bamboo tree given by Bathala. The tree grows rapidly, and from it emerge different gifts and tools that will help humanity thrive. This marks the resolution of the conflict and sets the stage for the creation of the world as we know it.


What is the characters of the malakas and maganda?

the characters in the story of malakas and maganda are bathala(god),malakas,maganda and the bird..................


Where did the si Malakas at si Maganda story happen?

The story of Si Malakas at Si Maganda is a Filipino creation myth that originated in the Philippines. It is a popular folktale among Filipino tribes and communities, passed down through generations as a way to explain the origins of humanity.


What is the moral story of malakas at si maganda?

The moral story of "Malakas at si Maganda" is about the importance of balance and cooperation. Malakas represents strength and Maganda represents beauty. When they were separated, chaos ensued. But when they came together, balance was restored, emphasizing the idea that both strength and beauty are necessary for harmony and success.


What is the climax of malakas and maganda?

The climax of the Malakas and Maganda story is when they are finally released from the bamboo together and emerge into the world as the first man and woman. This marks the beginning of humanity in Philippine mythology.


What is the setting or when the malakas at maganda story?

The story of Malakas at Maganda is a creation myth from the Philippines that explains the origin of humanity. It is set in a time before the world had form or life, emerging from darkness and chaos. The myth describes how the first man and woman, Malakas and Maganda, emerged from a split bamboo and went on to populate the Earth.


What is the plot of Malakas at maganda?

"Malakas at Maganda" is a Filipino myth about the creation of the world. It tells the story of how two giants, Malakas (strong) and Maganda (beautiful), emerged from a bamboo tree and populated the earth with humans. The myth explores themes of creation, harmony, and the origins of humanity.


What are the settings of malakas and maganda?

The myth of Malakas and Maganda is set in the sky world called Kaluwalhatian, where the first man (Malakas) and woman (Maganda) were said to have emerged from a bamboo stalk. The creation story originates from Filipino folklore and reflects the indigenous beliefs of the ancient Tagalogs regarding the origins of humanity.


What is the lesson that you can get in the Si Malakas at si Maganda?

moral lesson in the story of malakas and maganda?


What is the lesson of malakas at maganda story?

The lesson of the Malakas at Maganda story is about how harmony and balance can result in a prosperous and peaceful life. It teaches the importance of respect, cooperation, and understanding between people and nature to maintain a sustainable and thriving environment.