answersLogoWhite

0

Inang Wika ni Amado Hernandez

Ako'y ikakasal, sa aming tahana'y masayang-masaya: may piging, tugtugan, awitan, sayawan.

Ang aking magiging kabiyak ng buhay ay isang binatang puti, binatang sibol sa kanluran: maganda't makisig, marunong, mayaman tila pulot-gata sa bibig ng isang mundong kaibigan.

Sa tanging sasakyan, nang kami'y lumulan, may natanaw ako sa tapat ng bahay na isang matandang babaing luhaan, waring tinatawag ang aking pangalan tila humihingi ng kaunting pagdamay; subalit sa gitna ng kaligayahan, siya ay hindi ko binati man lamang, siya ay hindi ko pinansin man lamang, habang ang sasakyan ay nagtutumulin hanggang sa simbahan.

Maligaya kaming nagsiluhod kapwa sa harap ng Birhen, sa gintong dambana; pagkasaya-saya't ang mga kampana ay di-magkamayaw sa pagbabalita n gaming kasalan na pangmaharlika; ngunit ang larawan ng kaawa-awang matanda'y hindi ko matanggal sa diwa, mandi'y malikmata; ang nag-uunahang luha ng kandila ay tila kanya ring tumutulong luha; gayon man sa piling ng kahanga-hangang kaisang-puso ko'y niwalang-bahala, sa gitna ng tuwa'y nilimot kong pilit ang gayong hiwaga gaya ng liwanag ng buwang palaba na di masisira sa bahid ng ulap sa gabing payapa.

Natapos ang kasal, batian, kamayan, ngiting matatamis, birong maaanghang at saboy ng bigas sa ami'y salubong pagbaba sa altar… ngunit sino yaong aking natatanaw, matandang babaing nalugmok na bigla't nawalan ng malay at lingid sa taong hindi magkamayaw. Ah! Siya rin yaong kangina'y hindi ko pinansin man lamang.

Nang saklolohan ko't patakbong lapitan, nang kandungin ko na sa aking kandungan, ngumiting magiliw sa hapis ng kanyang pag-aagaw-buhay at saka nagwikang tigib-kapaitan: "Anak ko, bunso ko…salamat…paalam… Ako ang ina mong sawing kapalaran!"

At ang kulang-palad ay napalungayngay. Sa bisig ko na rin namatay… namatay!

Noon ko natanong ang ina kong mahal, ang Inang wika kong sa aki'y nagbigay ng lahat ng dangal, ang wikang tagalong na naiwang limot nang ako'y matanghal, at itinakwil ko sa pagtatagumpay, ay isang babaing nabuhay sa dusa't sa lungkot namatay, nang ako'y pakasal sa Wikang Dayuhan.

User Avatar

Wiki User

12y ago

What else can I help you with?

Continue Learning about Linguistics

Do you have declamation piece in tagalog for elementary pupils?

Yes, there are many declamation pieces in Tagalog suitable for elementary pupils. Some popular options include "Ang Batang MaramOT" by Ruth Salita and "Ang Kaluluwa ng Sanggol" by Amado V. Hernandez. These pieces involve energetic performances and meaningful messages that are engaging for young learners.

Is there any declamation piece in tagalog?

Yes, there are declamation pieces in Tagalog. Declamation is a popular form of oral interpretation where a speaker delivers a speech with dramatic flair. Many declamation pieces in Tagalog focus on themes such as patriotism, love, and social issues.

Can you give me a short tagalog declamation piece of bad girl?

"Ang Tala" by Severino Reyes is a popular Tagalog declamation piece that tells the story of a woman who is scorned by society for being unconventional and daring. It portrays themes of independence and defiance against societal norms.

What is declamation in Tagalog?

Declamation in Tagalog is "talumpati." It refers to a formal public speaking performance where a piece of literature or speech is delivered with emotion and emphasis. Typically, declamations are recitations of speeches, poems, or essays that convey a strong message or theme to the audience.

Can you give a sample of tagalog declamation piece?

One example of a Tagalog declamation piece is "Ang Hinirang" by Aurelio Tolentino. It tells the story of the Philippines' fight for independence against Spain, emphasizing the sacrifices and bravery of its heroes. The speech aims to inspire patriotism and pride in one's heritage.

Related Questions

Do you have a funny declamation piece in Tagalog?

Sure! Here's a funny Tagalog declamation piece titled "Ang Totoong Mangga" where a student discusses the different types of mangoes they encounter, highlighting the characteristics of each variety in a humorous way.

Can you give me a piece of English declamation with jokes?

declamation with joke

Can you give me a declamation speech entitled Rapunzel?

declamation piece for Rapunzel

Can you give me some example of declamation about ugly people?

vengeance declamation

Can you give me one example of declamation speech about water?

Can you give me one example of declamation speech about water?

Can you give me a kindergarten tagalog declamation?

Sure! Here’s a simple Tagalog declamation suitable for kindergarten: Title: "Ang Aking Kaibigan" "Ang aking kaibigan, si Juan, Palaging masaya, walang kapantay. Sa laro’t tawa, kami'y magkasama, Sa hirap at ginhawa, siya'y nariyan lagi!" This short piece celebrates friendship and the joy of having a companion.

Can you give you some declamation pieces about a broken family?

broken family declamation