answersLogoWhite

0

What reason Julie vega's died?

User Avatar

Anonymous

12y ago
Updated: 8/18/2019

Di kalaunan ng kanyang pagtatapos ng sekondarya noong 1985, nag-umpisang magbigay ng hinaing si Vega ukol sa panghihina at pagkawala ng pakiramdam, lalo na sa ilalim na bahagi ng kanyang katawan. Nang siya ay napatingnan sa isang pribadong ospital, nalaan na meron siyang demyelinating disease na pinaghihinalaang Guillain-Barre syndrome na katulad ng multiple sclerosis maliban sa palala ng palala ang sakit ni Vega. Nang inilipat siya sa Quezon Institute dahil sa tumataas na mga gastusin, nahawaan din siya ng bronchopneumonia na nagpalala ng kanyang kondisyon. Namayapa siya noong 6:30 ng gabi ng 6 Mayo 1985 sa Lung Center of the Philippines, 15 na araw lamang bago ang kanyang ika-17 kaarawan. Dahil sa biglaan niyang pagkamatay, hindi natapos ang kwento ng Anna Liza at nagdulot ng hinagpis sa maraming Pilipino. Pagkatapos iburol sa Mount Carmel Church sa siyudad ng Quezon, inilibing siya sa Loyola Memorial Park sa siyudad ng Marikina na dinalunan ng libu-libong mga tagahanga at mga karamay sa larangan ng showbiz.

User Avatar

Wiki User

12y ago

What else can I help you with?