sa lugar na may libro kagaya ng aklatan.
tae lang
Ang Imus, mahal kong bayan Sulong sa kaunlaran Dito'y payapa at masagana Kay ganda ng kapaligiran Ang Imus, mutyang minamahal May ningning , pag-ibig at dangal Pugad ng lahi, sakdal, kagitingan Inang bayani, may kadakilaan Tigib sa puso, pag-asa't kalayaan Kapuri-puri, Imus aking bayan *REPEAT TWO TIMES* Anong ligaya ang dito'y isilang! Kapuri-puri, Imus aking bayan. Kapuri-puri, Imus aking bayan.
Manunugtug ay na nangagsimulanangagsayawan ang mga mutyaSa mga padyak parang magigibaang bawat tapakan ng mga bakyaKung pagmamasdan ay nakatutuwaAng hinhin nila ay Hindi nawawalaTunay na hinahangaan ng madlaItong sayaw ng inang bansaDahil sa ikaw mutyang paralumanWalang kasinganda sa dagat silanganMahal na hiyas ang puso mo hirangAng pag-ibig mo'y kayhirap kamtanKung Hindi taos ay mabibigoSa mga pagsuyo'y dinaananKung Hindi taos ay mabibigoSa mga pagsuyo'y dinaananHalina aking mahal, ligaya ko ay ikawKapag 'di ka natatanaw, ang buhay ko ay anong panglawKung may pista sa aming bayan, ang lahat ay nagdiriwangMay letchon bawat tahanan, may gayak pati simbahanPag labas ni santa mariang mahal, kami ay taos na nagdarasalPrusisyon dito ay nagdaraan, kung kaya't ang iba'y nag-aabangMay tumutugtog at may sumasayaw, meron sa galak ay napapasigawAng pista sa bayan namin ay ganyan, ang saya tila y walang katapusan(repeat 1st and 2nd stansa)Paki like naman po,..!!
Palibhasa'y Mutyang anak ng Liwanag, Ang Ina kong Lupa'y tampulan ng dagat. Sa Dulong Silanga'y pulo ng pangarap, Binasag ng alon kaya sumambulat. Subalit gayon man, sa Kapuluan ko'y Diyos ang may hawak, Buo ang damdamin, iisa ang diwa't isa ang Watawat. Ang aking Bandila ay may tatlong kulay; May kulay ng dugo, pagkat katapangan; May kulay ng langit, pagkat kabanalan; May kulay ng bulak, pagkat kalinisan. Subalit ang lalong maningning na hiyas na kanyang dampulay Ay magkakapatid na tatlong Bituin at ang isang Araw. Ang bandilang ito'y nilamay sa dusa. Napigta sa luha ng maraming ina. Saka nang mayari, kamay ni Ibarra Ang sa himagsikan ay siyang nagdala. Sinundan ni Elyas, at ang buong baya'y nuha ng sandata At sila'y nagbangon ng unang paglaya at pagkakaisa. Mahinang sandata't marupok na bisig Dahil sa Bandila'y nakapananaig. Ang isang bayani, o isang panitik, Dahil sa Bandila'y may tula, o bagwis; Makata't bayani'y aawit ng Laya, hahanap ng langit. Kung Langit ay wala, Tabak na ang lunas sa dusa't hinagpis! Nang minsang ibawal ang aking Bandila Siya'y hinagkan kong nanatak ang luha, Wika ko sa akin: Ang naglahong tala, Lalo pang maningning pagsilay ng lupa Ngayong siya'y muling iladlad sa tagdan at maging malaya, Sandata't pag-ibig ang kanyang tanggulang hindi masisira. Sa bayan at nayon, sa bundok at parang, Sa himpapawirin at sa karagatan, Ang aking Bandila ay iwawagayway. Sa tuwing umaga'y hahagkan ng Araw, At sa aking kuta siya ay hindi na muling maaagaw, Pagkat magtatanggol pati na ang aking tatanod na bangkay!
Sa Kabataang Pilipino Itaas ang iyong noong aliwalas ngayon, Kabataan ng aking pangarap! ang aking talino na tanging liwanag ay pagitawin mo, Pag-asa ng Bukas! Ikaw ay lumitaw, O Katalinuhan magitang na diwang puno sa isipan mga puso nami'y sa iyo'y naghihintay at dalhin mo roon sa kaitaasan. Bumaba kang taglay ang kagiliw-giliw na mga silahis ng agham at sining mga Kabataan, hayo na't lagutin ang gapos ng iyong diwa at damdamin. Masdan ang putong na lubhang makinang sa gitna ng dilim ay matitigan maalam na kamay, may dakilang alay sa nagdurusa mong bayang minamahal. Ikaw na may bagwis ng pakpak na nais kagyat na lumipad sa tuktok ng langit paghanapin mo ang malambing na tinig doon sa Olimpo'y pawang nagsisikap. Ikaw na ang himig ay lalong mairog Tulad ni Pilomel na sa luha'y gamot at mabisang lunas sa dusa't himuntok ng puso at diwang sakbibi ng lungkot Ikaw, na ang diwa'y makapangyarihan matigas na bato'y mabibigyang-buhay mapagbabago mo alaalang taglay sa iyo'y nagiging walang kamatayan. Ikaw, na may diwang inibig ni Apeles sa wika inamo ni Pebong kay rikit sa isang kaputol na lonang maliit ginuhit ang ganda at kulay ng langit. Humayo ka ngayon, papagningasin mo ang alab ng iyong isip at talino maganda mong ngala'y ikalat sa mundo at ipagsigawan ang dangal ng tao. Araw na dakila ng ligaya't galak magsaya ka ngayon, mutyang Pilipinas purihin ang bayang sa iyo'y lumingap at siyang nag-akay sa mabuting palad. Back to Main Page
AKO'Y PILIPINO Pilipino ako sa anyo, sa kulay,Sa wika, sa gawa at sa kalinangan.Ang mutyang bayan ko'y Perlas ng Silangan,Kilala sa ganda at sa iwing taglang na yaman.Sa mga ugat ko ay nananalaytay,Magiting na dugo ng raha at lakan;Ang kasaysayan ko'y di malilimutanNg aking kalahi't liping pinagmulan.Maraming bayaning nagbuwis ng buhay,Di nag-atubili sa tawag ng bayan,Nabuwal sa dilim at nagdusang tunayUpang kalayaan ay aking makamtan.Ikararangal ko itong lahi,Di ikahihiya sa alinmang lipi;Busilak ang puso, malinis ang budhiMamatay ay langit kung bayan ang sanhi.Taas noong aking ipinagmalakiPilipino akong may dangal na lahi,Sintang Pilipinas ang bayan kong saksi,Dinilig ng dugo ng mga bayani.BANDILA NG LAHI Hayun, lumilipad sa kaitaasan;Ang ating bandilang kay gandang pagmasdan.Kay ganda ng kulay: pula, puti, bughaw;May tatlong bituin, sa gitna ay araw.Kapag itinataas ang ating bandila,Iyong maririnig, awit na pambansa.Ang bandilang ito ay dapat mahalin,Katulad din nitong Inang Bayan natin.ANG WIKANG PILIPINO Wikang Pilipino ay ating mahalinIto ang sagisag nitong bansa natin,Binibuklod nito ang ating damdaminAng ating isipan at mga layunin.Wikang Pilipino ay maitutuladSa agos ng tubig na mula sa dagat,Kahiman at ito'y sagkahan ng tabakPilit maglalagos, hahanap ng butas.Oo, pagkat ito'y nauunawaanNg Wikang Pambansa sa baya'y ituro,Tatlumpu't dalawang taong sinapusoNg bata,matanda; lalo na ng guro.Mapasok na nito'y maraming laranganNg mga gawain na pampaaralan,Transaksyon sa bayan at sasambayanan.Iya'y lumitaw na sa mga bayani,Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini,Kaya't kabataan, sikaping mag-aniSa sariling bayan ng dangal at puri.********************************************************