answersLogoWhite

0

Ang Batas Jones o ang Philippine Autonomy Act ay ang batas na nagbibigay sa mga Pilipino ng kalayaang magsarili at pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon kapag nagkaroon na ang bayan ng isang matatag na pamahalaan. Ito ang pinakamahalaga at pinakamataas na batas ng Pilipinas simula nang 1916 hanggang 1935 nang pagtibayin ang Saligang Batas ng Pilipinas. Ang Batas Jones ay pinanukala ni Kinatawan William Atkinson Jones ng Virginia, Estados Unidos at nasabatas noong ika-29 ng Agosto, 1916.Sa pambungad na salita o preamble, ipinahayag ng Batas Jones na "ang layunin ng mga mamamayan ng Estados Unidos ay alisin ang kanilang kapangyarihan sa Pilipinas at kilalanin ang kanilang kasarinlan agad pagkapagtayo ng isang matatag na pamahalaan:"WHEREAS it was never the intention of the people of the United States in the incipiency of the war with Spain to make it a war of conquest or for territorial aggrandizement; WHEREAS it is, as it has always been, the purpose of the people of the United States to withdraw their sovereignty over the Philippine Islands and to recognize their independence as soon as a stable government can be established therein; and WHEREAS for the speedy accomplishment of such purpose it is desirable to place in the hands of the people of the Philippines as large a control of their domestic affairs as can be given them without, in the meantime, impairing the exercise of the rights of sovereignty by the people of the United States, in order that, by the use and exercise of popular franchise and governmental powers, they may be the better prepared to fully assume the responsibilities and enjoy all the privileges of complete independence.Ang Kawagarang TagapagbatasAng kapangyarihang pambatasan sa ilalim ng Batas Jones ay ipinailalim sa Lehislatura ng Pilipinas na binubuo ng dalawang Kapulungan - Ang Senado (Mataas na Kapulungan) at Kapulungan ng mga Kinatawan. Ang mga kasapi ng dalawang Kapulunga'y kinakailangang ihalal ng taumbayan, matangi sa mga kakatawan sa mga di-binyagang lalawigan (Mountain Province at ang mga lalawigang Moro) na hihirangin ng gobernador-heneral. Sa gayon ang Komisyon ng Pilipinas na gumaganap bilang Mataas na Kapulungan at ang Asemblea ng Pilipinas na gumaganap bilang Mababang Kapulunga'y kusang inalis.Ang Lehislatura ng PilipinasNagkaloob ang Batas sa Lehislatura ng ganap na kapangyarihan. Ang gobernador na Amerikano'y maaring Hindi magpatibay ng alinman sa mga panukalang batas nito, nguni't ang Hindi pagpapatibay ay maaring mapawalang-bisa ng dalawang-katlong botong magkahiwalay sa bawa't Kapulungan. Kung sakaling Hindi sang-ayunan ng gobernador ang panukalang-batas o muling isaalang-alang ito, maipapadala niya ito sa Pangulo ng Estados Unidosna may kapangyarihang pagtibayin o di-pagtibayin.Si Manuel Luis Quezon ang naging kauna-unahang Pangulo ng Senado. Si Sergio Osmeña ang Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan.Ang Kagawarang TagapagpaganapAng kapangyarihang tagapagpaganap, gayunpama'y taglay ng Gobernador Heneral na hinirang ng Pangulo ng Estados Unidos nang may pagsang-ayon ng Senadong Amerikano. Ginaganap niya ang kapangyarihang humirang ng pambayang-opisyal at huwag magpatibay sa panukalang batas na pinagpasyahan ng Lehislatura ng Pilipinas. Mayroon din siyang pangangasiwa at kapangyarihan sa lahat ng kagawarang tagapagpaganap ng pamahalaan. Maliban sa Kalihim ng Pambayang Pagtuturo (Secretary of Public Instruction), isang tungkuling inilaan sa Pangalawang Gobernador, lahat ng Kalihim na hinihirang ng Gobernador ay kinakailangan ng pagsang-ayon ng Senado ng Pilipinas.Mga Gobernador Heneral ng Pilipinas sa Ilalim ng Batas JonesPangalanPanunungkulanFrancis Burton HarrisonIka-2 ng Setyembre, 1913 - ika-3 ng Oktubre, 1921Leonard WoodIka-4 ng Oktubre, 1921 - ika-6 ng Agosto, 1927Henry L. StimsonIka-1 ng Marso, 1928-ika-23 ng Pebrero, 1929Dwight F. DavisIka-4 ng Hunyo, 1929 - ika-9 ng Enero, 1932Theodore Roosevelt, Jr.Ika-29 ng Pebrero - ika-16 ng Marso, 1933Frank MurphyIka-15 ng Hunyo, 1933 - ika-14 ng Nobyembre, 1935William Atkinson Jones

May-akda ng Philippine Autonomy Act of 1916 na lalong kilala sa tawag na Batas Jones.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Related Questions

When did Jones act get their independence?

1916


Which act of 1916 gave the Philippines limited freedom?

The Jones Act


Jones act 1916?

The Jones Act, also known as the Jones Law, the Philippine Autonomy Act and the Act of Congress of August 29, 1916, was passed by the United States Congress. It acted as a constitution of the Philippines and created the first fully elected Philippine legislature.


The Jones Act of 1916 what did it do?

Granted Filipinos the Right to elect both houses of their legislature


What is the relationship of the Philippine Government act and the Jones act of 1916?

The Philippine Government Act set up the government in the Philippines to mirror that of the US. The Philippines would be able to elect their legislature, however the governor would be appointed by the US congress. The Jones act of 1916 extended the Philippine Government Act by allowing the people of the Philippines the right to vote for all bodies of government.


What are the release dates for The Jones' Auto - 1916?

The Jones' Auto - 1916 was released on: USA: 28 June 1916


What is the next organic act after the jones law?

The next organic act after the Jones Law (the Jones Act of 1916) was the Tydings-McDuffie Act of 1934. This act provided for the eventual independence of the Philippines after a ten-year transition period, establishing a Commonwealth government. It also aimed to prepare the Philippines for self-governance and included provisions for the protection of Filipino interests.


What are the release dates for Alias Jane Jones - 1916?

Alias Jane Jones - 1916 was released on: USA: 8 June 1916


What are the release dates for Their Act - 1916?

Their Act - 1916 was released on: USA: 10 March 1916


When did Joseph T. Jones die?

Joseph T. Jones died in 1916.


What effect did yhe passage of the Jones act have on the Philippines?

The passage of the Jones Act in 1916 granted the Philippines territorial status and promised independence once a stable government was established. This act also extended U.S. citizenship to Filipinos, allowed for self-governing institutions, and paved the way for eventual independence from the United States.


When was William K. Jones born?

William K. Jones was born on 1916-10-23.