answersLogoWhite

0


Best Answer

Ang mga "ermitanyo" ang tumulong kay Don Juan nung binugbog siya ng kanyang mga taksil na kapatid sa kwentong Filipinong epiko.

User Avatar

AnswerBot

1mo ago
This answer is:
User Avatar

Add your answer:

Earn +20 pts
Q: Sino ang tumulong ni don juan nung binugbog siya ng kanyang taksil na mga kapatid?
Write your answer...
Submit
Still have questions?
magnify glass
imp
Related questions

Ano ang kalakasan at kahinaan ng nobelang el Filibusterismo?

erehe....am taksil sa simbahan....yaah...sure pilibustero am....AA...a..am taksil sa pamahalaan..... yeah.... noli me tangere eh...yan.. that's cococorrect...sure...


Baket kaylangan mag taksil ni kesa kay wataru?

kesa at morito story


Ano ang kahulugan ng tamasahin?

Ano ang kahulugan ng mga ito: 1.tamasahin 2.pagtatangi 3.kasarian 4.abilidad 5.nasyonalidad 6.serbisyo-medikal 7.kalinga 8.kagipitan 9. tigalig 10.pagkakapatiran


What actors and actresses appeared in Si mahal ko... nakialam na naman - 1979?

The cast of Si mahal ko... nakialam na naman - 1979 includes: Chichay Nora Aunor Ronald Corveau


Bigyan mo ako ng 50 kasingkahulugan?

1. butas ang bulsa - walang pera2. ilaw ng tahanan - ina3. kalog na ng baba - nilalamig4. alimuom - tsismis5. bahag ang buntot - duwag6. ikurus sa noo - tandaan7. bukas ang palad - matulungin8. kapilas ng buhay - asawa9. nagbibilang ng poste - walang trabaho10. basag ang pula - luko-luko11. ibaon sa hukay - kinalimutan12. taingang kawali - nagbibingi-bingihan13. buwayang lubog - taksil sa kapwa14. pagpaging alimasag - walang laman15. tagong bayawak - madaling makita sa pangungubliahas-bahay/ masamang kasambahaypabalat bunga/ paimbabawlikaw na bituka/ kaliit-liitang lihimmapaglubid ng buhangin/ sinungalingkisap mata/ iglap ; mabilismay sinasabi/ mayaman ; may ipagmamalakiisang kahig isang tuka/ mahirapmaykaya/ mayamanbulanggugo/ galantebuwayang lubod/ taksil


Depinisyon ng salitang nagulumihanan?

Ang salitang nagugulumihanan ay nangangahulugang pagkalito sa isang bagay o sitwasyon


Si kesa at morito ni bautista?

Si Kesa at si MoritoSalin ni Lualhati BautistaMula sa "Rashomon" atbp. Pang KuwentoNi Ryunosuke AkutagawaUNANGBAHAGI: MONOLOGO NI MORITOSa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mgalagas na dahon sa makalabas ng bakod ng kanyang bahay:Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumusindak sa akin. Kinikilabutan akong isipin na ang gabing ito ay magwawasak sa aking kasalukuyang sarili at gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay na ito'y namula sa dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon! Ang puso ko'y di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko,pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking Hindi ko kinasusuklaman.Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan,Wataru Saemonno-Jo, mula't sapul pa'y kilala ko na ang kanyang magandang mukha.Nang matuklasan kong asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho. Pero ngayon, ang panibugho ko'y napawi na, Hindi nag-iwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa aking karibal sa pag-ibig, wala akong pagkamuhi o masamang hangarin. Manapa, mabuti ang isipin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng simpatiya sa kanya. Naunawaan ko, na sa buong hangarin niya na mapangasawa ito,pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at nakababagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam; naaantig ako sa pagkamasuyo ng isanglalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay nakapagdudulot sa akin ng kasiyahan.Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo. Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng mga hangaring makalaman kahit noong mga panahong ako'y wala pang bahid-dungis. Kung mapahihitulutan ang eksaheradong pahayag, ang pag-ibig ko sa kanya'y Hindi hihigit pa sa isang sentimental na bersyon ng motibong nagtulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay natupad. Bagamat nanatili siya sa isip ko sa sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming ugnayan, Hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong Hindi ko siya nakilala ng lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na gumugimbal sa akin, gayunman, alam kong mangyayari. Ngayo'y itinatanong kong muli sa akinsarili, "Mahal ko ba siya talaga?"Nangmakita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang na kaugnay ngpagkakayari ng Tulay ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para Makita siya nang patago. Sa huli'y nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay na makita siya, kundi inangkin ko pa ang kanyang katawan na gaya ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di ko siya nakilala nang pisikal ay Hindi ang tanging nangingibabaw sa akin. Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa, napansin ko na malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang na ang aking hangarin ay pinahina ng pangyayaring Hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing dahilan ayHindi siya ang inaasahan kong magiging siya. Nang magkakaupo kaming magkaharap, natuklasan ko na Hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa nakaraang tatlong taon. Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang mukha, na makapal na nakukulapulan ng matingkad na pulbos, ay pinaglahuan na ngmalaking bahagi ng dating kasariwaan at makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niya'y nakahugis ang nangingitim na guhit. Ang tanging Hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang malilinaw, bilog,maiitim na mga mata. Nang makita ko siya sa bagong paninging ito, nagimbal ako, at sa kabila ng aking damdamin ay di ko napigilang iiwas ang aking mga mata.Kung gayo'y paano ko nagawang makipagtalik sa isang babaeng napakanipis ng pagkakabigkis ko? Una'y itinulak ako ng kakatwang kagustuhan na mapangibabawan ang dating hangarin ng puso ko. Sa pagkakaupong magkaharap, binigyan niya ako ng isang eksaheradong kuwento ng kanyang pag-ibig sa kanyang asawa. Wala siyang iniwan kundi hungkag na alingawngaw sa aking tainga. " Mayroon siyang hambog na ideya tungkol sa kanyang asawa," naisip ko. May hinala rin ako na maaaring ito'y tulak ng kanyang kagustuhang huwag nang pagningasin pa ang aking pagnanasa. Kasabay nito, patindi nang patindi ang dating hangarin kong ihantad ang kanyang kasinungalingan. Bakit itinuturing ko iyong kasinungalingan? Kung sasabihin ninyo sa akin, minamahal kong mambabasa, na ang sariling kayabangan ko ang nagtulak sa akin para maghinalang kasinungalingan ang kanyang pahayag, Hindi ko maitatatwa ang inyong bintang. Ano't anuman, pinaniniwalaan ko noon at pinaniniwalaan ko hanggang ngayon, na iyon ay kasinungalingan.Pero Hindi ang hangaring makapanlupig ang tanging ngumangatngat sa akin nang mga sandaling iyon. Pinamumulahan akong banggitin ito- pinangingibabawan ako ng pagnanasa. Hindi iyon basta panghihinayang lang na Hindi ko nakilala ang kanyang katawan. Iyon ay hamak nakalibugan mismo na ni Hindi nangangailangan na ang kabilang panig ay maging ang babaeng iyon. Marahil ay walang lalaking umarkila ng babae sa isang bahay-putahan na magiging mas hamak pa sa akin nang mga sandaling iyon.Ano't anuman, batay sa ganyang iba't ibang motibo, nagkaroon ako ng relasyon kay Kesa. O, manapa, inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbalik sa unang tanong na binitiwan ko, Hindi ko na kailangang itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat, sapilitang ibinangon ko siya aking mga bisig- ang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang kanyang sarili. At nagmukha siyang mas walang dangal kaysa sa akin. Ang kanyangnakasabog na buhok at nagpapawis na katawan, ang lahat ay indikasyon ngkapangitan ng kanyang isip at katawan. Hindi kamaliang sabihin na simula nang araw na iyon, sa puso ko'y nagkaroon ako ng bagong pagkamuhi sa kanya. At ngayong gabi'y papatayin ko ang isang lalaking Hindi ko kinamumuhian, para sa kapakanan ng babaeng Hindi ko iniibig."Patayin natin si Wataru," bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob na inihiga ko sa tainga niya angnakaraang hangarin ko ns hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Ano't anuman, "Patayin natin si Wataru," bulong ko, at tiyak na tiyak na bumulong ako nang nagtatagis ang mga ngipin, sa kabila ng aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, Hindi ko masasabi kung ano ang nag-udyok sa akin para gawin ang padalus-dalos na bagay na iyon. Ang tanging naiisip ko bilang paliwanag ditto ay ginusto kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan, at habang tumitindi ang paghamak at pagkasuklam ko sa kanya, lalo kong kinaiinipan na mawasak ko ang kanyang dangal. Wala nang mas aangkop pa sa mga layuning ito kundi patayin ang asawang ipinangangalandakan niyang mahal niya, at makuha ang kanyang pagsang-ayon mula sa kanyang pagpapatumpik-tumpik. Kaya tulad sa isang lalaking binabangungot, nakapanaig ako sa kanya na maisakatuparan naming dalawa ang pagpatay na Hindi ko gusto.Kung iyan ay Hindi sapat para ipaliwanag ang aking motibo sa pagmumungkahing patayin si Wataru, wala nang paliwanag na dapat tangkain, maliban sa isang kapangyarihang banyaga sa mga mortal (marahil ay demonyo o diyablo) ang nagtataboy sa akin sa makasalanang daan.Nagpupumilit at paulit-ulit na ibinulong ko ang ganoo't ganoon ding bagay sa tainga niya.Sa huli'y nag-angat siya ng mukha at sinabi, "Oo, dapat mo ngang patayin si Wataru." Hindi lamang ako nasorpresa sa biglang pagsang-ayon niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang kinang sa kanyang mga mata na Hindi ko napansin noon. Taksil na babae-iyon ang naging tingin ko sa kanya. Gumuhit sa nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at paghihilakbot- at oo, pagkasuklam. Kung maaaari lang aybabawiin ko ang pangako ko noon din. Sa gayo'y mapangangalanan ko siyang mang-aapid, at ang aking kunsensiya'y makapagkakanlong sa makatwirang pagngingitngit. Pero Hindi ko nagawa. Inaamin koagad kong nakita na imposible iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin. Nagbago na ang kanyang anyo, na para bang nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa malungkot na kalagayanng pakikipagtipan para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na paghigantihan niya ako kapag nabigo akong tuparin ang aking bahagi ko sa usapan. Ngayon, ang takot na ito'y mahigpit at matatag na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking karuwagan. Ito ang gawa ng isang Hindi nakaaalam kung gaano kahamak ang kanyang kalaguyo. "Kapag Hindi ko pinatay ang kanyang asawa, papatayin niya ako sa kahit na anong paraan. Kailangan kong patayin ang kanyang asawa at kung Hindi'y papatayin niya ako," desperadong naisip ko, sa pagkakatingin ko sa kanyang walang luha pero umiiyak na mga mata. Pagkatapos kong bitiwan ang aking pangako, Hindi ba may nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at biloy na gumuhit sa kanyang maputlang pisngi? Ay, dahil sa kasumpa-sumpang pangakong ito, idadagdag ko ang krimen na buktot na pagpaslang sa pinakamaitin na pusong maaaring maisip. Kung tatalikuran ko ang nakatakdang pakikipagtipan na magaganap ngayong gabi…. Hindi, ipinagbabawaliyon ng aking pangako. Lagpas ito kaya kong batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang paghihiganti. Totoong-totoo ito. Pero may iba pang nag-uudyok sa akin na gawin iyon. Ano ito? Ano ang malaking kapangyarihang iyon na nagbubunsod sa akin, sa duwag na "ako," para patayin ang isang inosentenglalaki? Hindi ko masasabi. Hindi ko masasabi. Pero posibleng… Hindi, Hindi maaari. Pinandidirihan ko siya. Kinatatakutan ko siya. Kinasusuklaman ko siya. Pero gayunpaman, maaari ring dahil mahal kosiya.Si Morito, na patuloy sa paglalakad, ay Hindi na nagsalita pa. Ang pag-awit ng isang balada ay pumailanlangsa gabi.Ang isipan ng tao ay nasa dilim, Walang ilaw na makapagbigay-liwanag.Nagsisindi ito ng apoy ng makamundong paghahangad, Upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap.IKALAWANGBAHAGI: MONOLOGO NI KESAGabi, sa ilalim ng isang lampara, nakatayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nag-iisip nang malalim at kagat-kagat ang Manggas ng kanyang kimono.Darating ba siya o Hindi, ewan ko. Imposibleng Hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang marinig kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag Hindi siya dumating… Araw-araw akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan at kasamaan. Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng kahihiyan ko. Gayunma'y kakailanganin kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay dadalhin ko hanggang kabila ng libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula noong nakaraang araw, iyon na ang aking pananalig. Natatakot siya sa akin. Kinasusuklaman niya ako't pinandidirihan, gayunpama'y natatakot siya sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko lang ay ang sarili ko, Hindi ako makasisiguro sa kanya.Pero maasa ako sa kanya. Umaasa ako sa kanyang pagkamasarili. Umaasa ako sa buktot na takot na pinipukaw ng pagkamakasarili sa kanya.Pero ngayong Hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang!Hanggang noong tatlong taon na ang nakararaan ay may tiwala ako sa akong sarili, at higit sa lahat, sa aking kagandahan. Mas matapat kung sasabihin nating "hanggang noong araw na iyon" kaysa "noong tatlong taon na nakararaan". Noong araw na iyong makita ko siya sa silid ng bahay ng aking tiya, isang sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitan na nasasalamin sa kaniyang isip. Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala mo'ywalang problema. Pero paano pa maaaliw ang puso ng isang babae sa sandaling matuklasan niya ang kapangitan ng kanyang pagkatao? Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. Di-hamak na mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang dala ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking kamusmusan sa mag bisig ng aking tagpag-alaga, kung ihahambing sa malamultong pagkalunos na nagpakulimlim sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Naglahong lahat ng pangarap atpangitain sa aking puso. Ang kalungkutan ng isang maunos na madaling-araw ay tahimik na bumalot sa akin. Ngatal sa kalungkutan, sa huli ay isinuko ko ang aking katawan, na para na ring patay, sa mga bisig ng lalaking Hindi ko iniibig - sa mga bisig ng isang makamundong lalaki na nasusuklam at nandidiri sa akin. Hindi ko na ba makakaya ang aking kalungkutan mula nang buong linaw na maipamukha sa akin ang aking kapangitan? Sinikap ko bang mailibing ang lahat sa hibang na sandaling iyon na sumubsob ako sa kanyang dibdib? O itinutulak din ako ng kahiya-hiyang paghahangad lang na gay rin niya? Maisip ko lang iyon ay nilulukob na ako ng kahihiyan! Kahihiyan! Kahihiyan! Lalo na noong ilayo ko na ang aking sarili sa kanyang mga bisig, hiyang-hiya ako.Ang pagka-inis at kalungkutan ay naghatid ng walang katapusang luha sa aking mga mata sa kabila ng pagsisikap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan ako ng dangal, higit sa lahat ay nahihirapan ako't nagdurusa dahil ako'y pinadidirihang tulad sa isang asong ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon? Ang meron lang ako'y ang pinakamalabong ala-ala niyon na para bang isa iyong bagay sa malayong nakalipas. Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong, "Patayin natin si Wataru," at dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang ako'y humihikbi. Pagkarinig sa mga salitang ito, kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo, sumigla ako't lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan, kung ang sinag ng buwan ay matatawag na maliwanag. Bakit Hindi, Hindi ba ako inaliw ng mga salitang ito? Ay, Hindi ba ako - Hindi ba ang isang babae'y isang nilalang na nakadarama ng kaligayahan sa pag-ibig ng isang lalaki sukdulang patayin niyaang sarili niyang asawa?Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may malungkot at masiglang pakiramdam na tulad sasinag ng buwan. Kailan ako nangakong makipagtulungan sa pagpaslang sa akingasawa?Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing "noon lang".Hanggang sa mga oras na iyon, ang isip ko'y buung-buong nakatuon sa aking sarili atsa aking kahihiyan. Pagkaraa'y nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang na nang sandaling maalala ko ang kanyang mukha, gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga sandaling iyon ay disidido na akong mamatay, at ikinagagalak ko ang aking desisyon. Pero nang huminto na ako sa pag-iyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha paramatagpuan ang kapangitan kong nasasalamin doon, dama ko'y naglahong lahat ang aking kaligayahan. Ipinagunita nito sa akin ang kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko kasama ang aking tagapag-alaga. Iyon, tulad ng nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang ispiritung nagtatago sa ilalim ng aking kaligayahan. Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking asawa kaya mamamatay ako para sa kanya? Hindi, kundi dahil lang sa resonableng pangangatuwirang ito, ibig kong pagbayaran ang pagkakasala kong pakikipagtalik sa iba. Dahil walang tapang na magpakamatay, nasa akin ang buktot na hangaring makapag-iwan ngmagandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito ay maaari na rin sigurong palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa, Hindi ba ako nagpaplanong ipaghiganti ang aking sarili laban sa pagkamuhi sa akin ng aking kalaguyo, sa kanyang pandidiri sa akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang sulyap sa kanyang mukha na pumawi ng mahiwagang kislap na tulad sa mapulang liwanag ng buwan, at nagpalamig sa aking puso sa matinding pagdadalamhati. Mamamatay ako, Hindi para sa aking asawa kundi para sa aking sarili. Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sapananakit niya sa aking puso at para sa aking hinanakit sa pagdungis niya sa aking katawan. Ay, Hindi lang ako walang karapatang mabuhay kundi wala ring karapatang mamatay.Pero ngayon, gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan, kaysa mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa. Dahil matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano angmangyayari kapag Hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Kaya mukhang imposible na pagkatapos niyang mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin? Kapag naiisip ko na ang mga dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas ngayong gabi, nakakahinga ako. Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ng kanyang malamig na liwanag sa aking katawang walang ulo. Kapag nakita iyon ng aking asawa, siya'y… Hindi, Hindi ko siya iisip. Mahala ko ng aking asawa. Pero wala akong lakas na gantihan ang kanyang pag-ibig. Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin. At ang lalaki iyon ay darating ngayong gabi para patayin ako. Kahit ang gaserang ito'y napakaliwanag para sa akin, akong pinahihirapan ng aking mangingibig.Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isangnabuksang kandado, at bumaha sa loob ang maputlang sinag ng buwan.


Lawak ng paggamit ng wikang filipino?

Wikang FilipinoBy: II-St.Benedict ( Group 1 )Wikang Filipino ang aking pangalan,Ipinanganak ko itong kalayaan,Ako ang ina at siyang dahilan,Ng pagkakaisa at ng kasarinlan!Sapagkat ako nga ang siyang tumanglawSa bansang tahanang iyong tinatanaw,Katulad ng inang sa iyo ay ilaw,Nagbibigay-sigla't buting sumasaklaw!Ako rin ang ama at naging haligi,Ng mga sundalo at mga bayani,Sa digmaan noon sa araw at gabi,Ako ang sandatang nagtaas ng puri!Pagkat akong wika ang lakas mo't tuwaAko'y lakas nitong bisig mo at diwaSa pamamagitan ng aking salita,Ligtas ka sa uring luksong masasama!Sinalita ako at gamit ng lahat,Upang mga taksil ay maisiwalat,Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng s'yudad,Pati sa Mindanao, ako ay nangusap!At nakamit mo na ang hangad na laya,Mula sa dayuhang sakim at masama,Dilim na sumakop sa bayan at bansa,Dagling lumiwanag, pintig ay huminga!Wikang Filipino, ginto mo at hiyas,Panlahat na wika saan man bumagtas,Ilaw na maalab sa dilim ay lunasAt lakas patungo sa tuwid na landas!Wikang Filipino By: II-St.Benedict ( GROUP 1 )May sariling wika ang ibon at isda,Iba ang sa aso, iba ang sa pusa.Iba't ibang bansa, kanya-kanyang wikaItaguyod natin ang wikang pambansa.Bakit mahalaga ang sariling wika?Ito'y kaluluwa ng mahal 'ting bansa.Wika rin ang buklod ng puso at diwaNang tao sa Luson, Mindanaw, Bisaya.Wikang Pilipino pag ating ginamitMangagkakaisa ang puso at isip.Hangaring umunlad ating makakamit,Sa mga dayuha'y hindi palulupig.Tingnan 'nyo ang Intsik, Aleman at Korya,Maging taga Rusya, Hapon, Amerika,Sila'y mauunlad; at ang wika nila?Ang sariling wika, di wika ng iba.Ako ay Tagalog, sila'y Ilokano,Siya'y Bisaya, kayo'y Bikolano,Kapampangan sila, iba'y Sibuwano,Binubuo natin, wikang Pilipino.Mga taga Luson, Mindanaw, Bisaya,Iba't ibang lipi, iba't ibang diwa.Sila'y binubuklod ng iisang wika,Mamamayang lahat nitong ating bansa.Sa bansa kong ito'y isa lang ang wika,Wikang Pilipinong bigay ni Bathala.Masining ang kanyang awitin at tula,Lubha ring malalim, kanyang talinhaga.Wikang Pilipino'y maraming wikain,Mahigit pitumpo kapag bibilangin.Magpatuloy tayo na ito'y gamitinSino mang dayuha'y di kayang lupigin.


Ang pag ibig na isinulat ni Emilio jacinto?

Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya ng pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig; siya lamang makapagpapabukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman. Kung ang pag-ibig ay wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-karakang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng hanging mabilis. Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawahan. Ngunit ang kasakiman at ang katampalasanan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung minsan, at kung magkagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ang nakakapalit ng gapatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo sa ganitong pag-ibig. Ang pag-ibig - wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na dagat ng ating mga kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang nagiging dahilan lamang kung kaya natin minamahal pa ang buhay. Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila? Kung ang anak kaya naman ay walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging alalay at tungkod ng katandaan? Ang kamatayan ay lalo pang matamis kaysa buhay para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan. Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran hanggang sa tayo'y mahikayat na sila'y bahaginan ng kaunting kaluwagan ang ating pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating buhay; ang pagkakawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang pinagbuhatan kundi ang pag-ibig? Ang tunay na pag-ibig ay walang ibinubunga kundi ang tunay na ligaya at kaginhawahan. Kailanpama't sapin-sapin ang dusang pinapasan ng bayani, at ang kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat hindi ang tunay na pag-ibig ang naghahari kundi ang taksil na pita sa yama't bulaang karangalan. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig! Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng matuwid. Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman, at pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay mapagbukud-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa pag-iiringan, sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan. Oh! Sino ang makapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig? Ang pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ay isang lakas at kabuhuyan, at kung nagkakaisa na't nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay nagiging maagang pasanin, at ang munting ligaya'y matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyari ang ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig. At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo kaya, mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina't mga kapatid? Hindi, pagkat sila'y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ng iyong dugo at sampu ng buhay kung sila'y nakikitang inaapi ng iba. Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at magpapalagayang tunay na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay ng madlang pasakit at di-mabatang mga kapaitan. Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging marurunong ang mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid. Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa, at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay matutulad sa tunay na paraiso.


Script ng buong kwento ng florante at laura?

Tagapagsalaysay: Madilim, masukal, tahimik at mapanganib. Ito ang mgakatangian ng isang gubat na mapanglaw at dito rin magsisimula ang kwento ng matamis na pag-iibigan nila Florante at Laura.Sa gitna ng gubat, may isang lalaking nakatali sa puno na animo'y binugbog ng paulit-ulit at hinabol ang kanyang hininga. Ang pangalan niya'y Florante.Habang nakatali sa puno, sinasabi niya ang kanyang mga nakaraan at isa na rito ang Albanya, isang kaharian kung saan siya'y isinilang na ngayo'y nanganganib.Florante: O, aking Diyos Ama, nasan, nasan, ang iyong awa! Ako'y nananaghoy,nakikiusap, humihingi ng tulong niyo (bugtong hininga)Patawarin niyo akong lahat dahil Hindi ko nagawang ipagtanggol ang ating kaharian laban sa taksil at walang awang si Adolfo. Tila yata wala nang nagmamahal sakin! Napakapait ng aking buhay!Inagaw niya ang korona ni Haring Linceo upang magawa niya ang kanyang ninanais. Pati si Duke Briseo na aking ama ay kanyang dinamay.Tagapagsalaysay: Sandaling nanahimik si Florante dahil sa sama ng loob(umiyak sandali) matapos manahimik ay muli siyang tumawag sa Panginoon.Florante: O aking Diyos Ama, tila yata di mo dinidinig ang aking mgapanalangin sa'yo. Hindi ko tuloy maalis saking isipan na ayaw nyo na akong tulungan.Kung gayon, papaano na ako, sinong aking malalapitan at makakapitan kung ang Diyos mismo ay ayaw na akong tulungan!Paalam na Albanya, aking sinilangan, patawarin mo na lang ako dahil Hindi kita naipagtanggol.Paalam na bayan ko, paalam rin sa'yo. Adolfong malupit, Laurang taksil! Paalam na sa inyo!Tagapagsalaysay: Habang nagdudusa si Florante sa gubat, isang GererongMorong nagngangalang Aladin ang dumating sa gubat na pagod na pagod at naghahanap ng pagpapahingahan.Aladin: O, Flerida…… O tadhana, kay lupit mo, kinuha mo ang minamahal ko!Tagapagsalaysay: Habang si Aladin ay umiiyak at nagdudusa ay may narinigsiyang tinig sa kagubatan at pagkatapos ay may nakita siyang lalaki.Aladin: O, ano yung tinig na aking naririnig? Tinig ng isang naghihinagpis natao. Sino kaya siya?Florante: Talagang ako'y minamalas. Ako'y pinapahirapan sa kamay nang taksilna si Adolfo. Si Adolfong malupit at higit pa sa halimaw kung manakit.Aladin: Kaawa-awang tao, ang lahat ng kanyang tuwa'y natapos nang siya'ypinahirapan at pinagtaksilan.Tagapagsalaysay: Pagkatapos na marinig ni Aladin si Florante ay nagmuni siyang isang malaking problema.Aladin: Tadhana'y masakit, problema ko'y napakahirap lutasin dahil sa akingsintang inagaw.Tagapagsalaysay: Nagmamadali na si Aladin nang mapansing humina angboses na kanyang narinig…Aladin: Kailangan ko ng magmadali kundi, Hindi ko na maabutan ang taongiyon…Tagapagsalaysay: Habang tumatakbo ay hinahawi niya ang mga sagabal sapamamagitan ng kanyang kalis. Nang Makita niya ang nakagapos ay napansin niyang may nakapalibot ditong dalawang leon. Siya ay naghanda at nilusob ang mga leon. Pagkatapos niyang mapatay ang dalawang leon ay pinakawalan niya si Florante.Aladin: Parang nakita ko na ang taong ito?Tagapagsalaysay: Pagkalipas ng ilang oras ay namulat si Florante at……Florante: Laura nasaan ka? Tulungan mo akong makaalis dito…Tagapagsalaysay: Hindi na sumagot si Aladin at baka sa kawalang pag-asa ay matuluyan na si Florante…Florante: Sino ka at bakit ako narito?Aladin: Magpahinga ka na lang. Ako ang nagligtas sa iyo.Florante: Hindi mo ba napapansin na tayo ay magkaaway?Aladin: Marahil, pero ika'y nangangailangan ng tulong.Florante: Siguro nga ay patay na ako kung Hindi ka dumating. Ngunit angpagkamatay ang siyang tunay kong kaligayahan.Aladin: Hangal! Hindi mo ba alam na dinadagdagan mo lang ang iyong pasakit?!Tagapagsalaysay: Hindi nagpansinan ang dalawa ngunit isinama ni Aladin siFlorante sa kanyang pagpapahingahan at doon sila nagpalipas ng gabi.Pagdating ng umaga ay napansin ni Aladin na malakas na si Florante kaya ito'y kanyang niyakap.Florante: Maraming salamat sa lahat ng tulong mo kaibigan!Tagapagsalaysay: Inaliw ni Aladin si Florante ngunit napansin nitongmalungkot pa rin siya.Aladin: Ano ba ang iyong problema? Maaari ko bang malaman?Florante: Sige. Sisimulan ko ang aking kwento simula ng ako'y ipinanganak.Tagapagsalaysay: Ang dalawa ay naupo upang magkuwetuhan.Florante: Pinanganak ako sa bayan ng Albanya kung saan si Duke Briseo,ang aking ama, ay naninirahan. Ang ina ko na si Prinsesa Floresca ay nakatira sa Krotona. Ako ay pinangalanan nilang Florante.Noong sanggol pa lamang ako ay muntik na akong dagitin ng isang buwitre. (sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)Prinsesa Floresca: Florante! Tulong!Menalipo: Bakit po anong problema?Florante: Nakita ng pinsan kong si Menalipo na ako ay dadagitin ng buwitrekaya Dali-Dali niya itong pinana at napatay. At noon namang naglalakad ako ay kinuha ng isang areon sa aking dibdib ang aking Cupidong Dyamante. Buti na lang at Hindi ako napahamak. (isinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)Nang ako'y naging siyam na taong gulang ay lagi akong nasa burol at dala ang aking pana't busog at ako'y naghahanap ng hayop upang tirahin ng aking pana. Kapag ako'y napagod ay nagpapahinga at naliligo ako sa batis kung saan masasayang nag-aawitan ang mga nayades habang tinutugtog nila ang kanilang lira. Ang kanilang tawana'y nakapagpapawala ng aking pagod. (sinasalaysay habang inaarte ng batang Florante)(nagkakantahan ang mga nayades)Pagkalipas ng ilang taon ay pinag-aral ako ng aking ama ngunit ayaw pumayag ng aking ina dahil ako'y lilisan.Prinsesa Floresca: Bakit kailangan pa niyang umalis?Duke Briseo: Dahil mas maganda ang pagtuturo roon. Kung Hindi siya mag-aaral ano ang kanyang magiging kinabukasan.Pronsesa Floresca: Sino ang mag-aaruga sa kanya roon?Duke Briseo: Aalagaan siya ng kanyang mga guro't kaibigan doon.Florante: Sa mga sinabi ng ama ko ay nakumbinse niya si ina upang ako'ylumisan.Tagapagsalaysay: Sa pagdating ni Florante sa Atenas…Antenor: Florante, maligayang pagdating! Ako nga pala si Antenor at ako angmagiging guro mo dito sa Atenas.Florante: (malungkot na malungkot) Salamat po!Antenor: O, bakit tila kay lungkot mo?Florante: Ayaw ko po kasing umalis sa Albanya.Antenor: Hayaan mo, lilipas din yan.Tagapagsalaysay: Sa isang buwang pagtigil ni Florante sa Atenas aykapansin-pansin na palagi siyang tulala at di makakain.Isang araw habang naglalakad si Florante ay nakasabay niya si Adolfo, ang kanyang kababayan. Napansin niya ang pinong pagkilos nito.Makaraan pa ang anim na taong pag-aaral……Antenor: Binabati kita Florante! May talento ka sa pilosopiya, astrolohiya atmatematika.Florante: Salamat po!Tagapagsalaysay: Dito nagsimulang magalit si Adolfo dahil nasasapawan nasiya ni Florante.Isang hapon, tinipon ni Antenor ang mga estudyante.Antenor: Magkakaroon ng pagsasadula ng trahedya ng dalawang Apo. SiFlorante ang mangunguna bilang Polinise at si Adolfo bilang Etyokles.Tagapagsalaysay: Nang magsimula na ang dula-dulaan. Nanlisik ang mata niAdolfo kay Florante.Adolfo: (Handa nang paslangin si Florante) Ikaw ang umagaw ng kapurian ko,dapat kang mamatay.Menandro: (Sinaklolohan si Florante) Adolfo, itigil mo ang iyong kahibangan.Tagapagsalaysay: Natapos ang pagdiriwang at di na nakita si Adolfo.Makalipas pa ang isang taon, isang sulat ang dumating para kay Florante.*babasahin ang sulat*Florante:(malungkot) HINDI!!!!!Mahal na ina, bakit mo ako iniwan? Di man lang tayo nagkita sa matagal na panahon. HINDI!! Hindi ka maaring mamatay!(walang patid ang pag-iyak)Tagapagsalaysay: Dalawang buwan pa si Florante sa Atenas bago dumatingang kanyang sundo.Florante: Maestro, paalam na po.Antenor: Florante, tandaan mo palaging mag-iingat kay Adolfo.Florante: Salamat po sa lahat. Tatandaan ko po ang inyong bilin.Menandro: Mag-iingat ka Flortante. Kapag kailangan mo ng tulong ay nanditolang kami.Antenor: Menandro, sumama ka kay Florante sa Albanya.Menandro: Salamat po.Florante at Menandro: Paalam na po.Tagapagsalaysay: Pagdating sa Albanya……Florante: (humalik sa kamay ng ama) O aking ama!Duke Briseo: (niyakap ang ama) O bunso.Tagapagsalaysay: Biglang may dumating na isang mensahero.Mensahero: Magandang araw po.Humihingi ng tulong ang Krotona sa inyo dahil nanganganib po na masakop ni Heneral Osmalik.Duke Briseo: Asahan niyo ang tulong namin. Florante, pupunta tayo kay haring Linceo.Tagapagsalaysay: Pagdating sa palasyo, sinalubong sila ni Haring Linceo.Duke Briseo: Mahal na hari, ang aking anak na si Florante.Haring Linceo: Ah, ang binata sa aking panaginip. Siya ang papalit sa akingtrono. Pansamantala pamunuan mo ang hukbong patungo sa Krotona.Tulungan mo ang iyong ninuno doon at magkamit ng karangalan.Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng iyong kahusayan saAtenas. Walang pagdududa na iyong namana ang mga katangian ng iyongama.Florante: Maraming salamat po sa papuri. Ginawa ko lang po ang nararapat.Tagapagsalaysay: Kasilayan ni Florante si Laura sa hardin ng palasyo.Florante: Maari ko po bang malaman kung ano ang pangalan ng magandangbinibining iyon?Haring Linceo: Siya nga pala ang aking anak na si Laura. Maiwan muna kita at mag-uusap lang kami ng iyong ama.Tagapagsalaysay: Pumasok si Haring Linceo sa loob ng palasyo at nilapitannaman ni Florante si Laura.Florante: Magandang umaga sa iyo prinsesa. Kanina pa kita napapansin.Laura: Magandang umaga, Florante. Salamat sa papuri. Lagi kangikinukwento sa akin ng iyong ama.Florante: Sana'y makilala pa kita ng lubusan.Laura: Gayon din ako. Ngunit ilang araw na lang at aalis ka na rin.Florante: Oo nga. Halika Laura, pumasok na tayo at magsisimula na angpiging.Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng tatlong gabing piging…Haring Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante. Dapat ka ng maghanda parabukas.Florante: Maraming salamat po sa paalala. Magandang gabi rin po.Tagapagsalaysay: Kinabukasan…Duke Briseo: Handa ka na ba? Malayo ang iyong lalakbayin.Florante: Handa na po aking ama. Karangalan ko po ang maglingkod sa inyo,Haring Linceo.Haring Linceo: Mabuti kung ganon. Mag-iingat ka.Florante: Salamat po.Laura: Mag-iingat ka Florante, ipangako mong babalik ka.Florante: Pangako, Laura.Laura: Paalam.Florante: Paalam sa inyong lahat. Mga kawal, tayo ng lahat!Tagapagsalaysay: Pagdating nila Florante sa Krotona, nakita nila ang hukbo ni Heneral Osmalik.Osmalik: Sugod!Florante: Sugod!*digmaan*Natitirang kawal ni Osmalik: Nasan ang kalaban?! (makikita sila Florante, Menandro at isa pang kawal) Isa… Dalawa… Tatlo… Takbo!Florante: Nanalo tayo!! Mabuhay ang Albanya!Mga kawal: Mabuhay!!Florante: Mga kawal, babalik tayo sa Albanya.Tagapagsalaysay: Sa pagnalik nila sa Albanya ay may nakasalubong silang mga di-binyagan na may dalang isang babae.Di-binyagan: Sino kayo at bakit kayo narito?Florante: Kami'y mga taga-Albanya./ Pakawalan niyo ang babaeng iyan!*labanan*Florante: Binibini, mawalang-galang na pero ngayon lang kita nakita rito.Maari ko bang malaman ang iyong pangalan?Laura: Ako ito, Florante. Si Laura.Florante: Laura? Bakit ka nandito?Laura: Gusto ko lang malaman ang iyong kalagayan.Florante: Salamat sa pag-aabala. Kamusta ka na? Sana'y naging mabuti ka.Laura: Mabuti naman ako, pero Florante, kailangan ko ng tulong mo. Maybayang malapit dito na pinagtataguan ng mga morong dumakip sa aking ama. Iligtas mo siya. Paano kung may masamang mangyari sa kanya? Paano kung...Florante: Shhhh. Ako na ang bahala. Ililigtas ko ang iyong ama sa abot ng aking makakaya.Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang linggo…Florante: Nanalo ulit tayo!!!Haring Linceo: Salamat naman at dumating ka.Florante: Ginawa ko lang po ang aking tungkulin.Tagapagsalaysay: Matapos noon ay bumalik na ang lahat sa Albanya.Haring Linceo: Florante, pasensya ka na ngunit ipapadala ulti kita sa Etolyapara lumaban sa mga turko. Mag-ingat ka.Florante: Pupunta po kami kaagad.Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw ng paglalakbay…Miramdin: Kapag nakita niyo na sila ay sugurin niyo kaagad.Florante: Sugod!!*digmaan*Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw…Kawal: Heneral Florante, dala ko po ay isang sulat galing kay Haring Linceo.Florante: Maraming salamat, maaari ka ng umalis.Tagapagsalaysay: Pagkatapos basahin ni Florante ang liham, pinatawag niya si Menandro.Florante: Menandro, babalik ako sa Albanya, pinapupunta ako ng hari. Ikawmuna ang mamahala dito.Menandro: Ikararangal ko ito.Tagapagsalaysay: Umuwi si Florante sa Albanya nang nag-iisa. Pagdatingniya ay pinaligiran siya ng mga kawal.Florante: Anong ibig sabihin nito?!Kawal2: Sumama ka sa amin kung ayaw mong masaktan.Tagapagsalaysay: Dinala si Florante sa palasyo at nakita si Adolfo.Adolfo: Kamusta na Florante? Matagal na tayong Hindi nagkakausap.Kuwentuhan mo naman ako.Florante: Walang hiya ka!! Anong ginawa mo kay Laura?!!Adolfo: Huminahon ka. Maayos ang kalagayan niya ngunit ikinalulungkot ko..Magpaalam na ang iyong amang si Duke Briseo.Florante: Papatayin kita, papatayin kita!Adolfo: Mga kawal, alisin niyo ang taong ito sa harapan ko…Tagapagsalaysay: At doon nagwakas ang pagsasalaysay ng buhay niFlorante…Florante: At ganoon nga ang nagyari.Aladin: Hayaan mong ako naman ang magsalaysay ng aking buhay… Ang ngalan ko'y Aladin mula sa syudad ng Persya. Anak ng bantog na sultan Ali-Adab. Kaya ako nandito dahil ako ay pinagtaksilan ng sarili kong ama.Tagapaagsalaysay: Sasmantala, sa kabilang bahagi ng kagubatan….Laura: Anong gagawin mo sakin?! Saan mo ko dadalhin?!Adolfo: Sumama ka na lang!Flerida: Itigil mo yan!(pinana ni Flerida si Adolfo at napatay)Aladin: (maririnig sila Flerida at Laurang nag-uusap ngunit Hindi nila alam nasila pala ito) Huh?!... Nakarinig ka ba ng mga nag-uusap?Florante: Oo, halika't hanapin natin kung saan ito nagmumula. (pinakinggannila ito)Flerida: Nang mabalitaan ko na pupugutan ng ulo ang aking minamahal, ako ay nagmakaawa sa hari na huwag na itong ituloy, matapos nito, ako ay nagdamit gerero upang makatakas sa kaharian.Tagapagsalaysay: Di na nakatiis si Florante at Aladin… Kaagad nilangnilapitan ang kanilang sinisinta. Wari bang sabik sa pagmamahal ng isa't-isa.Florante: O Laura aking mahal kay tagal nating Hindi nagkita!Laura: Mahal ko!Aladin: Flerida! Aking sinta!Flerida: O Aladin…Florante: Pano ka napadpad dito, Laura?Laura: Hayaan mong ikwento ko ang mga nangyari sakin sa bingit ngkamatayan…(malungkot at iiyak) Nang ikaw ay mawala, naging magulo na ang bayan. Madalas akong pagtangkaan ni Adolfo… Higit pa dito, pinaslang niya ang aking amang hari at maging ang iyong ama na si Duke Briseo.Flerida: Ako'y nahabag kay Laura ng makita kong nilalapastangan siya niAdolfo kaya kinuha ko ang busog at palaso at pinana ko sa dibdib ang walag-awang hangal.Florante: Sadyang kay lupit ng tadhana sa ating lahat. Ngunit ngayon aymasaya na tayong lahat at magkakasama.Tagapagsalaysay: Habang sila ay nag-uusap ay dumating si Menandro at angkanyang mga sundalo. Dapat ay hahanapin nila si Adolfo upang singilin sa kanyang mga kasalanan nang Makita nilang maayos na ang lahat..Matapos ang sandaling pag-uusap ay bumalik ang lahat sa Albanya. Masaya ang mga tao na nakita silang maayos na nakabalik. Kaagad naman dinaos ang kasal Nina Florante at Laura at maging Nina Aladin at Flerida matapos sila kapwa magpabinyag.Aladin: Florante, ako muna ay panandaliang magpapaalam sayo. May nagbalita kasi sa akin na sumakabilang buhay na ang aking ama. Kailangan ko siyang puntahan. Sa kabila ng mga kasalanan niya sakin, siya'y mananatiling ama ko pa rin. Ako ang papalit sa puwesto niya kaya't matatagalan bago tayo magkita muli. Ipinapangako namin na kami ay babalik dito upang kamustahin kayong mag-asawa. Paalam kaibigan!Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo aypinalitan sila ni Florante. Sa kanyang, paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng kaharian. Namauli ang kapayapaan, umunlad muli at bumalik rin sa dati ang mga tao.


Ano ang kahalagahan ng idyoma?

Idyoma - Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal - sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. 1. Anak-dalita - mahirap 2. Alilang-kanin - utusang wanlang sweldo,pagkain lang 3. Balik-harap - pabuti sa harap,taksil sa likuran 4. Bungang-tulog - panaginip 5. Dalawa ang bibig - mabunganga,madaldal 6. Mahapdi ang bituka - nagugutom 7. Halang ang bituka - salbahe,desperado o hindi nangingimang pumatay ng tao 8. Makapal ang bulsa - maraming pera 9. Butas ang bulsa - walang pera 10. Kusang palo - sariling sipag 11. Magaan ang kamay - madaling manontuk,manapok,manakit 12. Kidlat sa bilis - napakbilis 13. di makabasag pinggan - mahinhin 14. nakahiga sa salapi/pera - mayaman 15. nagbibilang ng poste -- walang trabaho 16. namamangka sa dalawang ilog - salawahan 17. nagmumurang kamatis -- matandang nag-aayos binata o dalaga 19. naniningalang-pugad - nanliligaw 20. ningas-kugon-- panandalian, di pang-matagalan 21. makapal ang mukha - di marunong mahiya 22. maaliwalas ang mukha - masayahin 23. madilim ang mukha - taong simangot, problemado 24. dalawa ang mukha - kabilanin, balik-harap 25. panis ang laway-- taong di-palakibo 26. pagkagat ng dilim -- pag lubog ng araw 27. pulot-gata -- pagtatalik ng bagong kasal 28. putok sa buho -- anak sa labas 29. makati ang paa -- mahilig sa gala o lakad 30. pantay ang mga paa -- patay na 31. nagpupusa -- nagsasabi ng mga kuwento ukol sa isang tao 32. saling-pusa -- pansamantalang kasali sa laro o trabaho 33. sampid-bakod -- nakikisunod, nakikikain, o nakikitira 34. samaing palad -- malas na tao 35. sampay-bakod -- taong nagpapanggap, hindi mapagkakatiwalaan ang sinasabi 36. takaw-tulog -- mahilig matulog 37. takipsilim -- paglubog ng araw 38. talusaling -- manipis ang balat 39. talusira -- madaling magbago 40. tawang-aso -- nagmamayabang, nangmamaliit 41. maputi ang tainga - kuripot 42. nakapinid ang tainga -- nagbibingi-bingihan 43. taingang kawali -- nagbibingi-bingihan 44. matalas ang ulo - matalino 45. mahangin ang ulo - mayabang 46. malamig ang ulo -- maganda ang sariling disposisyon 47. mainit ang ulo -- pangit ang disposisyon 48. lumaki ang ulo - yumabang 49. matigas ang ulo -- ayaw makinig sa pangaral o utos 50. basag-ulo -- gulo, away 51. may ipot sa ulo -- taong pinagtaksilan ng asawa 52. utak-biya -- bobo, mahina ang ulo 53. matalas ang utak -- matalino


Ano ang buod ng dulang walang sugat ni Severino Reyes?

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama't napupusuan niya siTone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila hinahayaan na ang isang dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na walasiyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulanay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas sa gulo aynaisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang paraan bagama't dalawang buwan na ang lumipas. Natuloyang kasal at nangako si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang ng mga Amerikano sa Kastila ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene kaya't siya'y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si Nene saMaynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa't isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya'y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang "pusong walang pag-ibig".