answersLogoWhite

0

Pagtatapat

ni Lope K.Santos

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,

Sa ulo mo'y ako ang buong masilid.

Ibig kong kung iyang mata'y tumititig,

Sa balintataw mo ako'y mapadikit.

Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig,

Ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;

Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib,

Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.

Hangad kong kung ika'y siyang nag-uutos,

Akung-ako lamang ang makasusunod.

Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog,,

Kaluluwa ko lang ang makpupulot.

Hangad kong sa harap ng iyong alindog,

Ay diwa ko lamang ang makaaluluod.

Hangad kong sa "altar" ng iyong pag-irog,

Kamanyang ko lamang ang naisusuob.

Nassa kong kung ika'y may tinik sa puso,

Dini sa puso ko maunang tumimo.

NASA kong ang iyong tamp't panibugho'y,

Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;

Nasa kong ang iyong tamp't panibugho'y,

Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;

Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo,

Ay mabayaran ko ng libong pangako;

Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo,

Ay mga labi ko ang gamiting panyo.

Nais kong sa aklat ng aking pagsinta,

Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa.

Nais kong sa mukha n gating ligaya,

Batik man ng hapis ay walang Makita.

Nais kong ang linis ng ating panata'y,

Huwag marungisan ng munting balisa,

Nais kong sa buhay nga ating pag-asa'y,

Walang makatagpong anino ng dusa.

Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y

Hamog ng halik mo ang magpapasariwa;

Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala,

Ay wala nang ulap na makagambala;

Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y,

Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa.

Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala,

Ay sa walang yao'y huway kang mawala.

User Avatar

Wiki User

14y ago

What else can I help you with?