answersLogoWhite

0

Ang Vintar ay pangalawa sa pinakalawak na bayan ng Ilocos Norte. Meron itong tatlongput' apat na barangay. Ang Vintar ay dating kasali sa Bacarra ngunit ng lumaon napagdisisyonan ng mga ilang mamayan na makihiwalay na lang sa Bacarra. Sabi ng mga matatanda sa Vintar, nagmula daw ang pangalang Vintar sa paletrang 'V' na paglilinya ng mga mamayan at sa intar na ang ibig sabihin ay luminya o umayos. Sabi kasi nila sa tuwing nagpupulong ang mga mamayan na nais humiwalay sa Bacarra sumisigaw ng INTAR ang leader ng grupo, naglilinya naman ang mga kasapi na paletrang 'V'. Kaya noon humiwalay na ang grupong ito sa Bacarra ginawa nilang VINTAR ang kanilang bayan. At Vintarinian naman ang tawag sa mga taong naninirahan dito.

User Avatar

Wiki User

11y ago

What else can I help you with?