answersLogoWhite

0

Kabanata LV

Ang Pagkakagulo

Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi. Nagpatuloy ang putukan atsilbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at bintana ng biglaan.

Nang mawala ang putukan, pinapanaog ng alperes ang kura. Inakala ng mga NASA bahay na nasugatan ng malubha sa pari Salvi. Tiniyak ng alperes na wala ng panganib kaya lumabas na sa pinagtataguan ang kura, nanaog ito. Napadaan siya sa hanay ng mga sibil na naka bayoneta pa. Sa may bandang tribunal, nangingibabaw ang tinig ng alperes sa pagtatagubilin sa kapitan na wag niyang pabayaan makatakas ang mga nahuling lumusob.

Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kanyang katulong na ihanda ang kanyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at isinilid nya ang kanyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga kasukatan at larawan ni Maria. Tinig ng isang kawal na kastila. Binitawan niya ang kanyang baril at binuksan ang pinto. Dinakit siya ng Sarhento ng mga dumating na kawal.

Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay ni Ibarra. Naalalala niya ang sinapit ng kanyang angkan, ang kanyang nuno, si Balat, kapatid na babae at ang kanyang ama. Labis na pangingipospos ang kanyang damdmin. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril. Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at inihulog sa bintana. Naalaska ng husto ang directocillo, sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang apoy na nakarating na sa gabinete. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

User Avatar

Wiki User

15y ago

What else can I help you with?