answersLogoWhite

0


Best Answer

hello piolo na saan kana

please

User Avatar

Wiki User

10y ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Piolo pascuall mag chat room please para makita mo ako chat room froilyn burrell please mag hintay ako saiyo piolo pascual please?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Continue Learning about General History
Related questions

Ano ang wakas ng ng kwentong naging sultan si pilandok?

Naging Sultan si PilandokAng kinagigiliwang Juan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw - si Pilandok.Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat dahil sa isang pagkakasalang kanyang ginawa.Pagkalipas ng ilang araw, ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na ginituang tabak."Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok. "Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na ngayon," ang wika ng sultan."Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. "Nalalaman ng lahat na walang kaharian sa ilalim ng dagat.""Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak." Umakmang aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-anak." Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni Pilandok at pinagsabihangwalang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla."Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat," ang sabi ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tingkol sa sinabi ko sa inyong kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni Pilandok. "Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro.""Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag nakita ang mga ito ng inyong kabig ay susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula noon si Pilandok na ang naging sultan.


Mabisang gamot sa buni?

ang pinaka mabisang gamot sa "BUNI" ay limang daliri na matatalas ang kuko. kamutin ng kamutin hanggang makati! kung hindi talaga maalis sa kamot! magpakulo ka ng 2 litrong mantika saka ibuhos sa parte ng katawan na may "BUNI" Gamot din nga pala ang kumukulong mantika sa matinding "UBO" " SA MGA INA NA MERONG ANAK NA MAY "UBO" PAINUMIN NG KUMUKULONG MANTIKA! TANGGAL ANG UBO PATAY PATI BATA!


What are two branches of chemistry?

Chemistry is the branch of science that deals with the properties, composition and the structure of matter. It also deals with chemical reactions, changes in matter, and the principles which govern these changes. Lighting a fire, making ice cream, and riding in a hot air balloon all deal with chemistry.Below are the 6 MAIN Branches of chemistry... but there are many sub-branches1. Organic chemistry - the study of most carbon-containing compounds.2. Inorganic chemistry - the study of all substances not classified as organic, mainly those compounds that do not contain carbon.3. Physical chemistry - the study of the properties and changes of matter and their relation to energy.4. Analytical chemistry - the identification of the components and composition of materials.5. Biochemistry - the study of substances and processes occurring in living things.6. Theoretical chemistry - the use of mathematics and computers to understand the principles behind observed chemical behavior and to design and predict the properties of new compounds.Examples of sub-branches include geochemistry and electro-analytical chemistry.


Dugo at utak - by cornelio s Reyes?

"Dugo at Utak" is a short story written by Cornelio S. Reyes. It tells the tale of two brothers, Dugo and Utak, who have contrasting personalities and whose lives take different paths. The story explores themes of family, sacrifice, and the consequences of one's actions.


Is bahagharing timog lav diaz's pen name?

Yes. He used it as a pen name for his short story "Pula, Puti at saka Blu, at Marami Pang Korol" when it was submitted to the Palanca Memorial Awards for Literature. It won Second Prize. It is now published in the book Hulagpos, which is being used as a module in schools on modern Pilipino literature.Read the short story:From: http://ulan-shiela.blogspot.com/2007/09/underground-classic.HTML"Pula, Puti at saka Blu at marami pang Korol"Ni Lav DiazPalanca Memorial Awards for LiteratureShort Story"Kahirapan ang pinakamasahol na uri ng karahasan."-- Mahatma GandhiNalulungkot lang siya kaya siya ganun, sabi ni Nenet, Dyong at Toto. Pero Hindi siya umiiyak. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Pansiyam ngayon.Tapos na ang dusa. Tinapos niya. Pero naghihirap ang loob niya. Hindi siya matahimik.Gusto niyang isiping tapos na, sa wakas, pilit pinaluluwag ang dibdib, pero Hindi matapos. Matay man niyang gawin, naroroon pa rin, lumalambong, nangangamoy, nambubulahaw. Isang linggo na siyang lumilipad, Hindi, siyam na araw na nga pala, pero kapit-tukong kinakalmot pa rin ang katinuan niya. Ayaw bumitiw, Hindi kaya ng happenings.'Yung amoy. Hindi niya makawa, Hindi mabata. Sa kasusuka ay wala na siyang maisuka. Malapot na laway na lamang ang lumalabas. Yung amoy. Nakaangkla sa kasuluk-sulukan ng kanyang pangamoy, kahit patung-patong nang singhot ng solben. Parang tumitindi pa nga ang lansa.Yung sigaw. Nakalulunos, nakapangingilabot. Kumintal na yata sa utak niya. Patuloy na umaalingawngaw. Sanlinggo na. Hindi, siyam na araw na. Ayaw siyang patulugin, kahit kunukulubot at tinutuyot na ng solben ang utak niya.Magtatawanan sila. Bungi kasi, bulol, tanga, may luga pa.Putsa.Ano? Tutuhurin siya ni Dyong, babatukan ni Toto. Galit siya pero Hindi siya lalaban. Paano, siya ang pinakamaliit, pinakabata. Si Dyong, dose na. Si Toto, sampu. Si Nenet, Hindi sigurado pero kasinlaki niya. Maganda na. Lumalaki na ang suso. Mga susong gusto niyang hawakan at laruin tulad ng nasisilip niyang ginagawa ni Dyong kaya lang, kay Dyong talaga si Nenet, hawak na. Minsan nga, nakatulugan Nina Dyong at Nenet na hubad sila. Nakita niya ang kabuuan ni Nenet. Gusto niyang gawin lahat ang ginagawa ni Dyong kay Nenet, halikan sa bunganga, laruin ang suso, papatong, kaya lang, magagalit si Dyong.Noon, noong maliit pa siya, ganun din ang nakikita niyang ginagawa ng mga lalaking pumapasok sa kanilang tirahan sa iskwater, tulad ng ginagawa ni Dyong kay Nenet. Sa pagkakaalam niya'y parang gabi-gabi, iba-iba. Maghuhubad ang nanay niya tuwing may dumarating. Nakikita niya ang lahat. Bago 'yun magkasakit ang nanay niya.Si Nanay mo, Hindi nagmumulto?Hindi.Hala, ayan na'ng nanay mo! Takbuhan sila. Si Nenet, Hindi makatakbo, nananakit ang katawan, pero magtatago rin. May kadiliman ang mga sinapupunan ng mga palapag kahit araw. Walang multo, kahit iwan n'yo ako, mabait si Nanay, mabait yun, sabi niya sa sarili.Moooo! Hindi sa Nanay 'yun, boses ni Nenet. Awooo! Lalong Hindi, nagboboses babae si Dyong. Plang! Klang! Nambato ng baal si Toto. Dyug-dyug-dyug-dyug! Elarti. Dumungaw siya. Hayun, palampas ng ang malaahas ng sasakyan. Nasa ikalimang palapag siya, mataas ng dalawang palapag sa tapat ng riles ng elarti. Hahabulin niya ang tanaw ng elarti. Sayang, bumaba na ang tama ng solben. Maghapon kasi siyang nakabilad sa araw. Sayang, ang ganda sanang tingnan kung hay pa siya, kahit ganung wala pang ilaw.Siya, sina Dyon, Nenet at Toto, ang siguro'y tanging nakaaalam na napakasarap pagtripan ang elarti lalo na kung gabing rumaragasa ito, puno ng ilaw at lumilipad silaa sa solben. Minsan, akala niya ay uod itong kumikinang ng ilaw at puno ng mga nangungunyapit na linta na many sari-sariling korol. Mga lintang galing sa trabaho. Uuwi na sila. May mga buhay sila, e. Isip niya, ang sarap ng maging katulad nila, nakasakay sa kumikinang na uod na kapag ramaragasa ay nag-iiwan ng pula, puti, blu, orens at maraming maraming bumibilog, tumutudla, bumubulusok, pumapailanlang, bumubulwak at kumikiwal na korol. Andaming korol! At yung sawns. Walang binesa ang disko sa Menudo. Pakiwari niya'y galing sa langit, mula sa kung saan-saan, dumadagundong, sumasayaw, nag-aanyaya, sumasabay, sumasaliw, umiiwas, lumalayo, lumalapit, sumisiksik, himihiyaw, lumalambing, parang duyan, parang oyayi na nais ihele at magupiling, parang agos na tumatangay, parang alapaap na kumakampay, kumakaway, naglalakbay, isang huning nanghahalina, nang-aakit, umaawit, parang... parang... wow!Sinabi niya, ilang beses na nasabi na niya, na gusto niyang mamatay sa elarti. Anong sarap na makasama ang mga korol at sawns. Kesa basura, kesa kalsada, kesa tebi, kesa ketong, kesa sipilis, kesa apoy...!Ginulat siya ng tatlo. Hahaha! Bbungi! Tanga! Gago! Baliw! Putsa! Ano, kamo? Lalaban ka? Matapang ka? Ha? Tuhod. Tulak. Aray ko! Pero Hindi siya lalaban. Maliit kasi siya.Nagtitrip ka diyan e, bumaba na ang tama natin. Iiskor tayo mamaya. Iiskor ka pa.Tinalunton ni Dodoy ang Abenida. Ayaw niya sa usok. Masakit sa ilong Maingay, Hindi niya gusto ng maingay, Hindi sawns. Da bes yung elarti. Magulo, walang kuwentang panginorin. Hayun, yung mga neyong naglalaro at de korol, yun ang gusto niya rito tuwing kagampan ang dilim. Kaya lang, kulang sa galaw, kulang sa liksi, kulang sa hagibis. Gusto niya'y matulin, yung gusto mong habulin pero Hindi mo makaya. Ganun ang elarti, ibang klase.Pagtawid niya'y gahibla na siyang muntik na mahagip ng rumaragasang magarang kotse. Kagulo ng trapik. Putang-ina mong yagit ka! Magmura kayo. Wala na sa kanya yun. Yun ngnang maghapong higa niya sa gitna o tabing kalsada, e balewala na. Tao, trak, dyip, greder, lahat umiiwas sa kanya, sa kanila. Kailanman ay Hindi siya umiiwas sa mga sasakyan. Pag 'di ka umiwas, iiwasan ka. Pag umiwas ka, di sila iiwas. Pag walang umiwas, bahala na. Yun ang natutunan niya sa kalsada. Init at ulan, balewala na rin. Nababata na niyang lahat. Bahagi na yun ng kanyang trabaho. ng pakikibaka sa buhay. Magpupunas ng uling at alikabok, kung minsan putik, sa iba't ibang bahagi ng katawan, damit at syort na anyong basahan, hihiga sa kalsadang maraming nagdaraan katabi ang nakangangang lata. Hindi gaanong dusa kung kargado ng solben, maagti-trip ka maghapon. Pag-asa ang bawat kalansing barya.Pasok siya sa madilim at namumutik na iskinita. Doon sa pagawan ni Kenet ng sapatos. Mas bukas ang puwesto niya pag gabi. Maraming umiiskor.Uy, Dods, ano ba'ng atin? Kondolens uli. Ilan? Walong kutsara? Wow! Bigat n'yo ah, lumalakas kayo. Lasing si Kenett, may mga kainuman tulad ng dati.Si Kenet, laging bundat ang tiyan, malaki na nga, Hindi tama sa edad niya, trentahin pa lang siya, sobrang porma. Simple lang ang repersyap niya, maliit, pero nakakarating na siya sa Hongkong, Bagyo, at Dabaw. Marami siyang pera.Hayan, may palamang binilot diyan. Okey ang iskor n'yo ngayon, e.May balatong damo si Kenet. Mas gusto ni Dodoy ang damo kaya lang di pa nila kaya. Mas mabigat iskorin ang damo. Pero sabi ni Dyong, malapit na silang lumipat sa damo o maaaring shabubasta't palarin si Nenet, sila.Yun. Kaya walong kutsara sila ngayon, nagsimula na yata ang suwerte ni Nenet kagabi. Pers taym na ipinarada siya ni Dyong sa Ermita, agad may nakanang Ostralyanong datan. Twenti dolars ang hatag. Nagpakabusog sa hamberger at kok sina Dyong, Nenet, at Toto. Si Dodoy, di kaya kahit anong sarap. Ayaw humiwalay nung amoy, nung sigaw. Bumili ng damit si Nenet sa Sentral Market, pati lipstick at pabangong emseben. Bumili rin si Dyong ng bayodyesek para sa lagnat ni Nenet. Hindi ito makagulapay paggising kaninang umaga. Sabi ni Dyong, pers taym kasi sa parener, kaya ganun.Si Dyong, titigil na rin sa pagdapa sa kalsada. Paparada na rin sa parener ngayong gabi. Kung sakali, paparadi na rin si Dodoy at Toto sa mgs darating na gabi. Baka sakali, iiwan na nila ang kalsada tulad Nina Bet, Warly, Kongkong, Perdi, Sali, Mimi…Paparada na sila sa parener.Habang papalapit si Dodoy sa inabandonang bilding, sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Dyong noon, noong buo pa ang gusali at nang masunog ito. Napakagandang bilding nito dati, labas-masok ang mga maayos na Tao, yung magagara ang damit. Ni sa hinagap pa nga e, Hindi niya inakalang isang araw e, magiging tirahan niya, nila, ito, labindalawang palapag. Puro nga abo't uling pero ang laking panangga sa lamig at sakuna sa gabi. Minsan, noong buo pa ang bilding, ang lakas ng ulan, sumilong sila sa may pinto nito, doon na natulog, pero ipinagtabuyan sila ng guwardiya, tinutukan ng baril ang nguso ni Dyong nang umangal ito. Sinagasa nila ang ulan. Nilagnat si Nenet, ang taas, nagdiliryo nang ilang araw, akala nila mamamatay. Sabi ni Dyong, putang-ina, susunugin ko ang bilding! Isang araw nga, mga tatlong buwan na, nasunog ang gusali. Minsang langong-lango sila sa solben, sabi ni Dyong, siya ang sumunog. Pero walalng naniwala sa kanilang tatlo. Ngayon, habang paakyat siya sa bilding, naitatanong niya, si Dyong nga kaya ang sumunog nito? Baka totoo. Siya nga e…Ang tagal mo, a.Kumakain sina Dyong, Nenet at Toto ng hamberger at kok na naman. May para kay Dodoy pero ayaw niya.Talagang nagpapakamatay ka na, ano? Ang payat-payat mo na. Kalimutan mo na ang nanay mo. Patay na yun! O, kainin mo!Ayaw. Buang na talaga! Yun ang sabi ni Nenet. Ang nabubuang daw, Hindi kumakain nang matagal. Tapos, laging nakatungo, nakatanghod, tulala, nakanganga. Ganun si Dodoy. Naaawa si Nenet.Pansiyam na ngayong araw, gabi, na halos di kumakain si Dodoy. Titikim lang ng konti, wala na. Sabi ni Dyong, pasiyam ngayon ng nanay mo. Basta pasiyam, nag-aalay ang mga namatayan ng pagkain, padasal, palaro. Nililimot ang kalungkutan ng pagkawala ng isang mahal sa buhay. Alam ni Dyong dahil istoawi siya galing sa probinsya. Ganun daw sa kanila kapay ika-siyam na araw ng patay. Kaya dapat huwag nang malungkot si Dodoy.Walong kutsara ngayon ang solben natin. Magseselebreyt tayo sa pasiyam ng nanay ni Dodoy. Tulad sa probinsya namin. Tapos, tsibog tayo, ha, Doy? Ha?Siyanga naman, Doy. Sige na. Selebreyt na!Sige. Bahagyang ngingiti si Dodoy, unang guhit ng ngiti sa kanyang mukha sa loob ng siyam na araw, gabi. Pero sa loob-loob niya, kung alam n'yo lang na Hindi sa lungkot kaya ako nagkakaganito… Hindi!Hating kapatid, ha, tigalawang kutsara tayo.Ay, Dyong, di ba hihintayin tayo ni Mister Pol Hanikom sa Anito?Alas diyes medya pa yun. Karga muna tayo. Maganda yung kargado ka para mawala yung sakit ng ulo mo at saka Hindi hahapdi 'yang sugat. Alam n'yo bang sinabi ni Mister Pol Hanikom na kapag nakakita siya ng isang buong bahay na mauupahan, ititira niya dun si Nenet, kasama tayo, di ba sinabi niya, Net?Oo, kaya lang… parang natatakot ako, e…Ito ang langit para kay Dodoy. Mamumula ang kanyang mga mata, mangangapal at mamamanhid ang kanyang balat, maninindig ang kanyang mga balahibo, wari'y mamimimitig ang kanyang mga binti, nagiging maganda ang paligid, nagiging masaya, nagiging paraiso. Yung tambakan, nag-aanyong bundok ng ginto. Ang init ng araw, walang haplit, sumusuko. Ang lamig ng gabi, umaamo, nagiging kaulayaw. Lahat ng pagkain, maski panis, masarap, malinamnam. Nagiging maganda siyang lalaki, Hindi sunog ang balat, Hindi kinakalayo ang mga palad at apakan, Hindi nagluluga ang kaliwang tenga, Hindi nananakit ang mga bulok niyang ngipin, gumagara ang malabasahan niyang kasuotan, nagmimistulang anghel sa kagandahan si Nenet…Si Nanay niya, masaya sa solben, matagal dung gumamit. Siya ang nagturo. Noon una, galit ito. Putang-yawa ka, Dodoy! Masama ang adik-adik. Pero nang dapuan ito ng tebi, pangangati ng katawan at nagsimulang mangayayat, sinubok ang solben, nasarapan ito, naiibsan ang dusa niya. Kaya tuwing uuwi siya, may pasalubong siyang solben at siopao sa nanat niya. Alam na Nina Dyong ito.Naikuwento na rin niya kay Nenet na wala siyang tatay. Galing ng Bohol si Nanay niya, yun ang sabi sa kanya. Hindi alam ni Nenet kung saan ang Bohol. Sabi niya, parte pa rin ng Pilipinas. Nakalakihan niyang may labas-masok na lalaki sa mga natirhan nila sa iskwater hanggang nang makabili ng munting dampa sa tambakan. Greyd wan lang siya. Wala nang lalaking lumapit sa nanay niya. Kailangan na niyang maghanap ng pambili ng pagkain at gamot ng nanay niya. Nang lumalala ang kanyang nanay, panahong nakilala niya sina Dyong. Sa kalsada na rin siya tumira. Ayaw na siyang patulugin ng nanay niya sa dampa. Baka raw mahawa siya. Maski ano'ng gawin niya, Hindi niya kayang bilhin ang mga gamot.Hindi na rin nanghingi ng gamot ang nanay niya. Solben na lang at siopao.Kwento ka nga, Doy. Magaling kang magkwento, e. Sabi ni Nenet. Magkukuwento siya basta si Nenet.Kwento yun ng nanay niya, sabi niya, paborito niyang kwento. Ngayon lang niya ikukuwento kay Nenet, kasama na rina sina Dyong at Toto dahil naroroon sila. Kwentong piritil daw, sinauna. Kwento ni Huse Lisar.Anong Huse Lisa? Huse Risal!Hagalpakan ng tawa sina Dyong at Toto. Utal, gago! Gusto niyang ma-bad trip per magkukwento siya kay Nenet. At saka maliit siya, e, Hindi niya kaya ang dalawa.Yun daw kasing gamu-gamo, matigas ang ulo, yung anak, ha, Hindi yung ina. Mag-ina, e. Sabi ng ina, mainit yang apoy ng ilaw na de gas kaya huwag kang maglaro sa malapit na malapit dahil malapit ang aksidente dun. E, ito kasing anak, matigas ang ulo. Isang araw, naglikot siya, Hindi sa ilaw kundi dun sa tenga ni Huse…Risal, gago!Tapos, sabi ni Nenet.Di napaigtad si Huse…Risal, gago!Tapos…Natabig ni kuwan yung ilawang de gas at lumiyab yung mesa. E, sa ilalim ng mea nakatira ang mag-inang gamu-gamo. Nasunog sila. A, Hindi yung anak lang pala ang nasunog muna dahil naghahanap ng pagkain ang ina. Umiyak yung nanay nang malaman ang nangyari sa anak. Tapos, nagpakamatay siya.Maiiyak si Nenet.O, pinagtripan mo na naman iyong kuwento. Hindi naman nakakaiyak, e, kuwento ng katangahan iyon, e.Ilang elarti na ang dumaan.Wow, halos panabay nilang nauusal kapag may na daraan. Natatahimik sila, ninanamnam ang sawns, ang korol.Dyong, sumakay tayo ng elarti bukas, lambing ni Nenet.Teka… sige.Sama kami.Oo. Pag may nakuha si Nenet mamaya kay Mister Pol Hanikom. Bibili tayo ng tig-iisang teysert para Hindi tayo nakakahiya.Bukas na lang tayo pumunta kay Mister…Ngayon na. Usapan, e.Mahapdi, e…Singhot ka nang todo para hay na hay ka, mawawala 'yan. Basta bukas, sasakay tayong lahat sa elarti.Naalala ni Dodoy yung sinabi ni Dong, yung pagsunog ng bilding.Oo, kasi ayaw n'yong maniwala. Akala ko kasi noon, mamamatay na si Nenet. Ang ginawa ko, humingi ako ng gas kay Nenet, di ba marami siyang das na panlinis ng tumitigas na solbent? Yun, sabi ko para sa ilaw natin. Nakikita n'yo yung istasyon dun ng elarti? Dun, sumingit ako noong malapit nang magsara. Nagtago ako. Tapos, nung wala nang elarti, binaybay ko yung tabi ng riles. Pagtapat ko diya sa terd plor, binato ko yung salamin ng bintana. Dun ko ipinasok yung sinindihan kong basahan na babad sa gas. Huwag n'yong ikukuwento sa iba, ha?Oo.Dumalang ang elarti.Magbihis na tayo, Net.Atubili si Nenet, nakatingin kina Dodoy at Toto.Halika na, magagalit si Mister Pol Hanikom, e.Atubiling tatayo si Nenet, inaalalayan ni Dyong.Kaya mo ba, Net, Hindi na ba masakit ang ulo mo?Kaya niya.Doy, huwag ka nang malulungkot, ha? Bobolahin ko si Mister Pol Hanikom para may teysert tayo bukas, tapos sasakay tayo ng elarti at saka kakain tayo ng masasarap. Kumain ka na rin kasi…Tatango si Dodoy. Umiika si Nenet. Parang gusto niyang pigilan kaya lang baka magalit si Dyong. At saka gusto niya sanang sabihin kay Nenet na Hindi naman siya nalulungkot. Dapat nga, magluwag ang kalooban niya dahil lipas na ang paghihirap ng nanay niya. Mas gusto lang sana siyang ikuwento pa kay Nenet…Hindi niya alam kung matatanggap ni Nenet. Baka magalit. A, kay Toto na lang muna. Kay Toto na lang…Matapos bihisan ni Dyong si Nenet at magbihis din siya, lumakad na sila.Pilit na inaaninag ni Dodoy si Nenet habanag paalis na sila ni Dyong hanggang sa nawala na ang gma ito sa may hagdan. Alam niyang ayaw ni Nenet na pumunta kay Mister… Hindi niya mabigkas yung pangalan. Ayaw ni Nenet. Dati, gustung-gusto nito, pero matapos ang unang parada kagabi, narinig niyang nagreklamo si Nenet kay Dyong… Hindi naman pala mabait ang parener.Masasanay ka rin, sabi ni Dyong. Noong una nga, akala natin Hindi natin kayang humiga sa kalsada na bilad maghapon, nauulanan pa nga tayo pero nakaya natin. Kaya.Tuloy ang dyaming Nina Dodoy at Toto.Ikaw, To, asan ang nanay at tatay mo?Ako… sabihin ko na sa 'yo ang totoo, Doy, wala rin akong tatay, puta rin ang nanay ko. Pero tumigil na.Asan na siya?Hindi ko alam. Iniwan niya ako, e. Sabi niya babalik siya. Hintay ako nang hintay dunsa tinitirhan namin dati sa Baclaran, pero Hindi na siya bumalik. Putang-ina niya, galit ako sa kanya. Ikaw, Doy, Hindi ka ba galit sa nanay mo?Noon. Ayoko lang yung mga laalaking panay ang pasok sa bahay pag gabi. Ginagalaw nila si Nanay tapos sinisia ako pagtumitingin ako sa ginagawa nila. Kunwari tulog akong lagi pag may lalaki sa bahay. Kawawa si Nanay…Tutulo ang luha ni Dodoy. Ngayon lang siya umiyak, ngayong pasiyam. Maiiyak din si Toto.Galit ako sa nanay ko… pero mahal ko din naman siya kahit na iniwan niya ako…Madalang na madalang na ang elarti. Kargadong-kargado na sina Dodoy at Toto. Panay pa rin ang singhot nila ng solben. Banat hanggang sa kaya.To, naniniwala ka ba kay Dyong na siya ang sumunog sa bilding na 'to?Maniniwala ka rin ba na sinunog ko ang nanay ko?Ano?Sinunog ko si Nanay, To… sinunog ko siya…Umiiling si Toto. Hindi mo yun magagawa sa nanay mo. Nanay mo yun, e. Hindi ako maniniwala!Sinunog ko siya, To… sinunong ko yung bahay namin… dinurog ko muna siya ng solben, durog na durog… tapos, nung hay na hay na siya, binuhusan ko yung bahay ng gas… kay Nenet ko rin hiningi yung gas…Putang-ina…Kaya ako Hindi makatulog, To… Hindi ako makakain… Hindi ko malimutan yung sigaw ni Nanay, saka yung amoy ng nasusunog niyang laman… ginawa ko yun kasi awang-awa na ako sa kanya… tuwing uubo siya, may dugo… yung katawan niya, puro nana at butas… nilalanga siya… pag gabi, kinakain siya ng mga daga… putsa… putsa talaga…Yuyugyog ang buong katawan ni Dodoy sa kanyang paghagulgol.Mapapaatras si Toto. Magsusuka nang magsusuka, lalayo.Samahan mo akom To. Huwag mo akong iwan dito…Ayoko na! Bad trip ka! Putang-ina! Tatakbo si Toto, lalamunin ng dilim.Totodohin ni Dodoy ang pagsinghot sa solben, parang mauubusan, parang hinahabol, kailangan niyang mapuno, mawala para Hindi mahabol ng amoy ng nasusunog na laman, ng nakalulunos na sigaw.Kaginsa-ginsa'y may naulinigan siyang tunog, parang malayong sigaw? Hindi, sawns! Sawns nga! Hayun, tanaw niya ang papalapit na elarti. Andaming korol.Tatayo si Dodoy, hahakbang sa hanggahan ng palapag. Sasakay ako sa elarti, mauuna ako sa kanila… Hindi nila ako mahahabol. Guguhit ang ngiti sa kanyang mukha.Bago tumapat sa gusali ang rumaragasang dambuhalang uod ay lumipad na si Dodoy… sa magpakailanman.Wow.Postcript:Si Nenet, namatay sa impeksyon ng kanyang maselang parte.Si Toto, nasa sentro ng rehabilitasyon para sa mga adik.Si Dyong, inampon, sabi'y inasawa ni Mister Paul Honeycombe. Nasa Ostralya na sila.


Urbana and Feliza translate in English?

URBANA AT FELIZASi Feliza kay Urbana - Paumbong, Mayo 10, 185. . .Urbana: Ngayong a-las-seis ng hapon na pinagugulong ng hari ng mga astro ang karosang apoy at itinatago sa bundok at kagubatan, ipinagkakait sa sangkapuluan ang kaliwanagan, at sa alapaap ay nagsasambulat ng ginto ' t purpura; ang mundo ' y tahimik, sampo ng amiha ' y hindi nagtutulin, nagbibigay-aliw ang mga bulaklak at nangagsasabog ng bangong iningat sa doradong caliz ; ang lila ' t adelpa na itinanim mo sa ating pintuan; ang lirio ' t asusena; ang sinamomo ' t kampupot na inihanay mo ' t pinagtapat-tapat sa daang landas na ang tinutungo ' y ating hagdanan; oras na piniling ipinagsasaya, nangagsisingiti ' t ang balsamong ingat ay ipinadadala sa hihip ng hangin; mapalad na oras na ipinaglilibanga ng kamusmusan at, ipinagpapasiyal sa ating halamanan.Marahil Urbana ' y di mamakailang pagdating sa iyo ng oras na ito, ang alaala mo ' t buong katauhan ay nagsasauli sa ating halamanan, iyong sinasagap ang balsamong alay ng mga bulaklak na anaki ' y pamuti sa parang linalik naSi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Tinanggap ko ang sulat mo nang malaking tuwa, nguni ' t nang binabasa ko na ' y napintasan kita ' t dinggin ko ang kadahilaran. Ang una ' y nabanggit mo si ama ' t si ina, ay di mo nasabi kung sila ' y may sakit o wala; nguni ' t pinararaan ko ang kakulangan mong ito, atdi kataka-taka sa gulang mo sa labindalawang taon; ang ikalawa ' y hindi ang buhay ko kung di ang buhay mo ang itinatanong ko, ang isinagot mo ' y ang pinagdaanan ng kamusmusan ta, at madlang matataas na puri sa akin, na di mo sinabi na yao ' y utang ko sa mabait na magulang natin at sa Maestrang nagturo sa akin. Nguni ' t pagdating sa sabing nagkukunot ang noo ko, at sa mga kasunod na talata, ay nangiti ang puso ko, nagpuri ' t nagpasalamat sa Diyos, at pinagkalooban ka ng masunuring loob.Ngayo ' y dinggin mo namana t aking sasaysayin yamang hinihingi mo ang magandang aral na tinaggap ko, kay Doña Prudencia na aking Maestra. Natatanto mo, na ako ' y marunong nang bumasa ng sulat nang taong 185 . . . na kata ' y magkahiwalay. Pagdating ko rini, ang una-unang ipinakilala sa akin, ay ang katungkulan nating kumilala, mamintuho, maglingkod at umibig sa Diyos; ang ikalawa ' y ang kautangan natin sa ganang ating sarili; at ang ikatlo ' ySi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Ngayon ko tutupdin ang kahingian mo, na ipinangako ko sa iyo sa hulang sulat, noong ika. . .Sa mga panahong itong itinira ko sa Siyudad, ay marami ang dumarating na bata, na ipinagkakatiwala ng magulang sa aking maestra, at ipinagbibilin na pagpilitang makatalastas ng tatlong dakilang katungkulan ng bata na sinaysay ko sa iyo. Sa mga batanga ito, na ang iba ' y kasing-gulang mo, at ang iba ' y humigit-kumulang diyan, ay napagkikilala ang magulang na pinagmulan, sa kani-kanilang kabaitan o kabuhalhalan ng asal. Sa karunungang kumilala sa Diyos o sa karangalan, ay nahahayag ang kasipagan ng marunong na magulang na magturo sa anak, o ang kapabayaan. Sa mga batang ito, ang iba ' y hindi marunong ng ano mang dasal na nalalaman sa doktrina kristiyana, na para baga ng Ama namin, sumasampalataya, punong sinasampalatayanan , na sa kanilang edad disin, ay dapat nang maalaman ng bata, kaya hindi makasagot sa aming pagdarasal o makasagot man ang iba ' y hindi magawing lumuhod, o di matutong umanyo, ng nauukol bagang gawin sa harapan ng Diyos. Sa pagdarasal namin, ay naglulupagi, sa pagsimba ' y nagpapalinga-linga, sa pagkain ay nagsasalaula, sa paglalaro ' y nanampalasan sa kapwa-bata,Si Urbana kay Feliza - MaynilaFELIZA: Napatid ang huli kong sulat sa pagsasaysay ng tapat na kaasalan, na sukat sundin sa loob ng simbahan: ngayo ' y ipatutuloy ko. Marami ang nakikita, sa mga babaeng nagsisipasok sa simbahan, na lumalakad na di nagdarahan, nagpapakagaslaw, at kung marikit ang kagayakan, ay nagpapalingap-lingap, na aki ' y tinitingnan kung may nararahuyo sa kaniya. Marami ang namamanyo nang nanganganinag, nakabingit lamang sa ulo at ang modang ito ' y dala hanggang sa pakikinabang at pagkukumpisal. Oh Felisa! Napasaan kaya ang galang sa santong lugar: napasan kaya ang kanilang kahinhinan! Diyata ' t lilimutin na ng mga babaeng kristiyano yaong utos ng simbahan, pakundangan sa mga angheles? Diyata ' t hanggang sa kumpisala ' y dadalhin ang kapangahasang di nagpipitagang itanyag ang mukha sa Sacerdote? May nakikita at makikipag-ngitian sa lalaking nanasok, ano pa nga ' t sampo ng bahay ng Diyos ay ginagawang pook ng pagkakasala.Itong mga biling huli na ukol sa lalaki, ay ipahayag mo kay Honesto, na bunso tang kapatid. pagbilinan mo siya, na pagpasok sa simbahan, ay huwag makipag-umpukan sa kapwa-bata nang huwag mabighani sa pagtatawanan.Si Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Sa alas-siete ' t kami ' y makasimba na, ay kakain kami ng agahan pagkatapos ay maglilibang-libang o maghuhusay kaya ng kani-kaniyang kasangkapan, sapagka ' t ang kalinisan at kahusayan, ay hinahanap ng mata ng taong nagising at namulat sa kahusayan at kalinisan. A-las-ocho, gagamit ang isa ' t isa ng aklat na pinag-aaralan; ang iba ' y darampot ng pluma, tintero ' t ibang kasangkapang ukol sa pagsulat, magdarasal na sumandai bago umupo sa pag-aaral, hihinging-tulong sa Diyos at kay Ginoong Santa Maria, at nang matutuhan ang pinag-aaralan: mag-aaral hanggang alas-diez, oras nang pagleleksyon sa amin ng Maestra; pagkatapos, magdarasal na ng rosario ni Ginoong Stanta Maria. Pag nakadasal na ng rosario, ako ' y nananahi o naglilinis kaya ng damit, at pag kumain ay iginagayak ko ang serbilyeta, linilinis ko ang tenedor, kutsara at kutsilyo, na ginagamit sa lamesa. Ang lahat nang ito ' y kung makita ng Maestrang marumi, kami ' y pinarurusahan. Pagtugtog nang a-las-doce, oras nang aming pagkain ay pasasa-mesa kami, lalapit ang isa ' t isa sa kani-kaniyang luklukan, magbebendisyon ang Maestra sa kakanin, kaming mga bata ' y sumasagot na nakatindig na lahat, ang katawa ' y matuwid at iniaanyo sa lugal. Pagkarinig namin ng ngalang Jesus at Glora Patri , ay itinutungo namin angSi Feliza kay Urbana -PaumbongURBANA: Si Honesto ' t ako ' y nagpapasalamat sa iyo, sa matataas na hatol na inilalaman mo sa iyong mga sulat. Kung ang batang ito ' y makita mo disin, ay malulugod kang di-hamak at mawiwika mo, na ang kanyang mahinhing asal ay kabati ng Honesto niyang pangalan. Masunurin sa ating magulang, mapagtiis sa kapwa-bata, hindi mabuyo sa pakikipag-away, at mga pangungusap na di-katuwiran. Mawilihin sa pag-aaral at sa pananalangin; pagka-umaga ' y mananaog sa halamanan, pipitas ng sangang may mga bulaklak, pinagsasalit-salit ang iba ' t ibang kulay, pinag-aayos, ginagawang ramilyete , inilalagay sa harap ng larawan ni Ginoong Santa Maria; isang asusena ang iniuukol sa iyo, isang liryo ang sa akin at paghahayin sa Reyna ng mga Virgenes, a y linalangkapan ng tatlong Aba Ginoong Maria. Kung makapagkumpisal na at saka makikinabang ang isip ko ' y angelito , na kumakain ng tinapay ng mga angheles, at nakita ko, na ang pag-ibig at puring sinasambitla ng kanyang inosenteng labi, ay kinalulugdan ng Diyos na Sanggol, na hari ng mga inosentes. Ipatuloy mo, Urbana, ang iyong pagsulat, at nang pakinabangan namin: Adyos, Urbana- Felisa .Si Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Naisulat na sa iyo, ang madlang kahatulang ukol sa paglilingkod sa Diyos, ngayo ' y isusunod ko ang nauukol sa sarili nating katawan. Sabihin mo kay Honesto, na bago masok sa eskuwela ay maghihilamos muna, suklaying maayos ang buhok, at ang baro ' t salawal na gagamitin ay malins; nguni ' t ang kanilinisa ' y huwag iuukol sa pagpapalalo. Huwag pahabaing lubha ang buhok na parang tulisan, sapagka ' t ito ang kinagagawian ng masasamang-tao. Ang kuko ay huwag pahahabain, sapagka ' t kung mahaba ay pinagkakahiratilang ikamot sa sugat, sa ano mang dumi ng katawan, nadurumhan ang kuko, at nakaririmarim, lalung-lalo na sa pagkain. Bago mag-almusal, ay magbigay muna ng magandang araw sa magulang, maestro o sa iba kayang pinaka-matanda sa bahay. Sa pagkain, ay papamihasahin mo sa pagbebendisyon muna, at pagkatapos, ay magpapasalamat sa Diyos. Kung madurumhan ang kamay, mukha o damit, ay maglinis muna bago pasa-eskuwela. Huwag mong pababayaan, na ang plana, materia, farsilla o regla, papel, aklat at lahat ng gagamitin sa paaralan ay maging dungis-dungisan. Kung makikipag-usap sa kapwa-tao ay huwag magpapakita ng kadunguan, ang pangungusap ay tutuwirin, huwag hahaluan ng lamyos o lambing, huwag kakamutkamotaSi Urbana kay Feliza -MaynilaFELIZA: Itong mga huling sulat ko sa iyo, na may nauukol sa kalagayan mo, at ang iba ' y aral kay Honesto, ay ipinauunawa ko, na di sa sariling isip hinango, kundi may sinipi sa mga kasulatan, at ang karamihan ay aral na tinanggap ko kay Doña Prudencia, na aking Maestra: at siyang sinusunod sa eskuwela namin aya ibig ko disin, na sa ating mga kamag-anak, sa mga paaralan sa bayan at mga bario, * ay magkaroon ng mga salin nito at pag-aralan ng mga bata. Ipatutuloy ko ang pagsasaysay ng mga kahatulan.Bottom of FormSi Honesto, bago pasa-eskuwela, ay pabebendisyon muna kay ama ' t kay ina; sa lansangan ay huwag makikialam sa mga pulong at away na madaraanan, matuwid ang lakad, huwag ngingisi-ngisi, manglilibak sa kapwa-bata, o lalapastangan sa matanda, at nang huwag masabi ng tao na walang pinag-aralan sa mga magulang. Kung magdaraan sa harap ng simbahan, ay magpugay, at kung nalalapit sa pintuan ay yuyukid. Pagdating sa bahay ng maestra ay magpupugay, magbibigay ng magandang araw, o magandang hapon, magdasal na saglit; sa harap ng mga santongSi Urbana kay Felisa -MaynilaFELIZA: Sa malabis na kadunguan ng mga bata kung kinakausap ng matanda o mahal kayang tao, ang marami ay kikimi-kimi at kikiling-kiling, hindi mabuksan ang bibig, turuan mo, Felisa, si Honesto, na huwag susundin ang ganong asal, ilagay ang loob sa kumakausap, sagutin nang mahusay at madali ang tanong, at nang huwag kayamutan.Kung mangungusap ay tuwirin ang katawan, ayusin ang lagay. Ang pagsasalita naman ay susukatain, huwag magpapalampas ng sabi, humimpil kung kapanahunan, at nang huwag pagsawaan. Kung nakikipag-usap sa matanda ma ' t sa bata, ay huwag magsabi ng hindi katotohanan, sapagka ' t ang kabulaanan ay kapit sa taong taksil o mapaglilo.Ang pagsasalita ay sasayahan, ilagay sa ugali, ituntong sa guhit, huwag hahaluan ng kahambugan, at baka mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na sinagot ng kausap. Fuu, Fuu , na ang kahulugan ay, habagat, habagat. Huwag magpalamapas ng sabi at baka maparis doon sa isang palalo na sinagot ng kaharap: hintay ka muna, kukuha ako ng gunting at gugupitin ko ang labis.Sa pakikipagharap, ay mabuti ang nagmamasid sa kinakausap, at kung makakita ng mabuting asal sa iba, at saSi Urbana kay Feliza - MaynilaURBANA: MINAMAHAL KONG KAPATID. Ang isang sulat ay isang pagsasalin sa papel ng nasa-isip at sa loob ipinagkakatiwala, at nang matanto ng pinagpapadalhan.Ang sulat ay isang salitaan sa papel, kaya ang titik ay dapat linawan, at ang pangungusap ay ilagay sa ugali.Kung ang sinusulatan ay kaibigan at kapahayagan ng loob, ay pahintulot na humaba ang sulat, palibhasa ' y marami ang masasaysay.Kung ang ibig-sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di kaibigan, hindi karampatan ang magsaysay ng ibang bagay.Ang sulat ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang pakikipag-usap.Iba ang sulat ng mataas sa mababang tao, at ng mababa sa mataas: iba ang sulat ng matanda sa bata, at ng bata sa matanda.Ang galang na kailangang gamitin ng bata sa matanda hindi kailangan sa sulat ng matanda sa bata; maliban na lamang, kung sa bata ay may nakikitang bagay na sukat-igalang.Si Urbana kay Felisa - MaynilaFELIZA: Alinsunod sa sinabi ko sa iyo na ako ' y magpapadala ng mga panuto sa pagsulat, ipababasa mo kay Honesto itong mga kasunod.Pupunuan ng mayusculas ang mga pangalan at apellido ng tao, kaparis ng Francisco Baltazar ; ang sa mga kaharian, siyudad, bayan, lalawigan, bundok, dagat, ilog, batis, para ng España, Maynila, Binyang, Batangas, Arayat Oceano, Pasig, Bumbungan; gayon di ang ngalan ng karunungan, para ng Teologia, ng Artes , para ng Gramatica, Poesia; gayon din ang ngalan ng mga katungkulan, para ng General, Papa, Arzobispo.Gayon man kung sa oracion o isang sabing buo ang mga ngalan ng karunungan, artes , at iba pang sinabi ko, ay di pinagkapangulo, ay pupunuan ng letrang munti, kaparis nitong halimbawang kasunod; si Benito at si Mariano ay kapwa nag-aaral sa pandayan.Feliza, turuan mo si Honesto nang matutong maglagay sa sulat ng mga notas o tanda. Ang mga notas ay ito: Coma (,): Punta y coma (;): Dos puntos (:): Admiracion (!): Interrogacion (?): Parenthesis ( ): Puntos suspensirosSi Urbana kay Feliza - PaumbongURBANA: Tinanggap ko ang mga sulat mo at ako ' y napasasalamat sa iyo at kami ni Honesto ay pinagsasakitan mong matuto.Aking iniutos sa kaniya na pag-aaralan ang mga panutong padala mo; tinanggap nang buong tuwa at nagsakit mag-aral. Sa kaniyang pagpipilit ay natuto; at ang wika mo na di lamang siya ang makikinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa ' y ang magaling ay hindi matahimik Bottom of Formsa isa kundi sa nagpapakitaan ng kani-kanilang sulat at kung may mabating mali ng kapwa-bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat kong ito ay titik ni Honesto. Adyos, Urbana.- Feliza.


What is the summary of Urbana at Feliza?

In retrospect, Urbana at Felisa should be perceived as a text not only mean to regulate conduct and behavior, but as a discourse to contain the moral excesses of the period and affirm basic Christian tenets.