answersLogoWhite

0

Kung sa mga daang nilalakaran mo,

may puting bulaklak ang nagyukong damo

na nang dumaan ka ay biglang tumungo

tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . .

Irog, iya'y ako!

Kung may isang ibong tuwing takipsilim,

nilalapitan ka at titingin-tingin,

kung sa iyong silid masok na magiliw

at ika'y awitan sa gabing malalim. . .

Ako iyan, Giliw!

Kung tumingala ka sa gabing payapa

at sa langit nama'y may ulilang tala

na sinasabugan ikaw sa bintana

ng kanyang malungkot na sinag ng luha

Iya'y ako, Mutya!

Kung ikaw'y magising sa dapit-umaga,

isang paruparo ang iyong nakita

na sa masetas mong didiligin sana

ang pakpak ay wasak at nanlalamig na. . .

Iya'y ako, Sinta!

Kung nagdarasal ka't sa matang luhaan

ng Kristo'y may isang luhang nakasungaw,

kundi mo mapahid sa panghihinayang

at nalulungkot ka sa kapighatian. . .

Yao'y ako, Hirang!

Ngunit kung ibig mong makita pa ako,

akong totohanang nagmahal sa iyo;

hindi kalayuan, ikaw ay tumungo

sa lumang libinga't doon, asahan mong. . .

magkikita tayo!

User Avatar

Wiki User

12y ago

What else can I help you with?

Continue Learning about Performing Arts

Why did Jose corazon de Jesus wrote the poem kahit saan?

para magkasisiw


Poem with four lines?

ako ay pilipino matipuno at matalino ' taas noo kahit kanino


Why do we use formation in dance?

A common formation in dance is when the people/dancers are in a V shape or in a zig zag.


Can you explain the poem bigong pag asa?

Bigong Pag-asa salin ni Isagani R. Cruz mula sa tulang "Nalpay A Namnama" ni Leona Florentino Anong saya at ginhawa kung may nagmamahal dahil may makikiramay sa lahat ng pagdurusa. Ang masama kong kapalaran walang kapantay -- wala akong alinlangan -- sa dinaranas sa kasalukuyan. Kahit na ako ay magmahal sa isang musa wala namang hinuha na ako'y pahahalagahan. Isumpa ko kaya ang panahon nang ako'y ipinanganak higit na mas masarap na mamatay bilang sanggol. Nais ko mang magpaliwanag dila ko'y ayaw gumalaw nakikita kong malinaw pagtanggi lamang ang matatangap. Ligaya ko sana'y walang kapantay sa kaalamang ikaw ay minamahal isusumpa ko at patutunayan para sa iyo lamang ako mamamatay. (Unang binigkas sa ikalawang panayam sa Seryeng Panayam Leona Florentino sa Pamantasang De La Salle noong 9 Agosto 1995.) isaganicruz@gmail.com Bigong Pag-asa salin ni Isagani R. Cruz mula sa tulang "Nalpay A Namnama" ni Leona Florentino Anong saya at ginhawa kung may nagmamahal dahil may makikiramay sa lahat ng pagdurusa. Ang masama kong kapalaran walang kapantay -- wala akong alinlangan -- sa dinaranas sa kasalukuyan. Kahit na ako ay magmahal sa isang musa wala namang hinuha na ako'y pahahalagahan. Isumpa ko kaya ang panahon nang ako'y ipinanganak higit na mas masarap na mamatay bilang sanggol. Nais ko mang magpaliwanag dila ko'y ayaw gumalaw nakikita kong malinaw pagtanggi lamang ang matatangap. Ligaya ko sana'y walang kapantay sa kaalamang ikaw ay minamahal isusumpa ko at patutunayan para sa iyo lamang ako mamamatay. (Unang binigkas sa ikalawang panayam sa Seryeng Panayam Leona Florentino sa Pamantasang De La Salle noong 9 Agosto 1995.) isaganicruz@gmail.com


What is a translation of William Shakespeare's sonnet 23 into Tagalog?

William Shakespeare's Sonnet 23 can be translated into Tagalog as follows: "Sa aking mga salita, ako'y may takot at panghihina, ngunit ang aking pag-ibig ay wala nang iba pang maipapahayag kundi ang tunay na damdamin. Kahit ako'y nahihirapan sa pagsasalita, ang aking puso'y nananatiling tapat sa iyo. Sa kabila ng mga hadlang, ang aking pagnanasa ay patuloy na umaapaw." This captures the essence of the sonnet, emphasizing the struggle of expressing deep emotions despite difficulties.