it is a fake coin and has no value
indya is more cances than you than you.
indya is more cances than you than you.
There are 26 main recognised languages in India, but most educated Indians speak English, so 'Good Morning' will usually work.. =)
na kadalasang pinapaikli na SEA.na binubuo ng mga bansang nasa katimugang Tsina, silangan ng Indya at hilaga ng Australya.Meron itong ->>>>>>>>>>>>>>>>>>Sukat4,523,000 km²
Si Mohandas Gandhi o Mahatma Gandhi ay ang pinuno ng mga taga-India sa laban nila sa mga mananakop na Ingles (Briton). Nakilala siya dahil sa kanyang paglaban sa mga ito na hindi gumamit ng dahas. Namatay siya noong ika-tatlumpu ng Enero 1948.
No,The Game a.k.a Jayceon Taylor is not gay.He had dated 16 women,who are Briona Mae,Indya Marie,India Westbrookes,Blac Chyna,Khloe Kardashian,Leaux Lolo Steez,Zena Foster,Gloria Govan,Faith Barbee Jackson,Valeisha Butterfield,Tiffany Webb,Tila Tequila,Keisha Cole and Kim Kardashian.
== == ummm from the websites that iv been going through.. i saw that he has been having second thoughts.. most of these websites say that he has a crush on the youngest American Idol winner Jordin Sparks. just watch the making of the clip 'no air' on youtube and you will then see connections done by both chris brown and jordin sparks.
My name is indya so i don't know why you all are tripping bout the meaning! i mean what is the meaning of the name Kayla or Dylan? noone cares its just a name no matter what it means ok so go and name your child that becease to me it means beautiful, stroung, independent, and loyal to me, that's what, it matters what the person is not by there name but by who you are and how you act! AMEN!
Si Fernando de Magallanes ay may limang barko na bahagi ng kanyang ekspedisyon noong 1519: ang Trinidad, San Antonio, Concepción, Victoria, at Santiago. Ang Trinidad ang kanyang flagship, habang ang Victoria ang tanging barko na nakabalik sa Espanya matapos ang paglalakbay noong 1522. Ang mga barkong ito ay naglayag upang tuklasin ang bagong ruta patungo sa Silangang Indya, at sa kabila ng mga pagsubok at panganib, nagbigay sila ng mahalagang impormasyon tungkol sa mundo.
Si Gautama Buddha (Sanskrit:गौतम बुद्ध) ay isang prinsipeng ipinanganak sa Lumbini, mula sa angkan ng mga Shakya, sa isang lugar na matatagpuan sa makabagong Nepal malapit sa hangganan ng hilagang Indya. Nanirahan siya ng halos buong buhay niya sa Hilagang Indya at aktibong nagtuturo mula noong mga 563 BCE hanggang sa tinatayaang 483 BCE. Ipinanganak bilang Siddhartha Gautama, ipinahayag niyang siya ay naging isang Buddha(Sanskrit: "Ang Naliwanagan" o "Ang Gising") pagkatapos magmuni-muni sa paghahanap para isang espirituwal na kahulugan. Pangkalahatang tinuturing siya ng mga Budista bilang ang Kataas-taasang Buddha ng ating panahon. Kilala din siya bilang Shakyamuni o Śakyamuni ("pantas ng mga Shakya") at bilang ang Tathagata ("Siyang gayun ngang humayo"). Isang mahalagang tao si Gautama sa Budismo at naging buod ang mga tala ng kanyang mga buhay, mga rasyonalidad, at monastikong mga panununtunan pagkatapos ng kanyang kamatayan at nasaulo ng mga sangha(komunidad). Naisalin ang mga katuruan sa pamamagitan ng tradisyong oral, naitala ito sa Tripitaka matapos ang apat na daang taon. Tinuturing ng mga Hindu si Gautama bilang isang avatar ni Panginoong Vishnu.
PananampalatayaHinduismoPangunahing lathalain: Hinduismo sa IndyaAng pananampalatayang Hinduismo ay isinilang sa Indya. Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang "Kaluluwa ng Daigdig". Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.Ang lokasyon ng Indya sa isang globo.Ang Sistemang caste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma(pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas(maharlika at mandirigma), (3)Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4)Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na "untouchables". Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang "untouchable" ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan din sa Indya. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.BuddhismoPangunahing lathalain: BudhismoNang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Budhismo ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Hindi sang-ayon sa kaniya ang paniniwala ng mga Hindu sa caste o karmana hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikuran niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste.Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2)ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" (Eightfold Path sa Ingles) na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.~Jasper~
Si Agnes Gonxha Bojaxhiu, ay tinaguriang Mother Teresa na ipinanganak noong Agosto 26, 1910, sa Skopje, Macedonia na lahing Albanian. Ang kanyang ama, isang iginagalang na lokal na negosyante ay namatay noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Nabalo ang kanyang ina, isang relihiyosong babae na nagtaguyod ng kanilang negosyo upang suportahan ang pamilya. Ginugol ni Agnes ang kanyang kabataan sa mga gawaing may kinalaman sa simbahan at pagkatapos noon, iniwan niya ang kanilang tahanan upang pumasok sa Loreto Convent sa Rathfarnam (Dublin), Ireland noong Set 1928 kung saan siya ay natanggao bilang isang postulant noong ika-12 ng Oktubre at tinaguriang Teresa, bilang deboto ni Santa Theresa ng Lisieux. Sa pamamagitan ng order ng Loreto, si Agnes ay ipinadala sa Indya at dumating sa Calcutta sa ika-6 Enero, 1929. Sa kanyang pagdating, siya ay sumali sa Loreto novitiate sa Darjeeling. Ginawa niyang huling propesyon ang pagiging madre ng Loreto noong ika-24 May 1937, at pagkaraan nito ay tinatawag na Mother Teresa. Habang nakatira sa Calcutta noong panahon ng 1930s at '40s, siya nagturo sa St Mary's Bengali Medium School. Noong ika-10 Setyembre, 1946, sa isang tren mula sa Calcutta papuntang Darjeeling, natanggap ni Mother Teresa ang tinagurian niyang "tawag sa loob ng isang tawag," upang buuin at palawakin ang pamilya ng Missionaries of Charity ng Sisters, Brothers, mga ama, at Co-Workers na may layuning "pawiin ang walang katapusang uhaw ni Jesus sa krus para sa pag-ibig at mga kaluluwa" sa pamamagitan ng "pagsasakripisyo para sa kaligtasan, pagpapakabanal at sa mga pinakamahihirap na ng mahihirap." Noong ika-7 ng Oktubre, 1950, ang mga bagong kapulungan ng mga Misyonero ng Charity ay opisyal na naitatag bilang isang relihiyosong instituto para sa arkdyosis ng Calcutta. Buong 1950s at unang bahagi ng 1960s, pinalawak ni Mother Teresa ang gawain ng mga misyonero ng Charity sa loob ng Calcutta at sa buong Indya. Noong ika-1 ng Pebrero, 1965, ipinagkaloob ni Papa Pablo VI ang Decree ng Papuri ng Kongregasyon, at itinaas ito sa pang-obispong karapatan. Ang unang pundasyon sa labas Indya binuksan sa Cocorote, Venezuela, noong 1965. Lumaganap ang Samahan sa Europa ( Roma) at Africa (Tabora, Tanzania) noong1968. Sa bandang huli ng 1960s hanggang 1980, pinalawak ng mga misyonero ng Charity upang maabot ang buong mundo at sa kanilang mga bilang na miyembro. Nagbukas si Mother Teresa ng mga bahay sa Australia, Middle East, at Hilagang Amerika, at sa London. Noong 1979, iginawad kay Mother Teresa ang Nobel Peace Prize. Sa magkatulad na taon, may mga 158 misyonero ng Charity foundations. Nakaabot ang samahan sa mga bansang Komunista noong 1979 sa isang bahay sa Zagreb, Craotia, at noong 1980 sa isang bahay sa East Berlin, at patuloy na nagpalaganap noong 1980s at 1990s na may mga bahay sa halos lahat ng Komunistang bansa, kabilang ang 15 sa mga pundasyon ng mga dating Unyong Sobyet. Sa kabila ng paulit-ulit na pagsisikap, gayunpaman, Hindi nabuksan ang isang pundasyon sa Tsina. Nagsalita si Mother Teresa sa ikaapatnapung anibersaryo ng United Nations General Assembly noong Oktubre, 1985. Sa gabi ng Pasko ng taong iyon, binuksan ni Mother Teresa ang "Gift of Love" sa New York, ang kanyang unang bahay para sa mga biktima ng AIDS. Sa mga darating na taon, sa bahay na ito ay daragdagaan pa sa Estados Unidos at sa ibang dako, para sa mga may AIDS. Mula noong huli ng 1980s sa pagitan ng 1990s, sa kabila ng problema sa kalusugan, naglakbay pa rin si Mother Teresa sa buong mundo para sa propesyon ng mga novices, pagbubukas ng bagong bahay, at serbisyo sa mga dukha at sa mga natamaan ng kalamidad. May mga bagong komunidad ay itinatag sa South Africa, Albania, Cuba, at nasalanta ng giyera na Iraq. Noong 1997, nadagdagan ng halos 4000 ang mga kasapi ng samahan, at nakapagtatag pa ng halos 600 na mga pundasyon sa 123 bansa sa mundo. Matapos ang paglalakbay sa Roma, New York, at Washington, sa isang mahina estado ng kalusugan, bumalik si Mother Teresa sa Calcutta noong Hulyo, 1997. Sa ganap na 9:30 noong ika-5 ng Setyembre, siya ay namatay sa Motherhouse. Ang kanyang katawan ay inilipat sa Iglesia ni Sto. Tomas, sa tabi kumbento ng Loreto kung saan niya ginugol ang halos 69 taon ng kanyang buhay. Daan-daang libong mga tao mula sa lahat ng mga klase at lahat ng relihiyon, mula sa Indya at sa ibang bansa, ay nagbigay ng kanilang respeto. Binigyan siya ng pambansang libing noong ika-13 ng Setyembre, ang kanyang labi ay ipinrusisyon - sa isang lalagyan ng baril na ginamit rin Nina Mohandas K. Gandhi at Jawaharlal Nehru - sa mga lansangan ng Calcutta na dinaluhan ng malalaki at kilalang personalidad sa buong mundo.