answersLogoWhite

0

'Hudhud Hi Aliguyon

ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol na lalaki ang isinilang sa mag-asawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ay Aliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng iba't ibang bagay. Katunayan, ang napag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyang ama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, at paano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahit nuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.

Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaaway ng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon (reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis na anak nito, siPumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad niAliguyon.

Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat, umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hangin ang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad ni Pumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon at sinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niya at ipinukol uli kay Pumbakhayon.

Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat siAliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rin tumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sa bangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting at husay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silang igalang ang isa't isa.

Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas, ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ng kanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayon lahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.

Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik na magkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang ni Aliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid na babae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Buganhanggang lumaki itong napaka-gandang dalaga.

Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahat sa Ifugao.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Continue Learning about Linguistics

What is the lesson of hudhud hi aliguyon?

The lesson of "Hudhud hi Aliguyon" is to showcase the importance of valor, bravery, and honor in tribal warfare. It also highlights the value of leadership, wisdom, and unity in overcoming challenges and achieving victory.


Who is the person in the story in hudhud ni aliguyon?

Aliguyon is the main character in the epic "Hudhud ni Aliguyon." He is a skilled hunter and warrior from the Ifugao tribe in the Philippines. The story revolves around his adventures and feats.


Who is aliguyon?

Aliguyon is a hero in Filipino folklore known for his courage and strength. He is the main character in the epic tale "Aliguyon: Hudhud ng Ifugao," which tells the story of his battles against his rival, Pumbakhayon. Aliguyon is celebrated for his bravery and leadership among the Ifugao people.


What is the description of aliguyon?

"Aliguyon" is a traditional Philippine folk hero known for his bravery and leadership. He is the protagonist in the Hudhud chants of the Ifugao people, where he is depicted as a legendary warrior who defended his village from enemies and fought for justice. Aliguyon's stories often highlight the values of courage, loyalty, and wisdom.


What is the story of hudhud?

The Hudhud is an epic poem from the Ifugao people of the Philippines. It tells the story of a warrior named Aliguyon and his rival, Pumbakhayon, who eventually become friends after a long and fierce battle. The poem highlights themes of bravery, friendship, and reconciliation.

Related Questions

What are the Aspects of hudhud hi aliguyon?

epic of aliguyon.


Who are the main characters in hudhud hi aliguyon?

the main characters of the aliguyon


What are the instrument of hudhud hi aliguyon?

KAGAGUHAN


What is the musical instrument of hudhud aliguyon?

If you press the hudhud instrument it'll make a low pitch sound but if you press it upward it will make a hudhud sound.


What are the instruments used in hudhud hi aliguyon?

"Hudhud Hi Aliguyon" is a Youtube video of chants made by the Ifugao people. There is no additional music or insturments used aside from the people's voices.


What is the conflict of hudhud hi aliguyon?

[object Object]


What is the lesson of hudhud hi aliguyon?

The lesson of "Hudhud hi Aliguyon" is to showcase the importance of valor, bravery, and honor in tribal warfare. It also highlights the value of leadership, wisdom, and unity in overcoming challenges and achieving victory.


What are the instruments used in the aliguyon?

"Hudhud Hi Aliguyon" is a YouTube video of chants made by the Ifugao people. There is no additional music or insturments used aside from the people's voices.


Who is the person in the story in hudhud ni aliguyon?

Aliguyon is the main character in the epic "Hudhud ni Aliguyon." He is a skilled hunter and warrior from the Ifugao tribe in the Philippines. The story revolves around his adventures and feats.


The prowess of aliguyon theme?

The moral lesson of the epic “Hudhud ni Aliguyon” is learning how to forgive


What is the title of the epic story of aliguyon?

wala ko kabalo kay amo mani ang gina pamangkot ko.. may lalis kamo?


What is the theme of hudhud ni aliguyon?

love your enemy...