answersLogoWhite

0

Tula (poem) - binubuo ng mga taludtod. Karaniwang may sukat at tugma ito.

Pabula (fable) - isang maiksing kuwentong kathang-isip na kinatha nuong unang panahon. Eto ay ginagampanan ng mga hayop na nagsasalita at kumikilos na tulad ng tao. Ang pabula ay tumatalakay sa mga kilos at pag-uugali na nangangailangang ituwid o baguhin dahil sa pagiging Hindi mabuti o makatarungan.

Maikling kwento (short story) - isang kathang pampanitikang maikli ang kuwento. Ang buod o diwa nito ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na isinasalaysay sa isang paraang mabilis ang galaw at Hindi paliguy-ligoy kundi tuluy-tuloy.

Epiko (epic) - tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali sa mga kaaway na halos Hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpong kababalaghan at di-kapani-paniwala.

Alamat (legend) - nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

Talambuhay (biography) - nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Sanaysay (essay) - isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

Dula (play) - Ito'y nahahati sa ilang yugto na ang bawat yugto ay maraming tagpo. Ito'y ginagawa sa ibabaw ng entablado o tanghalan.

Nobela (novel) - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.

Talumpati (speech) - buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsalita sa entablado.

Salawikain (proverbs) - maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw na pamumuhay.

Bugtong (riddle) - nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?

Continue Learning about Linguistics

What is panunuring pampanitikan?

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan. Ang pangalawang uri ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romatisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo.

Ano ang ibig sabihin ng literaturang Filipino?

Ang literaturang Filipino ay tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na isinulat sa wikang Filipino. Ito ay naglalaman ng iba't ibang uri ng panitikan tulad ng tula, maikling kuwento, nobela, dula, at iba pa, na naglalaman ng mga karanasan, kaisipan, at damdamin ng mga Pilipino.

Personal na sanaysay?

Ang personal na sanaysay o "personal essay" ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng personal na karanasan, opinyon, at damdamin ng isang manunulat. Karaniwang naglalaman ito ng mga reflections at insights ng manunulat tungkol sa mga bagay-bagay sa kanyang buhay o lipunan. Ito ay isang uri ng panitikan na naglalayong maipahayag ang personal na saloobin ng manunulat sa isang masining at makulay na paraan.

Anong uring pampanitikan ang si maganda at si malakas?

Ang "Si Maganda at Si Malakas" ay isang uri ng kasaysayan o alamat sa panitikan ng Pilipinas. Ito ay naglalarawan ng pagkakaroon ng katangian ng magandang asal at malakas na paninindigan.

Dalawang uri ng talambuhay?

Mayroong autobiograpikal at biograpikal na uri ang talambuhay. Ang autobiograpikal na talambuhay ay isinulat ng taong kanyang nasa. Samantalang ang biograpikal na talambuhay ay isang akdang isinulat tungkol sa buhay at mga gawain ng isang tao mula sa pananaw ng ibang sumulat.

Related Questions

Ano ang mga uri ng akdang tuluyan?

ang mga uri ng akdang tuluyan ay.....nobelamilkling kwentodulaalamatanekdotapabulasanaysaytalambuhaybalitatalumpatiparabula

Akdang pampanitikan na nagbigay ng impluwensya sa bansa?

naglaglag mo....................

May saysay pa ba ang mga alamat sa bvilang ng mga akdang pampanitikan?

Kdot. ./.

what mo mapapahalagaan ang sanaysay bilang isang uri ng tekstong pampanitikan?

OTIN

What is panunuring pampanitikan?

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat't ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan. Ang pangalawang uri ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri nito ay klasisismo, romatisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo, ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo.

Ano ang halimbawa ng mga salitang pampanitikan?

sandal katawan nahuya upuan kumusta

Halimbawa ng akdang Pampanitikan na Tanyag?

Isa sa mga halimbawa ng akdang pampanitikan na tanyag ay ang "Noli Me Tangere" ni Jose Rizal. Ito ay isang nobela na naglalarawan sa mga pangyayari sa Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo ng Espanya. Kilala ito sa pagpapakita ng mga suliranin at kahirapan ng lipunan sa panahong iyon.

Ano ang ibig sabihin ng literaturang Filipino?

Ang literaturang Filipino ay tumutukoy sa mga akdang pampanitikan na isinulat sa wikang Filipino. Ito ay naglalaman ng iba't ibang uri ng panitikan tulad ng tula, maikling kuwento, nobela, dula, at iba pa, na naglalaman ng mga karanasan, kaisipan, at damdamin ng mga Pilipino.

Anu-ano ang mga katangiang pampanitikan ng florante at Laura?

katangiang pampanitikan ng florante

Anung antas ng wika ang tadyak ng tadhana?

ang antas ng wika na ito ay pampanitikan o tinawag ring panretorika.

Uri ng panitikan ng epiko ni gilgamesh?

Ang epiko ni Gilgamesh ay isang sinaunang akdang pampanitikan mula sa Mesopotamia. Isa itong epikong tula na naglalaman ng mga pakikipagsapalaran at kahanga-hangang mga gawain ng pangunahing tauhan na si Gilgamesh, isang hari sa Uruk. Itinuturing itong isa sa pinakalumang gawa ng panitikan sa daigdig.