answersLogoWhite

0

Ang Kapitan-Heneral

Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol.

Smantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya nito sa paglilibot.

Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomulgado. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni Ibarra.

Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino ang binata. Kapagdaka,tinawag ng Heneral ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na Hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral.

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Nagtaka si Ibarra.

User Avatar

Wiki User

13y ago

What else can I help you with?